Kakalimutan Na Ba Kita?
Kailangan pa ba?,
Nakalimutan kita,
Kasi sa isip ko'y hindi mawaglit,
Ginawa mo saki'y masakit.Kakalimutan ba kita,
O hahayaang kusang makalimot,
Puso kong pinupuno ng poot,
Poot at galit sa aking nakita.Nakita kitang may ibang kasama,
Kasama at nakatawa,
Tadhana na ang gumagawa ng paraan,
Paraan upang ika'y aking kalimutan.Saking isip ika'y dapat ng kalimutan,
Ngunit pinipigilan,
Pinipigilan ng puso kong ika'y kalimutan,
Dahil pinipili parin nitong ika'y mahalin.Sino ang aking susundin?,
Ang aking puso o ang aking isipan?,
Ang pusong nagsasabing ika'y patuloy na mahalin?
O ang nagsasabing sasaktan mo lang ako ng paulit-ulit ay aking isipan.Bakit nga ba?,
Na ako'y umaasa?,
Sa tulad mong paasa,
At sa tuwa'y nagpapakasasa.Pero bakit umaasa pa rin?,
Sa tulad mong walang malasakit,
Sa puso kong isa ang hangarin,
Iyo ay ang mahalin ka kahit pa masakit.Masakit man isipin,
Ako'y iyong alipin,
Na ika'y susundin,
Kahit pa ako'y masaktan.Ika'y nakakasakit,
Ng damdaming nagmamalasakit,
Na handang gawin lahat,
Mapasaakin lang ang iyong pagmamahal.Mahirap ang mahalin ka,
Kasi ako ang labis nasasaktan,
Sa aking isip....palaging laman ka.
Handa akong magmahal kahit na ako pa'y masaktan.