0097

29 4 0
                                    

Tzuyu's POV

Ano kayang pwede bilhin dito sa Gucci? Hmm... Nakaikot na yata ako sa buong store pero wala pa rin ako makita na gusto ko. Alam niyo kung nasaan si Taehyung oppa? Ayun nakaupo habang ako umikot-ikot sa buong store.

Ang nakita ko ay isang black na bucket hat. Nung tiningnan ko ay naisip ko si Jungkook. Di ko alam kung bakit. Tiningnan ko ulit yung bucket hat at kinuha. Babagay kaya ito sa kanya? Sa tingin ko naman ay oo kaya kinuha ko. Napatingin naman ako sa mga damit. May napansin akong sweater. Puti siya tapos nakalagay ay yung logo ng Gucci. Simple lang siya pero ang ganda. Naghanap ako ng size ko at meron kaya kumuha ako. Meron din pala ito sa kulay black. Ang nangyari ay dalawa ang kinuha kong sweater.

Ano kaya pwede ko ibigay kina eonnies? Wait lang... Kung bibili din ako ng para kina eonnies, malaki ang babayaran ni oppa. Anong gagawin ko? Ganito nalang, ang bibilhin ko ay yung para kina eonnies tapos ang babayaran ni oppa ay yung sa akin, kay Jungkook at Sana eonnie para konti lang. Ayaw ko naman abusuhin ang libre ni oppa. Tama!

Kaya nagsimula na ako maghanap ng para kina eonnies. Ang iba ay bags tapos sa iba ay damit. Inisip ko din kung papasok ito sa mga taste o standards nila. Nung sa tingin ko ay magugustuhan nila ay kinuha ko. Tiningnan ko kung meron ako napili isa para kina eonnies. Baka mamaya pala kulang edi magtatampo ang isa sa kanila.


Sana eonnie

Dahyun eonnie

Mina eonnie

Nayeon eonnie

Momo eonnie

Jihyo eonnie


Ok! Kumpleto na! Kumuha ulit ako ng damit tapos isang accessory para sa akin. At kumuha din ako ng wallet para kay Jungkook. Lumapit na ako kay Taehyung oppa dala-dala ang mga napili ko.

"Ang tagal mo ah." sabi niya habang naglalaro sa phone niya. Ganun na ba ako katagal pumili? Pumunta na kami sa counter para mabayaran na ni oppa. Maisagawa na ang plano ko.

"Oppa, bumili ka kaya na para kay Sana eonnie? For sure matutuwa yun." sabi ko at ngumiti. Sana gumana. Sana gumana.

"Oo nga no. Ang talino mo Tzuyu!" sabi niya at umalis para pumili na maibibigay niya kay Sana eonnie. Sabi nga ni Taehyung oppa, ang talino ko!

Dahil malayo sa counter yung Women Section ng Gucci ay magagawa ko na ang plano ko. Pinaghiwalay ko yung sa akin, kay Jungkook at Sana eonnie doon sa mga napili ko para kina eonnies. Inuna ko muna yung kina eonnies at binayaran agad.

"Ito po?" tanong nung babae sa counter habang hawak yung sa amin nina Jungkook.

"Wait lang po. Napili pa po ang kasama ko." sabi ko at ngumiti.

"Sige po." sabi nung babae at ngumiti. Ang bait ng mga empleyado dito.

Maya-maya ay bumalik na si oppa dala-dala ay isang black na shoulder bag at isang damit na para kay Sana eonnie. Binigay niya sa babae at tiningnan niya yung iba pang napili ko. Sa tingin ko ay nagtataka siya bakit ang onti na nung napili ko.

"Miss, bakit po umonti ito? Kanina bago umalis ay madami pa ang nakalagay." tanong niya dahil iniisip niya kung bakit konti nalang.

"Binayaran po sir nung kasama niyo yung iba." sagot nung babae at tumingin sa akin. Tumingin din sa akin si oppa at doon niya lang napansin na may hawak akong limang bags.

