Walang Karapatan

2 1 0
                                    

Walang Karapatan

Alam kong sa iyo'y walang karapatan,
Ikaw kasi ay aking minahal ng may katapatan,
Bakit sadyang mapaglaro ang tadhana?
Nakatadhana bang maging tanga?

Ang pagmamahal mo ang aking kailangan,
Ngunit paano? Dahil alam kong sa iyo ay walang karapatan,
Paano ko ikaw lalapitan?
Kung sa aking paglapit ako'y iyong lalayuan.

Kailangan pa ba ng karapatan para masaktan?
Kung alam ko lang hindi na kita minahal,
Sino ba naman akong isang hangal,
Na umaasang matapunan man lamang ng iyong tingin.

Ako'y nasasaktan,
Kapag nahuli kitang nakatingin,
Nakatingin sa iba hindi sa akin,
Nasasaktan din ako kapag naiisip na walang karapatan.

Hangal ako dahil umasa,
Umasa ako dahil mahal kita,
Pero anuman ang aking gawin,
Hindi pa rin maagaw ang iyong pansin.

Simpleng ngiti,
Ako'y nakikiliti,
Umaasa hanggang huli,
Ngunit bigo parin sa huli.

Kailangan pa ba talaga ng karapatan?
Karapatan ko nga ba talagang masaktan?
O nakatadhanang masaktan ako,
Siguro ako'y nakatadhanang masaktan upang ako'y magbago at matuto.

Kailangan ko na sigurong magbago,
Upang matuto,
Kailangan ko na sigurong mahalin ang sarili,
At huwag magmahal ng higit sa sarili.

Ikaw ang dahilan,
Ng pagkalumbay,
Sa isip di mawalay,
Ang dahilan kung bakit nasaktan.

Puso ko'y nalumbay,
Ngunit muling nabuhay,
Ng ako'y iyong ngitian,
Puso ko'y nabigyan ng panibagong kabuhayan.

The PoemWhere stories live. Discover now