0099

25 2 0
                                    

Jungkook's POV

Dinala ko siya sa isang Korean restaurant dahil gusto ko ng japchae. Naghanap kami ng pwesto at nung nakahanap na ay tumayo na ako para mag-order. Di ko na siya tinanong dahil alam ko naman ang paborito niya. Tonkatsu at kimbap.

"Oh, bayad ko." sabi niya at inabot sa akin ang pera niya.

"Hindi na! Libre ko." sabi ko at pinakita ang card.

Pero sa tunay, di naman akin ang card kundi kay Jimin hyung. Bilang pambawi daw niya sa akin kaya binigay niya sa akin ang card niya. Diba ang yaman ni hyung? Tamang-tama panggastos sa date namin ni Tzuyu. Oo, date namin ni Tzuyu dahil ngayon nalang kami nagkasama na hindi namin kasama sina noonas at hyungs. Pag magkikita kami o magsasama ay lagi namin sila kasama. Di ko rin alam kung bakit basta susulitin ko na ang araw na ito maksama siya.

Habang pumipila ako ay tumingin ako sa table namin at nakita ko si Tzuyu tinitingnan ang buong paligid. Parang siyang bata ngayon lang nakapunta dito. Ang cute niya! Nag-order na ako at binayaran gamit ang card ni hyung. Humanda ka hyung susulitin ko na ang card mo! BWAHAHAHA

Papunta na ako sa table namin nang may naisip akong idea at tamang-tama nagcecellphone si Tzuyu. Kung alam niyo na readers ang balak ko ay shhh! Kahit alam ko di niyo masasabihan si Tzuyu.

Hinawakan ko ang balikat niya at sumigaw ng "BOO!". Nagulat siya at nabitawan niya ang kanyang phone, buti mahaba ang upuan kaya di nasira o nalaglag. Tumingin siya sa likod at pinaghahampas ako habang sinasabi "Bakit mo yun ginawa ha!? Akala ko kung sino ikaw pala yun! Kainis ka!". Tumatawa lang ako at dahil dun ay mas lalo niya akong pinaghahampas at binatukan pa. Double kill tuloy ako!

"I hate you!" sabi niya at lumayo sa akin. Aba! Diba dapat ang sasabihin niya ay "I love you" o "I like you" bakit naging "I hate you!" di pwede! Baka di niya ako sagutin o mas malala ay bastedin na niya ako. Di pwede mangyari yun!

Umupo na ako sa tabi niya at tumingin sa kanya. Tumingin rin siya sa akin at halatang inis pa rin siya sa akin. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa akong patay hindi sa pagmamahal kundi sa tingin na nakakainis. Naku naman!

"Sorry na!" sabi ko at ngumiti sa kanya. At alam niyo kung anong ginawa niya? Inirapan lang ako at lumayo ulit sa akin. Kailan pa ito marunong mang-irap? Kay Jin hyung kaya? Pero kahapon lang naman sila nagsama paano niya nagawa agad yun? Di ko nalang inisip dahil wala din naman mangyayari kung iisipin ko yun.

Lumapit ulit sa kanya at lumayo naman siya. Lapit. Layo. Lapit. Layo ang ginawa namin. Nung lalayo ulit siya, di niya napansin nasa dulo na siya ng upuan kaya mahuhulog na siya at dahil mabilis ako ay nahawakan ko siya sa braso. Hinila ko siya pataas at dahil dun magkalapit na ang mga mukha namin. Isang maling galaw ay mahahalikan ko siya o mahahalikan niya ako. Parang mas gusto ko yung pangalawa char! Baka hampasin ako nina noonas pag nangyari yun. Di pa alam ni Tzuyu dahil nakapikit pa rin ang kanyang mata at hinihintay bumagsak sa sahig. Nagtaka naman siya kung bakit di pa siya bumabagsak kaya minulat na niya ang mga mata niya. Doon niya lang napagtanto na magkalapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Lumaki ang mata niya.

"Gwapo ko no?" tawang-tawa kong sabi kaya tinulak niya ako palayo sa kanya.

"Asa!" sabi niya at nagcellphone ulit. Tumabi muli ako sa kanya at di pa rin niya ako pinapansin. Nilagay ko ang braso ko sa lamesa tapos pinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng braso ko at tiningnan siya o parang tinitigan. Sa gusto ko siyang titigan este tingnan.

"M- ma- may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya nung napansin na nakatingin o nakatitig sa kanya. Iniiwasan niya ang titig ko.

"Pansinin mo kasi ako." parang bata kong sabi kaya tumingin na siya sa akin. Nagpout pa ako at di ko namalayan hawak-hawak niya na ang pisngi ko. Alam niyo yung pisil na nakakapanggigil? Yun ang ginagawa niya ngayon sa akin. Ilang minuto na ang nakalipas saka siya tumigil kakapisil ng mukha ko.

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon