0077

29 3 0
                                    

Tzuyu's POV

Nandit ako sa living room hinihintay sina eonnies dumating. Maicheck nga kung dala ko lahat ng kailangan ko. Baka mamaya may naiwan pala ako.

Wallet. Check

Credit Card (In case). Check

Lip Balm. Check

Phone. Check

Charger. Check

Powerbank. Check

Earphones. Check

Dala ko pala lahat, sinara ko ulit ang bag ko at hinintay sina eonnies. Antagal naman nila.

Maya-maya may bumusina. Sa wakas! Lumabas na ako at nilock ang front door ganun din ang ginawa ko sa gate.

Ang dalang sasakyan ni Jihyo eonnie ay Chrysler Pacifica. Bumili talaga si eonnie para pag umalis kami ay less hassle. Sumakay na ako at tumabi kay Sana eonnie. Ito ang arrangement namin.

||Jihyo eonnie||    ||Nayeon eonnie||

|| Mina eonnie||Sana eonnie|| Tzuyu||

||Momo eonnie||Dahyun eonnie||

Dumaan muna kami sa Starbucks. Bumili kami ng Americano at dumiretso na kami sa Mall.

Ang suot ko pala ay white na hanging blouse na nakatuck-in sa denim skirt ko at sandals. May sling bag rin akong dala kulay black.

Dahil sinabi ko sa inyo readers ang suot ko, sasabihin ko rin sa inyo ang suot nina eonnies. Baka sabihan pa ako madaya.

Ang suot ni Sana eonnie ay stripe na tank top, black pants at sandals habang si Mina eonnie ay white long sleeve na nakatuck-in sa denim shorts niya at sandals. Ang bag naman nila ay sling bag na black.

Si Dahyun eonnie naman ang suot ay black na tshirt na may stripes na nakatuck-in sa denim shorts niya at sneakers. Si Momo eonnie ay pink na blouse na nakatuck-in sa black shorts niya at sandals. Ang bag ni Dahyun eonnie ay sling bag na pink at ang kay Momo eonnie naman ay black na sling bag.

Ang suot naman ni Jihyo eonnie ay white na tank top, black pants at sandals habang si Nayeon eonnie ay white na tshirt na nakatuck-in sa denim skirt niya at sandals. Ang bag naman ni Jihyo eonnie ay black na purse habang ang kay Nayeon eonnie naman ay blue na sling bag.

Dahil sinabi ko na sa inyo ang mga suot namin ay pumasok na kami sa loob alangan naman sa labas nalang kami tumambay.

"Guys, anong  muna gagawin natin?" tanong ni Jihyo eonnie.

"Magspa kaya tayo." suggest ni Sana eonnie na ikinatuwa namin.

"Kailangan talaga natin muna magrelax kahit saglit lang. Gawa ng mga school works at practices natin. Naiistress ako!" madramang sabi ni Nayeon eonnie.

"Naiistress daw gawa ng school works hindi naman nagawa." kontra ni Mina eonnie sa sinabi ni Nayeon eonnie.

Inirapan nalang ni Nayeon eonnie si Mina eonnie na ikinatawa namin. Tunay naman ang sinabi ni Mina eonnie.

Pumunta kami sa Brand New Girl Spa. Ang catchy naman nung name ng Spa. Infairness, maganda ang design. Kokonti palang ang tao kaya ayos.

Ang pinili namin ay massage, facial at body treatment. Mamaya ulit mga readers, magrerelax muna kami. See you later!





Fastforward...



Tapos na rin kami! Infairness parang Brand New Girls kami pagkatapos.

Interior Design - Good

Services Offered - Good

Staff - Kind and Friendly

Rate: 10/10

So I recommend to you guys ang Brand New Girl Spa kung gusto niyo magrelax at maging brand new version ninyo. Dapat bigyan ako ng card o discount manlang nirerecommend ko sila.

Pumunta naman kami si Yes or Yes Nail Salon. Diba wala ka magiging choice dahil Yes or Yes.

Maganda rin ang interior design ng salon. Parang akong isang critic ngayon.

Nagpamanicure at pedicure kami. Pinapili kami kung anong design ang ilalagay nila. Paano ako makakapili kung lahat ay maganda? Eenie meenie miney mo anong pipiliin ko? Hmm... Ano kaya?

Ang pinili ko ay yung parang cotton candy ang color tapos may maliit na hearts sa gitna. Ang cute!

Ang kay Jihyo eonnie naman ay parang rose color tapos ang design ay marble.

Ang kay Momo eonnie ay yung Ice Cream theme. Halata foodie si eonnie.

Ang kay Mina eonnie ay nude yung kulay tapos may linya na glitter sa gitna.

Ang kay Dahyun eonnie ay yung madaming kulay ang pinili niya. Parang color blocks ganun bumagay naman sa kanya.

Ang kay Nayeon eonnie ay parang cream tapos ombre at may glitters.

Ang kay Sana eonnie naman ombre rin tapos ang mga kulay ay katulad ng sa sunset.

Binigyan namin ng tip ang staff dahil na rin sa maganda nila ginawa sa aming mga nails. Pero bago kami umalis sa salon ay nagpicture muna kami.

"Pumunta na tayo sa spa at nail salon. Ano naman ang sunod?" tanong ni Nayeon eonnie.

"SHOPPING!" sabay naming isinigaw na napatingin sa amin ang mga tao.

Una kaming pumunta sa Look at Me. Ang gaganda ng mga damit. Nagtingin-tingin kamit at may napili naman kami. Sinukat namin kung babagay sa amin. Humingi kami ng mga opinyons sa isa't isa.

Sunod naman ay 1 to 10, dito naman parang Korean fashion yung style nila kaya madami kaming nagustuhan at nabili.

Last naming pinuntahan na shoop ay Signal. Dito naman parang pang-casual ang mga damit.

All in all, andami namin nabiling damit. Basta pag nagsama-sama kami bumili parang binili namin ay isang shop.

"Gutom na ako!" reklamo ni Momo eonnie.

"Ako rin." sabi ni Dahyun eonnie.

Hindi kasi kami kumain ng lunch kaya gutom na gutom na kami. Pumunta kami sa isang Korean restaurant. Tonkatsu! Tonkatsu! Umorder na sina Jihyo at Nayeon eonnie. Libre nila. Thank you eonnies sa libreng dinner!

Habang hinihintay namin dumating ang pagkain ay nagpicture ulit kami. Maya-maya dumating na ang pagkain. Nagdasal muna kami. Pagkatapos ay kainan na!

Dahil tapos na kami kumain ay umuwi na kami. Hinatid muna kami ni Jihyo eonnie. Pagkadating ko sa bahay ay nagbihis na ako ng pantulog, nagtoothbrush at naghilamos. At natulog na ako.



~~

Dedicated to: OwwDICS

Thank you for adding Dare to your reading list! Hope you enjoy reading it!


Hope you enjoyed this update!

- ingridients




DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon