Pagmamahal Mo Bilang Kaibigan

13 1 0
                                    

Pagmamahal Mo Bilang Kaibigan

Ikaw ay aking minahal,
Sa pagiisip na ika'y hindi mahal,
Ngunit ito'y isang problema,
Dahil mali ng iniisip at inakala.

Na ikaw ay hindi kayang mahalin,
Sapagkat ika'y masyadong malalim,
Na kayang kalimutan,
Ang aking nararamdaman.

Ikaw sadyang malalim,
Na di ko kayang abutin,
Ang lalim ng pag-iisip,
Na sadyang nakakalunod.

Pag-iisip ko'y iyong ginugulo,
Matapos ika'y sakin magpakulo.
Ako sayo'y nagalit,
Sa hindi maintindihang naramdamang sakit.

Ikaw saki'y paasa,
Na dahilan kaya ako umasa,
Na kaya mong mahalin,
At hindi kayang masaktan.

Ang pag-ibig na sa iyo ay inalay,
Ako ay nangawit at nangalay.
Pag-ibig ko'y sayo inawit,
Ngunit hindi pinansin kahit ako'y napaos na't lahat-lahat.

Aking pasensya'y maikli,
Ngunit aking pagkakamali,
Ang pagpapahaba dito,
At iyong binago.

Binago sa hindi ko akalaing paraan,
Pagmamahal na bilang kaibigan,
Ang tanging naasahan,
Masaya ako kahit na bilang isang kaibigan.

Ngunit ako'y umasa,
Ako'y nabuhayan ng pag-asa,
Na ang pagiging isang kaibigan,
Ay mapalitan ng ka-ibigan.

Na kaibigan sa una,
At ka-ibigan sa huli.
Ngunit ako'y nagkamali,
At tanging kaibigan lang hanggang dulo na.

The PoemWhere stories live. Discover now