0088

22 1 0
                                    

HAPPY SECOND ANNIVERSARY!!

Salamat sa mga readers na kahit sobrang haba nito ay binabasa pa rin. Salamat sa inyong support sa pagbabasa nito! 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Tzuyu's POV

"Bakit oppa ang tawag mo kay Taehyung tapos sa akin ay sunbaenim?" tanong niya.

Kinakabahan pa ako kung anong itatanong ni sunbaenim sa akin, yun lang pala.

"Ang tawag ko naman talaga sa kanya ay sunbaenim, pinipilit at kinukulit niya ako na tawagin ko nalang siya oppa. Hanggang  sa nakulitan na ako sa kanya kaya oppa na ang tawag ko sa kanya." kwento ko sa kanya kung bakit oppa ang tawag ko sa baliw nayun. Hindi pa pala ako bumabawi sa lalaking yun.

"Kaya pala, basta gusto ni Taehyung hindi siya titigil hanggang sa makuha niya." sabi niya kaya natawa ako.

"At isa pa Tzuyu, oppa nalang din ang itawag mo sa akin. Dalawang taon lang naman ang pagitan natin. Wag ka ding mag-po at opo. Feeling ko ang tanda ko na." sabi niya.

"Sige oppa." sabi ko na ikinangiti niya. Komportable na agad ako sa kanya. Friendly at approachable kasi si Jimin oppa. Pero bakit sabi ni Jungkook ay malandi si Jimin oppa?

Ang nakuha ni Jimin oppa ay isang adventure comic habang ako naman ay isang teen fiction yata na comic. Kung saan ang mga bida ay mga estudyante at sa school nangyayari ang kwento. Pumunta na kami sa cafe side at naghanap ng pwesto. Nung may nahanap na kami ay umorder na si oppa ng pagkain namin. Nagbigay ako ng pera kay oppa pero sabi niya libre niya daw. Pinilit ko ng pinilit si oppa na kunin ang pera pero ayaw naman tanggapin ni oppa. In the end, sumuko na ako.

Maya-maya dumating na si oppa dala ang pagkain namin. Nagsimula na kami magbasa nang aming napiling mga comics, minsan titigil kami sa pagbabasa para kumain at magkwekwentuhan tapos magbabasa ulit.

"Tzuyu." tawag ni Jimin oppa sa akin kaya tumingin ako sa kanya at binaba ang comic.

"Bakit oppa?" tanong ko sa kanya. Bakit parang kinakabahan tuloy ako sa itatanong ni oppa?

"Gusto mo ba talaga si Jungkook?" seryoso niyang tinanong sa akin. Kaya pala kinakabahan ako, tungkol kay Jungkook ang tanong.

"Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan. No offense oppa dahil nung una kinukulit talaga niya ako sa chat. As in pag hindi mo sineen o replyan, kukulitin ka ng kukulitin. Parang si Taehyung oppa, hindi titigil hanggang sa makuha ang gusto niya. Pero as time flies, napansin ko kahit ganun siya kakulit ay may tinatago siyang kabaitan at maeffort." speech ko. Ang haba pala ng sagot ko sa tanong ni oppa.

"Sa sagot mo palang ay hindi ka pa talaga sure sa nararamdaman mo. Wag utak lang ang gamitin mo o puso mo lang. Kailangan parehas mo sila gamitin." advice ni oppa sa akin.

"Salamat oppa." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Walang anuman. Para kay Maknae din naman. Iniisip na yata ni Jungkook kung paano niya ako papatayin mamaya." sabi ni oppa kaya natawa naman ako.

Tinuloy na namin ang pagbabasa ng mga napili naming comics. Saka lang kami umalis nung natapos na namin ang mga comics. Ang ganda nung napili kong comic. Kung may time ako, babalik ako dito.

Hinatid na ako ni oppa sa amin. At sabi niya ay may mga susunod pa ito bago siya umalis.

What a nice day to start the weekend.



Jungkook's POV

Hinatid na ako ni Dahyun sa amin kahit nahihiya ako. Si Dahyun kasi ang pumilit kaya no choice ako. Ano kaya ginawa nina Tzuyu ngayon?

Masimulan na nga ang plano ko kung paano papatayin si Jimin hyung.


~~~

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon