Ang Naging Pagbabago
Ako'y nagbago,
Sapagkat akala ko'y pag-ibig mo'y aking masusungkit,
Ngunit ako'y nabigo,
Dahil pangalan ng ibang tao sa puso mo'y nakaukit.Masakit, oo masakit,
Pero hindi ko hinayaang lamunin ng sakit,
Kaya ako'y nagbago,
At hindi nga ako nabigo.Sa aking pagbabago,
Ikaw ang naging sanhi,
May itinanim nga akong binhi,
Ngunit ako ay walang naani.Sa aking puso ay may nakatago,
Nakatagong kagustuhan,
Na maghiganti sa iyo at sa taong kasama mo sa pagmamahalan,
Ngunit ako'y napaisip na ikaw ang dahilan ng pagbabago.Ako ngayon sa iyo'y magpapasalamat,
Sa pagpaparamdam ng sakit,
Na naging dahilan ng puso ko upang magkalamat,
Ngunit lubos lubos ang aking pagpapasalamat.Dahil kung hindi,
Baka maging huli,
Na upang magbago,
At ako ay mabigo.Ako'y nakakakita ng iba,
At naging dahilan kung bakit ako naging masaya,
Masaya ako dahil hindi ako umasa,
Kasi hindi niya ako pinaasa.Dahil kaniyang sinuklian,
Ang aking pagmamahal.
Na aking inaasahan,
Na siya na pala ang magmamahal.Ako'y sobrang nabighani,
Sa kaniyang kagandahang katangi-tangi,
At hindi matutumbasan,
Ng kahit sinoman sa aking paningin.Siya pala ang nakatadhana sa akin,
At hindi ikaw ang taong para sa akin,
Salamat ulit sa pagbabago sa akin,
Na naging dahilan kung bakit hindi ako nabigo dahil nagustuhan niya ang aking katangian.