0081

29 4 0
                                    

We reached 7K reads! I repeat we reached 7k reads! Di pa rin ako makapaniwala. Here's an update for you readers. Enjoy!

~~

Tzuyu's POV

 Kakatapos lang ng aming klase at lunch time na. Kasama ko sina Dahyun eonnie at Sana eonnie. Bakit kaklase ko si Sana eonnie kahit mas matanda siya? Nakikisit-in lang siya sa iba naming minor subjects. Ang dahilan niya ay para daw mabantayan niya kaming dalawa ni Dahyun eonnie. Para naman gagawa kami ng kalokohan ni Dahyun eonnie. Mabait kaya kaming dalawa.

 Maya-maya ay nakita ko na sina eonnies. Nag-usap muna kami tapos papunta na kami sa cafeteria. Naglalakad na kami ng may biglang inannounce.

 "All students please proceed to the Gymnasium." announce ni Principal.

 Bakit kaya pinapapunta kami sa Gym? May artista ba dumating o may importanteng announcement? Dahil sa inannnounce ay pupunta nalang kami sa Gym para malaman kung anong nangyayari.

 Habang papunta kami sa Gym ay nag-usap sina eonnies habang ako tahimik lang na nasa likod nila.

 Naglalakad lang ako nang bigla may humila sa akin palayo kina eonnies at tinakpan ang ilong ko ng panyo. Ang huli kong nakita ay sina eonnies bago pumikit na ang aking mga mata.


Third Person's POV

 Di namalayan nina Sana na wala na si Tzuyu sa likod nila. Dumiretso lang sila maglakad papuntang Gymnasium. Pagkadating nila sa Gym, nagtaka naman sila dahil ang ingay, may sumisigaw na halos mga babae at may mga tumatalon.

 "Anong nangyayari?" tanong ni Dahyun habang tinitingnan ang paligid.

 "Ang ingay naman." sabi ni Mina at tinakpan ang kanyang tainga.

 "Pumunta tayo sa harap." sabi ni Jihyo at nakipagsiksikan sila sa mga tao para makapunta sa harap.

 "Hay sa wakas! Nasa harap na rin tayo." sabi ni Nayeon na akala mo nakatakas sa isang test.

 Tiningnan nila kung sino ang nasa stage at nagulat naman sila sa nakita nila. 'Bakit nandito ang Bangtan?' tanong nila sa kanilang mga sarili. Kung anu-ano ang naiisip nila dahilan kung bakit nandito sila.

 Pinatugtog na nila ang Anpanman at lumapit si Jungkook sa may microphone habang sina Jin ay nasa likod niya.

 "May I request Chou Tzuyu to be in front." sabi ni Jungkook na nagpaingay ulit sa Gym na parang may concert na ginaganap.

 Kilig na kilig sina Sana dahil sa sinabi ni Jungkook kaya tiningnan niya si Tzuyu sa likod.

 "Tzuyu pinapap- Tzuyu?" sabi ni Sana at tumingin sa paligid.

 "Nasaan si Tzuyu?" kinakabahan na tanong ni Dahyun.

 "Nasa likod lang natin siya kanina, Oh no!" sabi ni Nayeon at narealize kung anong nangyari.

 "Lumabas tayo ng Gym at hanapin si Tzuyu." utos ni Jihyo at nakipagsiksikan ulit sila sa mga tao.

 Sa kabila naman, nakita ni Jungkook na palabas sina Sana sa Gym kaya sinabi niya sa mga hyungs niya 'lumabas tayo' at bumaba sila ng stage at umalis sa Gym.

 Nakita nila sina Sana na kinakabahan at nagpapanic parang may hindi magandang nangyari. Lumapit sila sa kanila at nakita nila paiyak na si Sana.

 "Sana anong nangyari?" nag-aalala tanong ni Taehyung.

 "Si Tzuyu nawawala." sabi ni Sana at umiyak na. Niyakap naman siya ni Taehyung.

 "ANO!?" sigaw ni Jungkook at nainis sa narinig nya. 

 "Jungkook, kumalma ka muna." sabi ni Suga at kumalma naman si Jungkook.

 "Hanapin natin siya." sabi ni Sana at umiyak ulit.

 "Saan naman natin siya hahanapin?" tanong ni Jimin.

 "Sa tingin ko nandito pa rin siya sa school." sabi ni Namjoon.

 "Maghiwa-hiwalay tayo para mabilis. Magpartner tayo para pag may nakahanap kay Tzuyu ay tatawagan nalang ang iba." paliwanag ni Jin.

 Ang magpartner ay sina:

Sana at Taehyung

Dahyun at Jimin

Mina at Jin

Nayeon at Suga

Momo at Hoseok

Jihyo at Namjoon

At naghiwa-hiwalay na sila. Si Jungkook ay nag-aalala para kay Tzuyu kaya binilisan niya ang kanyang pagtakbo. Isa lang ang nasa isip niya ngayon.

 Nasaan ka ba Tzuyu?


~~

Dedicated to: cecereen

Thank you for voting!


Uulitin ko ulit, Thank you so so much readers! For those who still reads this story, thank you! Thank you for your support! Kahit sa tingin ko ang nagiging panget na ang story. Thank you! Thank you! 

Sana mareach natin ang 10k reads. 

Di ko pa sure kung kailan ang next update kasi tinatapos ko na muna bago maipublish.

That's all. And again, Thank you very much! As Kim Taehyung said "I purple you."

- ingridients

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon