Kailangan Pa Ba?

5 0 0
                                    

Kailangan Pa Ba?

Kailangan pa ba lahat?,
Kailangan ko pa bang tanggapin lahat?,
O balewalain na lang lahat,
Kasi ito'y nagkalat.

Sa lahat ng aking minahal,
Sayo lang naging tapat magmahal,
Ngunit dahil ika'y mahal,
Ako'y naging hangal.

Sapat nga ba?,
O kailangan mo pang ipaintindi pa,
Sapagkat hindi ko kinaya,
Lahat ng ibinulgar mo pa.

Kailangan ko pa ba?,
Naintindihin ka?,
Kasi kung oo, hindi ko na kaya,
Ako'y nasaktan ng sobra.

Ngunit sa pagmamahalan ng dalawang tao,
Kailangan ng pag-intindi upang mabuo,
Kailangan ko pa nga bang masaktan?,
Upang ika'y aking makalimutan?

Sapagkat kung oo,
Ako'y titigil na muna dito,
Ngunit hindi ako hihinto,
Umaasa ang aking puso.

Ika'y aasahan,
Kahit ako pa'y masaktan,
Ngunit kung iyo sasadyain,
Ako'y hindi maasahan.

Maasahan mo ko,
Kung hahanapin mo ang halaga ko,
Ngunit kung hindi mo mahanap,
Kailangang maging maagap.

Kaya kitang antayin,
Ngunit wag akong pag-antayin,
Kasi kung ako'y pag-aantayin, ako'y masasaktan,
At kapag ako'y nasaktan ika'y aking kakalimutan.

Kailangan mo pa ba ako?,
Dahil kung hindi na aalis na ako dito,
Ngunit hindi hihinto,
Ngunit isang salita, ako'y pepreno.

The PoemWhere stories live. Discover now