"Ikaw nagbayad?" tanong niya, sinisigurado na tunay ang sinasabi ng babae. Tumango ako.

"Diba sinabi ko sa iyo ako magbabayad. Bakit mo binayaran?" tanong ni oppa.

"Dahil madami akong napili, lalaki ang babayaran mo. Ayaw ko naman abusuhin ang libre mo." sabi ko na parang bata. Dahil sa sinabi ko ay ngumiti si oppa at ginulo ang buhok ko.

"Malaki na talaga best friend ko." sabi niya.

"Syempre naman oppa. Tingnan mo mas matangkad pa nga ako sa iyo." sabi ko at tumawa kami.

Binayaran na ni oppa at umalis na kami sa Gucci. Niyaya ako ni oppa kumain dahil gutom na daw siya. Gutom na rin ako. Antagal pala namin sa Gucci. Dahil gutom na talaga kami ay pumunta kami sa may Food Court kung saan nandun ang mga fast food chains at restaurants.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Jungkook's POV

Ngayon naman ay pipili kami ng lalagyan para sa aming pabango. Pinacheck sa amin kung okay ba sa amin ni noona ang ganun na amoy. Wala kaming pinaulit dahil lahat ay maganda ang amoy na for sure babagay kina hyungs at Tzuyu. Andaming lalagyan at iba't ibang kulay pa. Paano ako makakapili nito?

Yung kina hyungs binase ko sa mga ugali nila at paborito nilang kulay. Yung kay Tzuyu ganun din. Para sa pangalan nung pabango ay magiisip daw kami na babagay sa pabango nayun. Ano kayang magandang pangalan para sa pabango? Hmm... Ito ang naisip kong mga pangalan:

Jin hyung - Worldwide Handsome

Suga hyung - Savage Swag

J-Hope hyung - Hope World

Namjoon hyung - Moonchild

Jimin hyung - Sexy Mochi

V hyung - Scenery

Tzuyu - My Yoda

Jungkook - Golden Scent


Pwede naman siguro ito diba? Ano kaya magiging reaction ni Tzuyu sa kanya? Sana matuwa siya. Binigay ko sa lalaki yung papel at ipinaliwanag kung kanino yung pangalan ng pabango at anong lalagyan nito. Sa tingin ko naman ay naintindihan niya ang sinasabi ko. Pinapili din kami kung anong magiging style ng mga pangalan naisip namin. Sunod naman ay packaging nito. Pinapili kami kung anong box nito at paperbag. Talagang masasabi mo na customized ang perfume mo. Peor paano kung naubos na ito?

"Paano kung naubos ang pabango? Pwede magpagawa ulit?" tanong ko baka kasi hindi na pwede.

"Oo naman po sir. Dalhin lang ang lalagyan ng pabango. Itinatago namin ang bawat formula ng bawat pabango ginagawa namin para pag bumalik ay ganun pa rin ang kinalabasan." paliwanag niya na ikinatango ko.

At sa wakas! Natapos narin ang aming perfume making ni Sana noona. May dala akong walong paperbags habang si noona ay dalawa lang. Nagbayad na kami para sa mga pabango namin. Expected ko na mahal dahil customized ang mga pabango na ito pero yun pala ang presyo nasa gitna. Not expensive, not cheap just affordable.

"May discount kasi ako Jungkook." sabi ni Sana noona na ikinatawa ko. Suki yata si noona dito kaya may discount siya. Makapunta ulit dito at baka magkadiscount din ako.

Mga tanghali na nung nakalabas kami sa shop kaya nagyaya ako kumain muna kami ni noona bago ituloy ang gagawin nkung meron man. Nasa food court kami, may nakita si Sana noona kaya tiningnan niya ito. Habang hinihintay si noona ay di ako makapaniwala kung anong nakikita ko sa harap ko.


~~

Happy Tzuyu Day!

credits to the owner of the picture I used.

- ingridients!

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon