0050

90 15 2
                                    

Tzuyu's POV

Monday na naman. Nandito na ako sa school hinihintay lang sina unnies. Kaklase ko sina Dahyun unnie at Sana unnie. Dapat kaklase nina Nayeon unnie si Sana unnie, ang dahilan ni unnie ay para bantayan kami ni Dahyun unnie, akala mo naman may kalokohan kaming gagawin. Walang silang tiwala sa amin ni Dahyun unnie. Hmpp... So sad naman. Nakita ko na sina unnies pero nagkunwari ako na hindi ko sila nakita.

"Hello! Maknae, nandito na kami." sabi ni Dahyun unnie sa harapan ko at kinaway-kaway pa ang mga kamay niya. Ang hyper ulit ni unnie.

"Ganyan ka na Tzuyu, hindi mo na kami pinapansin." pag-dadrama ni Nayeon unnie.

"Oo nga." sakay ni Momo unnie sa pagdadrama ni Nayeon unnie.

"Nagdadrama ka nanaman Nayeon unnie?" tanong ko.

"Ano sa tingin mo?"mataray na tanong sa akin ni unnie.

"Nagpapansin sa akin." sabi ko at tumakbo na papunta sa classroom. 

"HUMANDA KA SA AKIN TZUYU!!!" sigaw ni Nayeon unnie na maririnig sa buong school. Anlakas talaga ng boses ni unnie. Di na kailangan ng mic o megaphone, boses pa lang ni unnie malakas na! Saan ka pa!

Nasa classroom na ako, tawa pa rin ako  ng tawa. Laughtrip ang mukha ni unnie. Di ko napansin na nandito na sina unnies. Binatukan naman ako ni Sana unnie.

"Aray ko naman unnie!" reklamo ko. Sino ba naman ang hindi masasaktan pag ikaw ang binatukan?

"Ganti ko." sabi ni unnie at naglaro sa phone niya o kachat si Taehyung oppa.

Si Dahyun unnie naman nagbabasa at ako nagpatugtog nalang. Padami ng padami ang nandito na sa room dahil malapit na magsimula ang klase. Puro daldalan, ang iba naman ay nagbabatuhan na parang mga bata. Lagi ganyan ang makikita mo sa classroom namin. Umaayos lang sila nang makita nila padating na si Teacher. Mga pasaway.

"Class, may announcement ako." sabi niya para makuha ang attention namin. Nakuha nga niya dahil lahat ay napatingin sa kanya.

"Walang klase ngayon..." sabi ni Teacher kaya umingay ang mga pasaway naming kaklase.

"Pero maiiwan ka Ms. Chou, pinapatawag ka ni Ms. Jeon." sabi ni Teacher kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit naman? Wala naman ako ng maalala na may ginawa akong kalokohan. Paano ba naman may nagbabantay sa akin. Sino pa? Edi si Sana unnie. Kahit wala naman si unnie ay behave ako. Good girl pa.

Umalis na ang iba naming kaklase at natira nalang kaming tatlo. Tumayo na sina unnie habang ako nakaupo pa rin iniisip kung bakit ako pinapatawag ni Ms. Jeon ang principal namin.

"Hintayin ka nalang namin sa hangout." sabi ni Dahyun unnie at umuna na silang dalawa at iniwan nalang ako.

Habang naglalakad ako papunta sa Principal's office, iniisip ko talaga kung bakit ako pinatawag hanggang sa wala na akong maisip na dahilan. Basta Chou Tzuyu, alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang masama sa school. Kumatok muna ako bago pumasok. May manners naman ako kahit papaano hindi lang halata.

"Oh, nandito ka na pala Tzuyu." sabi ni Ms. Jeon. Napatingin naman ako sa lalaking nakaupo sa sofa na nagcecellphone.

"Good morning Ms. Jeon." bati ko sa kanya at umupo sa kabilang sofa.

"Kaya ko kayo pinatawag dito dahil kayo ang napili kong lumaban para sa Archery Meet na gaganapin sa next three weeks." paliwanag niya sa aming dalawa. 

"Bakit po ako Ms?" tanong ko kasi nakakapagtaka naman talaga na ako ang pinili.

"Tinanong ko sa MAPEH teacher kung sino ang magaling sa archery at sinabi ikaw. Nireccomend ka din ng mga kaibigan mo." sabi niya.

Pahamak talaga sina unnies sa buhay ko. Peace unnies!

"Bakit ako ate ang napili mo hindi naman ako nag-aaral dito?" tanong nung lalaki. Anong sabi niya? Ate? So kapatid niya pala si Ms. Jeon. Malamang tzuyu alangan asawa diba?

"Pwede naman daw kumuha sa ibang school nasa memo. At pumayag naman ang principal mo." sabi ni Ms. Jeon.

"Kainis talaga si Kuya pumayag pa." reklamo nung lalaki.

"Tumahimik ka nalang Jungkook." sabi ni Ms. Jeon. 

Jungkook? Si Jungkook na si TalentedKing/Mr. Kulit? Baka ibang Jungkook. Kaya wag mag-expect Tzuyu na siya yun. Because expectations lead to disappointments. Akala mo siya na yun pero hindi pala.

"Wala na ako magawa." sabi ni Jungkook.

"Since kayo ang napili ko ay bukas na kayo magsisimula magtraining. Inexcuse ko na kayo sa mga klase niyo at kung may mga quiz ay itetake niyo pagkatapos ng Meet. Naintindihan niyo?" sabi niya sa amin. Tumango nalang kami. At lumabas na kami sa office ni Ms. Jeon.

"Ako si Jeon Jungkook. Nag-aaral sa Run Academy." pagpakilala niya.

"Chou Tzuyu. BDZ High." sabi ko.

"See you nalang tomorrow Tzuyu." sabi niya at umalis na siya. 

Habang ako papunta sa hangout namin.

.

.

.

.

.

.

.

Pagpasok ko sa hangout namin ay sinalubong agad ako nina unnies ng mga tanong nila. Hindi ko alam kung anong tanong ang sasagutin ko muna.

"Wait lang mga unnies. Isang tanong muna. Mahinang kalaban." sabi ko.

"Bakit ka pintawag?" tanong ni Jihyo unnie.

"Dahil sinabi sa akin ni Ms. Jeon na lalaban ako sa Archery Meet." sagot ko.

"Kailan ang laban?" tanong ni Momo unnie.

"Next three weeks." sagot ko.

"Kailan ang simula ng training mo?" tanong ni Mina unnie.

"Bukas na." sagot ko.

"Paano ang mga assignments at quizzes?" tanong ni Dahyun unnie.

"Sabi ni Ms. Jeon ay bibigyan nalang kami ng lista ng mga assignments tapos ang mga quizzes ay itetake ko after ng Meet." paliwanag ko.

"Dahil kayo ang nagtanong sa akin, ako naman ang magtatanong sa inyo." sabi ko habang nakangiti.

"Sino sa inyong mga unnies ang nagreccomend kay Ms. Jeon na ako ang pilliin?" tanong ko. Umiwas naman ng tingin si Nayeon unnie. Alam ko na kung sino.

"NAYEON UNNIE!!!" sigaw ko. Pagkasigaw ko ay mabilis na tumakbo si unnie papalayo sa akin hinabol ko naman.

"SORRY MAKNAE!!!" sabi niya habang tumatakbo. Habang sina Sana unnie ay tumatawa nalang dahil sa amin.

Dahil mabilis na napagod si Nayeon unnie gawa matanda na siya ay ililibre nalang daw niya ako So everybody happy. At umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dedicated to: JiMaexie

Thank you for making the cover!!!


Malalaman kaya nila na ang hinahanap nila ay nasa harapan na nila?

- ingridients

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon