Ako'y Iyong Masasandalan
Ikaw ay may sariling pagkakakilanlan,
At naging dahilan,
Upang ako'y mapamahal,
Nasayo na ang lahat ngunit walang kasandal.Isa ang iyong kailangan,
Ikaw ay aking naiintindihan,
Alam ko at kaya kong ibigay ang iyong kailangan,
At ako ay maaari mong masandalan.Sa oras na ako'y iyong kailangan,
Nasa iyong tabi,
Hindi ako papahuli,
At ako'y nasa iyong likuran, at iyong masasandalan.Sa oras na ika'y nasasaktan
Ako'y nakaagapay sa iyong likuran,
Tutulong upang may makinig sa hinanakit,
Ika'y babantayan sa iyong higaan.Huwag mong kakalimutan,
Ako'y nasa likuran,
Nakaagapay at sandalan,
Kapag ika'y may kailangan.Isang tawag mo lang,
Ako'y susulpot ng basta na lang,
Huwag hayaang lamunin ng sakit,
Bagaman gamitin ang sakit,Gamitin upang magbago,
At hindi matalo,
Kayang pantayan,
Hindi lang pantayan, kaya pang higitan.Huwag magpakabaliw,
Nandito ako upang ika'y maaliw,
Anumang oras lapitan,
Ika'y aking aakayin.Mahal kita bilang kaibigan,
Hindi bilang ka-ibigan,
Ika'y nagkamali sa pag-aakalang mahal kita bilang ka-ibigan,
Kaibigan lang at hindi ka-ibigan.Mahalin mo ang sarili,
At huwag hihigitan ang pagmamahal sa sarili,
Kayang kaya mo iyan,
Ako'y nasa iyong likuran.