Ang Tanging Hanap(Part 3)
Ika'y mahal,
Kahit hindi mo ako mahal,
Nais kong makamtan,
Ang pag-ibig na inaasahan.Maari ba kitang maging ina?,
O hindi mo kaya?,
Kaya mo nga ba?,
Na sa akin magpakainaKung oo ang sagot,
Ako'y maghihintay,
Ako'y hindi mababagot,
Sapagkat ako'y sanay.Sanay na akong masaktan,
Kahit hindi mo ako saktan,
Ako'y nasasaktan,
Ng hindi mo alam.Ako'y umasa,
Dahil may nakitang pag-asa,
Ngunit ayoko ng umasa,
Kung wala ng makitang pag-asa.Aking pangarap,
Ika'y aking mayakap,
At makausap,
Iyong mainit na bisig nais malasap.Mahal kita,
Maaari na ba?,
Na ika'y tawaging ina,
Dahil nais kitang maging ina.Ika'y hindi kayang iwan,
Mahal kita,
Paulit-ulit na lang ba?,
Na ako'y iyong sasaktan.Ika'y katangi-tangi,
Sa puso't isip naglalagi,
Ako'y nagkamali,
Ng isiping hindi.Kung ako'y mabibigyan,
Ng pagkakataon,
Nais kong sabihin,
Na ika'y mahal na mahal mula pa noon.