0105

10 2 0
                                    

Tzuyu's POV 

Pagkatapos ng 'date' daw namin with quotation marks pa ni Jungkook, kinabukasan ay paalis ako ngayon kasama ang isa kina sunbaenims. Namimiss na yata ako ng bahay dahil palagi ako nasa labas pati si Gucci nagtatampo na sa akin. Tinext niya ako kagabi na susunduin niya daw ako sa amin kaya heto ako ngayon, naghihintay kay sunbaenim. Sino kaya makakasama ko ngayon? Sa naalala ko ay sina Suga sunbaenim, J-Hope sunbaenim at Namjoon sunbaenim nalang ang hindi ko nakakasama. Maalin sa kanilang tatlo ang makakasama ko ngayon. Nagdala ako ng isang maliit na backpack para ngayon. Di ko kasi alam ang gagawin namin ngayon dahil sina sunbaenim naman ang nagpaplano. Might as well be prepared for anything I guess. 

May tumigil na Mercedes-Benz AMG GT na yellow o gold sa may harapan ko baka si sunbaenim na ito. At tama ako, si sunbaenim na nga at sinong sunbaenim ang makakasama ko ngayong araw? Hulaan niyo. Walang iba kundi si...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Yow!" masayang bati sa akin ni J-Hope sunbaenim. Kung may nakatama ng hula sa inyo, si J-Hope sunbaenim ang makakasama ko.

"Hi sunbaenim!" bati ko rin sa kanya at nag-bow sa harap niya. Feeling ko magiging masaya ang araw na ito halata na rin sa mood ni sunbaenim.

"Sumakay ka na Tzuyu at madami tayong gagawin ngayon." sabi niya sa akin at sumakay na ako. Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at umalis na kami.

"Anong gagawin natin ngayon sunbaenim?" tanong ko sa kanya baka naman kahit bigyan ako ng hint ni sunbaenim.

"Secret." asar ni sunbaenim sa akin at tumawa siya. Napatawa rin ako, nakakahawa ang tawa ni sunbaenim. No wonder tawag nina Jungkook sa kanya ay Sunshine, makasama mo lang si sunbaenim ay parang wala ka dapat aalalahanin.

"So nagdate kayo ni Jungkook." sabi ni sunbaenim habang nagmamaneho, di ko alam kung sinabi lang ni sunbaenim o inaasar nanaman niya ako. Nagiging kamatis nanaman ang mukha ko basta tungkol kay Jungkook o sa amin.

"Ayieeee kinikilig siya." asar ni sunbaenim habang kinikilig siya at tumawa ulit. Natawa tuloy ako, hindi ako nahiya nung inaasar ako ni sunbaenim nakakahawa naman talaga ang tawa niya pramis.

"Di pa rin kami makapaniwala na binata na ang maknae." sabi niya sa akin.

"Para sa aming anim ay baby pa rin siya pero suportado kami sa lahat ng ginagawa niya." sabi niya at ngumiti. Ganito rin ba ang nararamdaman nina eonnies sa akin ngayon?

"Tama na yang drama. Walang drama dapat ngayon dahil masaya at exciting ang araw na ito." masigla niyang sabi at naexcite tuloy ako sa gagawin namin.  Nagkwentuhan nalang kami ni sunbaenim at hindi ako nainip dahil nakakatuwang kausap si sunbaenim. Kwento siya ng kwento tungkol sa kanilang pito at mga ginawa nila noon. Ang sakit na ng tyan ko kakatawa dahil sa mga kwento niya. May nalaman rin ako tungkol kina Jungkook at Taehyung oppa, pwedeng pang-black mail sa future WAHAHA!

Pi-nark muna ni sunbaenim ang sasakyan bago kami lumabas. Anong lugar ito? Nasaan kami ngayon? Di ako pamilyar sa kung nasaan kami ngayon. Ngayon lang ako nakarating dito sa lugar na ito.

"Halika na Tzuyu." sabi ni sunbaenim sa akin at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod agad ako sa kanya baka maligaw pa ako.

Ngayon sa harapan namin may nakita akong isang malaking  at malawak na gray na building as in malaki at malawak. Sa labas palang makikita mo agad ang mga shops at ang madaming tao nasa loob ng building dahil open area ito. Sa tingin ko ay parang nasa isa kaming open mall ni sunbaenim. Tumigil na si sunbaenim maglakad ganun rin ako at tatanungin ko sana siya pero naunahan niya ako. Dahil nasa likuran niya ako ay lumingon siya sa akin at sabay na sabi.

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon