0080

38 3 0
                                    

Jungkook's POV

 This is it! Aamin na ako kay Tzuyu. Kinakabahan talaga ako! Di ako mapakali!

 "Ikaw nga Jungkook ay kumalma!" inis na sabi ni Jin hyung.

 Nakalimutan ko nasa van na kami lahat. Si Jin hyung ang nagmamaneho tapos nasa harap rin si Namjoon hyung habang kami ay nasa likod. Papunta kaming One In A Million Flowers. Dahil masunurin akong bata ay kumalma na ako at tumahimik baka magalit pa si Jin hyung, mahirap na.

 Nandito na kami sa shop sina Suga at Jimin hyung nalang ang kukuha ng mga bulaklak, sila kasi ang pinakamalapit sa pinto. Nakalimutan ko pala sabihin sa inyo ang mga suot namin. Kailangan pa ba yun?

 Ang suot ko ngayon ay black na t-shirt na may mga linya yung parang beat na pinaghalong violet o pink tapos naka-long sleeves ako na kulay pink parang marble yung design ganun, pants at white shoes. May suot pala akong earring yung hoop.

 Si V hyung naman ay nakalong sleeves rin pero light pink, black pants at white shoes. May suot siya black na hat yung parang beret.

 Kay Jimin hyung naman ay pink na sweater, black pants at white shoes. Naka-hoop earrings rin siya. Gaya-gaya talaga si Jimin hyung.

 Si Namjoon hyung ay nakapale pink na sweater, black pants at white shoes. Isa pa itong si hyung naka-hoop earrings din.

 Kay Hoseok hyung ay pink polo shirt, black pants at white shoes. May suot rin siyang relo kulay gold.

 Si Suga hyung naman ay pink na t-shirt na may nakasulat na MINI CAPSULE MODE, black pants at white shoes. Tapos may suot na black earrings.

 Ang pinakahuli ay si Jin hyung. Pinakamatanda kasi. Ang kay Jin hyung ay white na t-shirt tapos pink na long sleeves, black pants at white shoes. Isa pa itong si Jin hyung! Gaya-gaya ng style.

 Nung tapos ko na sabihin sa inyo mga readers ang mga suot namin ay saktong balik nina Suga hyung. Sa tagal ko kwinento ang mga suot namin ay saka lang sila bumalik. Ano kaya ginawa nila sa loob?

 "Bakit ang tagal niyo?" tanong ni V hyung. Mainipin nga pala ang isang ito.

 "Nagpicturan pa kami." sabi ni Jimin hyung at pinakita pa ang camera niya.

 "Dahil nandito na rin sila ay punta na tayo sa BDZ High." sabi ni Namjoon hyung.

 "Kain muna tayo hyung!" sabi ko. Gutom na kasi ako at para mabawasan ang kaba ko kahit papaano.

 "Antakaw mo talaga Jungkook!" komento ni Jin hyung.

 "Parang siya ay hindi." sagot ko naman.

 "Tumigil na nga kayong dalawa." inis na sabi ni Suga hyung.

 Dahil si Suga hyung ang nagsabi ay tumahimik na kami. Nakakatakot pa naman magalit si hyung.

 Pumunta kami sa isang international restaurant. Dahil lahat ng cuisine ay matitikman mo dito.  Ang inorder namin ay Kal-guksu, Meat, Naengyeon, Chicken Galbi, Kimchi, Jjigae, Japchae at Pizza. Nagorder rin kami ng Coke at Sprite. Andami pala namin inorder, mauubos ba namin? For sure mauubos namin, mga paborito naming pagkain ang inorder.

 Habang hinihintay namin ang pagkain ay nagkwentuhan kami at nagpicture. Ang ganda kasi ng design ng restaurant na ito.

 Maya-maya dumating na ang pagkain. Yes! Makakakain na rin sa wakas! Pero nagdasal muna kami bago kumain. Kainan na!

 Halos isang oras at kalahati kami kumain. Antagal pala namin kumain ngayon ko lang napansin. Dahil tapos na kami kumain ay papunta na kami sa BDZ High. Nagtake-out rin kami para kay Ate.

 Dahil malayo pa ang BDZ High ay tutulog muna ako. Mamaya ulit mga readers. 

.

.

.

.

.

.

.

.

 "Gising na kayo!" bulyaw ni Jin hyung.

 Dahil sa bulyaw niya ay nagising tuloy ako, tiningnan ko ang iba ay kakagising lang rin. Lahat pala kami ay natulog hindi pala lahat halos lahat gawa nina Jin hyung at Namjooon hyung.

 "Nandito na ba tayo?" tanong ni V hyung habang kinukusot-kusot  ang kanyang mga mata.

 Tiningnan ko sila si Jimin hyung ay tulala, si Hoseok hyung humihikab at si Suga hyung ay nakapikit pa rin ang mga mata, halata gusto pa matulog.

 "Bumaba na kayo!" sigaw ni Jin hyung. Halatang naiirita na siya.

 Dahil sisigaw nanaman si hyung ay bumaba na kami sa van. Kakagising lang namin kay nagstretching muna kami.

 "Punta na tayo sa office ni Ate." sabi ko sa kanila at naglakad na kami papunta sa Principal's Office.

 Buti dumating kami may klase pa rin ang mga estudyante kung hindi malalaman agad nina Tzuyu na nandito kami.

 Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko si Ate nakaupo tapos may tinatype sa kanyang laptop.

 "Nandito na pala kayo." sabi sa amin ng hindi tumitingin. Mukhang importante ang tinatype niya.

 Inilapag ko sa table ang pagkain at dun napatingin si Ate.

 "Alam ko hindi ka pa kumakain kaya nagdala kami." sabi ko.

 "Salamat!" sabi niya at nagsimula na siya kumain.

 "Pumunta na kayo sa Gym at magset-up. Magpatulong kayo sa staff." sabi niya sa amin kaya tumayo na kami at lumabas na ng office niya. Pero bago ako lumabas ay tumigil ako at tumingin kay Ate.

 "Thank you ulit Ate!" sabi ko sa kanya.

 "Anytime little bro." sabi niya at lumabas na ako.

 Pagdating ko sa Gym ay nagsisimula na sila magset-up kaya tumulong ako.

 Habang tumutulong ako napaisip ako bigla,

 Sana maganda ang kinalabasan nito at magustuhan niya



~~ 

Dedicated to: Zaina_29

Thank you for adding Dare to your reading list! Hope you enjoy reading it!


Happy Independence Day!

- ingridients

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon