0107

14 2 0
                                    

Jungkook's POV

Kakadating lang namin ni noona sa dance studio na sinasabi niya. Mabilis kami nakahanap ng puwesto kanina dahil wala masyadong tao sa building. At ngayon paakyat na kami sa kanyang practice room. Ngayon ko lang nalaman na regular pala si noona dito kay meron na siyang sariling practice room. Dala-dala ko ang aking black bag dahil alam ko papawisan kami ni noona kakasayaw. Nasa may harapan na kami ng practice room at bubuksan na ni noona nang biglang--

"YEAHHH!" sigaw na nagmumula sa tapat ng practice room ni noona. Boses lalaki. Parang pamilyar ang boses nayun. Narinig ko na siya somewhere di ko lang alam kung sino. May party ba sa tapat? Ang ingay. Di na namin pinansin ang ingay na galing sa tapat at bubuksan na sana ni noona ang pinto ng may sumigaw ulit.

"PARTY PARTY!" sigaw ulit na galing pa rin sa practice room na nasa tapat namin. May hula na ako kung sino yung nagsisigaw pero di pa rin akong sure.

"LET'S PARTY PARTY!" sigaw ulit pero this time boses babae. Dahil dun ay nagkatinginan kami ni noona na parang iisa lang ang naiisip namin ngayon.

"Si Tzuyu yun diba?/ Si Tzuyu yun!" sabay namin sabi ni noona at nakalipas ang mga limang segundo natawa kami. Parehas nga ang naiisip namin.

"Si Tzuyu yun for sure boses palang." sabi ni noona dahil sa tagal na nila na nagsama, for sure kilala na nila ang boses.

"Sino ba kasama ni Tzuyu ngayon?" tanong ni noona sa akin. Sino nga?

"Sa pagkakaalala ko ay si Hobi hyung." sabi ko at doon ko lang napagtanto na si hyung pala ang nagsisigaw kanina na akala mo lasing. Kaya pala pamilyar na pamilyar sa akin ang boses dahil ito ay nagmamay-ari ng walang iba kundi si Hobi hyung! Parang isang sound machine si hyung pati sound effects siya na nagawa di na kailangan iedit.

May naisip akong ideya na di ko alam kung anong magiging reaksyon ng dalawa at di ko sure kung papayag si noona sa naiisip ko ngayon. 

"Anong iniisip mo Jungkook? Kalokohan ba yan?" nagtatakang tanong ni noona sa akin.

"Sakit mo naman magsalita noona! Pag nag-iisip ako kalokohan agad? Di ba pwede ideya lang?" pagdadrama ko habang nakahawak pa ako sa dibdib na parang may tumama dito. Judgemental naman ni noona hmp.

"Tumigil ka sa pagdadrama mo! Di bagay sa iyo. Malay ko ba kung anong iniisip mo ngayon. Ako ba ang may-hawak ng utak mo hindi diba?" sarkastikong sabi ni noona at hinampas ako sa braso.  Malaman noona hindi mo hawak ang utak ko kasi nasa katawan ko. Itong si noona talaga. Pangalawang beses na ako hinampas ni noona. Ano ba sa tingin nila ako? Isang punching bag?

"Bakit mo naman naisip noona nag-iisip ako ng kalokohan?" tanong ko sa kanya dahil curious ako kung bakit yun agad ang naisip niya.

"Nangiti ka lang kaya mag-isa diyan. Akala ko nga nababaliw ka na. Tatawagan po naman sina sunbaenims at ang iba para samahan ka sa Mental." sabi niya. Nakangiti pala ako? Di ko alam.

"Madaming namamatay sa akala noona." sabi ko nalang.

"Ano ba kasi iniisip mo?" tanong niya at mukhang naiinis na si noona. Lumapit ako sa kanya at binulong ko sa kanya dahil kung ano ito ay secret muna. Malalaman niyo mamaya.

"Game ako dyan!" sabi ni noona at mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin. Di ko akalain na papayag si noona sa naisip ko.

Pumasok muna kami sa practice room ni noona at inilapag ang mga dala namin mga bags at isasagawa na namin ang ideya ko. Nagpalit na muna kami ni noona ng damit dahil basang-basa na gawa ng pawis. Naeexcite tuloy ako.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon