0047

79 16 3
                                    

Tzuyu's POV

Nandito lang ako sa bahay, nanunuod ng cartoons. Kahit malaki na ako, gusto ko pa rin manood ng cartoons. Habang nanunuod ng Spongebob ay kumakain ako ng popcorn. Ang sosyal ko naman. May nag-chat sa akin, si Sana unnie pala.


Messenger

JapaneseGirl just messaged you

JapaneseGirl

"That awesome feeling when someone is making an effort to make you smile."

GoddessQueen

Anong meron unnie?

JapaneseGirl

Secret na malupet


Ang weird nanaman ni unnie. Kailan pa ba hindi naging weird si Sana unnie? Kung naririnig mo ako o nakikita ito ngayon peace, unnie. Baka pagalitan pa ako ni Taehyung oppa.  Ano kaya ibig sabihin nung quote? Bahala na si Batman. Dahil tinatamad ako gumala, dito nalang ako sa bahay. May kasama naman ako si Gucci. Kung naalala niyo sa chat namin ni Jungkook ay si Gucci ang alaga kong aso. Di pa nga pala nakain si Gucci kaya pala tahol ng tahol.

"Sorry Gucci, makakalimutin na si Mommy." sabi ko habang dala-dala siya.

Pinakain ko na siya tapos bumalik ulit kami sa sala para manood. Dahil gusto ko manood ng cartoons, cartoon marathon ang papanoodin ko. Gumawa ulit ako ng popcorn pero mas madami ngayon para hindi ako maubusan. Ang pinapanood ko naman ngayon ay Phineas and Ferb. Bagay talaga si Phineas at Isabella! Nag-chat nanaman si Sana unnie sa akin.


Messenger

JapaneseGirl just messaged you

JapaneseGirl

Tzuyu wag ka muna kumain ng lunch :)

GoddessQueen

Bakit naman unnie?

JapaneseGirl

Basta wag

Sumunod ka nalang


Dahil mabait at masunurin ako na bata, hindi ako kakain ng lunch. Maglulunch na pala, di ko alam. Pinag-patuloy ko ang panonood ng cartoons nang may nag-doorbell. Sino naman kaya yun? Wala naman ako ineexpect na may dadalaw o pupunta dito. Because expectations lead to disappointments. #Hugot. Bitter ka kasi tzuyu. Pagbukas ko ng pinto, isang babae na may hawak na malaking bouquet ang nasa harapan ko. Bakit may bouquet?

"Hello, ikaw ba si Ms. Chou Tzuyu?" tanong niya.

"Opo." sagot ko.

"Meron nag-order sa akin ng customized bouquet at dito daw dalhin." sabi niya habang binibigay ang bouquet sa akin.

"Salamat po. Sino po ang nag-order?" tanong ko, curious kasi ako.

"Sabi po niya, wag ko daw sabihin. May letter naman po kasama ang bouquet, basahin niyo nalang daw po." sabi niya. Pinasalamatan ko muna siya bago tuluyan siya nakaalis.

Pumasok na ako ng bahay at tiningnan ang bouquet. Ang ganda! Combination ng white, purple at pink. Kinuha ko yung letter at binasa. Ito ang nakalagay:

Hope you like the flowers :) There's more, just wait ;)

-Mr. K

Mr. K? Sino naman iyun? Hindi naman pwede si Taehyung oppa dahil isa pa rin iyun kuripot. At is pa kay Sana unnie siya. President kaya ako ng kanilang loveteam o ship. TaeSana! Sino naman? Habang iniisip iyun, may nag-doorbell ulit. Sino naman ngayon? Pagbukas ko, isang delivery man naman ngayon.

"Ikaw ba po si Ms. Chou Tzuyu?" tanong niya. Tumango nalang ako.

"May package po kayo." sabi niya at binigay sa akin ang isang box na kulay violet at pink.

"Salamat po. Kanino po galing?" tanong ko.

"Bawal daw po sabihin. Salamat po." sabi nung delivery man. Pinasalamatan ko din siya bago siya umalis.

Dali-dali ako pumasok sa bahay at binuksan yung box. Pagbukas ko, nakita ko ang mga paborito kong pagkain, mga gusto kong bagay, etc. Paano kaya niya nalaman ang mga gusto ko? May letter ulit. Ito ang nakalagay:

A peace offering for you. Please forgive me.

- Mr. K

Peace offering? Forgive? Di ko gets. Kinain ko yung pagkain at pinagpatuloy ko ang panonood ng cartoons. Habang nanonood ay iniisip ko parin kung sino kaya si Mr. K. Readers. tulungan niyo naman ako!!!! Help me!



~~~~~~~~~

Dedicated to: YEOJACHINGUISLIFEU

Thank you for voting!!


Malalaman kaya ni Tzuyu na si Jungkook ang nagpadala nun?

- ingridients


DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon