0100

11 1 0
                                    

Tzuyu's POV

Hinihila niya pa rin ako mga readers at magkahawak kamay pa din kami. Mga damoves nitong si Jungkook! Kanino kaya niya ito natutunan? Kay Jimin oppa o Taehyung oppa? Buti hinidi ako nadadapa habang hinihila niya ako papunta sa pupuntahan namin na di ko alam. Kahit di ko inaasahan ang date na ito ay parang plinano niya last minute. I'm impressed.

Pumasok kami sa isang spot dito sa mall kung saan may mga games at machines, puro mga bata at teenagers ang nandito, maingay pero masaya ang dating, may mga prizes na nasa may counter na gusto mong dalhin pauwi at madaming tickets. Alam niyo na yata kung nasaan kami. Nasa isang arcade kami. Pumunta kami sa may counter at bumili ng tokens para makalaro.

Hinila ulit ako ni Jungkook sa may basketball game. Seriously? Siya lang naman yata ang makakalaro. Tumingin siya sa akin ng may kakaibang ngiti. Parang hindi ko gusto ang ngiti nayan.

"Ano nanaman binabalak mo?" tanong ko agad sa kanya dahil sa itsura niyang binibigay sa akin. May balak siya halata na sa itsura.

"Wala akong binabalak." sabi niya na ganun pa rin ang ngiti niya. Sinungaling! "Laro tayo. Kung sinong talo ay bibilhin niya ang gusto nung nanalo." hamon niya sa akin. Bibilhin ang gusto? Parang gusto ko tuloy manalo kahit alam kong hindi mangyayari yun.

"Game!" sabi ko at ready to fight este win this bet. Mamaya ko nalang iisipin kung anong gusto kong bilhin pag nanalo na ako.

Naginsert na si Jungkook ng token. And in 3, 2, 1... Nagsimula na kami maglaro. Nung una ay wala akong mashoot kung hindi malayo sa ring ay natama naman siya sa backboard. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagshoot ng bola. Sa ganito ay makakahabol ako kay Jungkook. Di ko alam kung anong nangyayari sa katabi ko dahil focus na focus akong manalo. Last ten seconds nalang, 3 points naman. Shoot lang ako ng shoot hanggang sa natapos ang laro. Humakbang ako patalikod para makita ang score ko. 250 points ang akin, not bad para sa akin na di naglalaro ng basketball. Tiningnan ko naman ang sa katabi ko at lumaki ang mata ko sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulat sa 450 points!? Ang layo ng pagitan namin kala ko malapit.

"Marunong ka mag-basketball?" tanong ko sa kanya, gulat pa rin ako. May hindi ba siya nagagawa?

"Oo, kasama si Suga hyung. Si hyung ang magaling sa basketball!" proud niyang sabi sa akin tungkol kay sunbaenim na ikinangiti ko naman.

"Dahil nanalo ka, anong gusto niyong bilhin sir?" sabi ko at nagbow pa sa harapan niya. Natawa naman siya sa ginawa ko.

"Wala pa akong naiisip. Mamaya nalang pag malapit na tayo umuwi." sabi niya na ikinakaba ko. Sana naman hindi gaano kamahal ang gusto niyang bilhin. Who knows what's on his mind?

"Masusunod po sir. Anong sunod nating laro?" sabi ko. Parang tuloy akong secretary at siya ang boss ko.

"Air-hockey." sabi niya at nagsimula na maglakad, sumunod nalang ako sa kanya.

Pumunta kami kung nasaan ang air-hockey game. Nalaro ko na ito kasama sina eonnies, ngayon nalang ulit ako makakalaro.

"Alam mo ba kung paano laruin ito?" tanong niya sa akin na ikinataas ng kilay ko. Tinatanong mo ba ako nyan?

"Kung sa tingin mo hindi ako maalam maglaro ng air-hockey pwes mali ka! Of course maalam ako." taray kong sabi sa kanya na ikinataas naman ng pareho niyang kamay sa ere na sinasabi ay 'I surrender' o 'I'll stop'.

Pumuwesto na kami sa magkabilang dulo. Siya sa red side, ako naman ang nasa blue side. Nasa akin ang puck ibig sabihin ako muna ang titira. Tumingin muna ako sa kanya at nagsmirk bago tinira ang puck. Tinira niya ang puck agad kaya bumilis di ko manlang natira kaya nagshoot ang puck. Tiningnan ko siya at nakangiti siya ng nakakaasar. Ganun pala ha? Dahil distracted pa rin siya at tinira ko agad ang puck at goal! Di niya namalayan na naka-goal ako kaya gulat na gulat siya, napangisi naman ako dahil dun. Nasa kanya ngayon ang puck at naging alerto ako sa susunod niyang gagawin para magkapuntos. Gagayahin niya ba ang ginawa ko o meron na siyang plano sa isip niya?

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon