0085

29 3 0
                                    

Jungkook's POV

 Hinila ko si Ate palabas ng Clinic pagkatapos niya sabihin yun. Si Ate talaga, mabubuking pa tuloy ako!

 "Bakit mo sinabi yun Ate? Baka makahalata sila." sabi ko sa kanya.

 "Sorry naman Kookie. Hindi ko napigilan eh." pagpapaumanhin ni Ate.

 "Ayos lang ate. Sana hindi nila mahalata." sabi ko.

 "Hindi nila nahalata." sabi ni Suga hyung na sumulpot nalang bigla sa harapan namin.

 "Ano ba naman hyung! Ginulat mo ako!" sabi ko habang nasa dibdib ko pa rin ang kamay ko dahil sa gulat.

"Magulatin ka lang sadya." sabi ni hyung. 

 "So tuloy pa ang plano?" tanong ni Namjoon hyung na nasa likod ni Suga hyung. Kompleto kami ngayon.

 "Change of plans, ang mangyayari ngayon ay kayo nalang ang magbibigay ng mga rosas kay Tzuyu kasama sina Sana noona at Kuya Kevin." paliwanag ko sa kanila.

 "Pitong girls dahil kasama si Ate Hana tapos pito kami gawa ni Kuya. Kulang pa kami." sabi ni Jimin hyung.

 "Kumuha nalang tayo ng ibang estudyante. Anong ba pattern Jungkook?" sabi ni Hoseok hyung.

 "Girl, Boy." sabi ko.

 "Ang kailangan natin ay 6 girls at 5 boys." sabi ni Namjoon hyung. Nacompute agad ni hyung? Si Namjoon hyung pa.

 "Ate, ikaw nalang magsabi kina Kuya ang plano. Jin hyung at Hoseok hyung, kayo ang pumili ng mga estudyante. Habang kai ay nasa gym mag-aayos ulit." utos ko sa kanila.

 Pagkatapos ay naghiwa-hiwalay na kami.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Tzuyu's POV

 Dahil magaling na daw ako kahit hindi pa naman, kailangan daw namin pumunta sa Gym dahil may announcement. Ang kasama ko ngayon ay si Sana eonnie. Yung ibang eonnies ay may gagawin pa. Si Kuya naman ay umalis na at sina Jungkook hindi ko alam kung saan pumunta.

 Nasa harap na kami ng Gym. Tiningnan ko si Sana eonnie, nasaan si eonnie? Iniwan nanaman ako. Bakit lagi nalang nila ako iniiwan? Di ba nila ako mahal? Char.  Dahil nandito na rin naman ako sa Gym, pumasok na ako sa loob baka nagsisimula na sila. Bakit ang dilim? Ako lang ba ang nandito? Nasaan ba ang switch?

 Naglakad nalang ako kahit hindi ko nakikita ang dinadaanan ko tapos nagkaroon ng dalawang spotlight, isa sa akin tapos isa sa babaeng estudyante na may hawak na pink na rosas. Lumapit naman siya at binigay sa akin yung bulaklak.

 "Para sa'yo Ate." sabi niya. Magtatanong pa naman sana ako pero nakaalis na siya sa harapan ko. Napansin ko may note yung rosas. Mabasa nga para naman kahit papaano may alam ako sa nangyayari ngayon.

'You're cute, can I keep you?'

 Yan ang nakasulat, natawa naman ako. Naglakad ulit ako at may lumapit ulit sa akin lalaki naman. Wala siya sinabi, binigay lang sa akin yung rosas tapos umalis na. Ano naman ang laman ng note nito?

'They said follow your dreams. So I followed you.'

 Ano ba naman ito kinikilig ako, napangiti naman ako dahil dun. Nagsimula ulit ako maglakad. May lumapit naman babaeng estudyanta sa akin at binigay yung rosas.

 "Good luck Ate!" sabi niya at umalis na. Good luck? Para saan? Binasa ko nalang yung note.

'7 billion smiles and yours is my favorite.'

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon