=~= Childhood=~=
Introduction.
======" Yhan!? "
Nandito na kaya siya? Ang hirap kasi tumakas kay Papa kaya natagalan ako. Pinaalis ko muna ito bago tumakas sa Yaya ko." Carol! " sabi nito ng dumungaw sa bintana ng tree house namin at nakita ko ang laki at lapad ng kanyang ngiti sa kanyang mga labi. Iyan si
Yhan, kaibigan ko. Iba ang buhay niya sa buhay na mayroon ako, pero kahit ganoon masaya ako tuwing kasama siya, lalo na kung naglalaro kami."Tulungan na Kita, wait Lang bababa ako!" Nakita nito siguro Ang mga dala Kong pagkain at gamit na kulang para sa tree house namin. Hindi naman malayo ito sa bahay namin.
"Kanina kapa ba dito? " tanong ko sabay bigay ng isang chocolate na paborito naming dalawa.
"Hindi naman masyado." at inabot niya ito at sinubo agad.
"Ang strict talaga ng parents mo? ""Sinabi mo pa! Lalo na si Papa." totoo naman auhhh ,Ang strict niya sa akin. Ewan ko nga ba.
" Ilang taon kana ba?" tanong ko dito ,pag- iba ko ng topic namin, may ayaw Lang talaga ako sigurong pag- usapan .
"Ten na ako! Ikaw?" siya."Mas matanda ka sa akin, 8 pa Lang ako. at pumapasok ako sa school eh ikaw ba nag- aaral ka ba?"
"Walang lugar iyan sa katulad namin!"
"Walang Lugar? Bata ako, Bata ka rin, paano mo naman nasabing walang lugar?"
"Pareho nga tayong bata, ikaw kompletong pamilya, may pera, ako ? Ito Bata lang walang magulang, wala pang makain, pag - aaral pa kaya!?"
"Hayss, oo nga pala! Eh pano na iyan? Matalino ka pa naman sa akin nuh. Gusto sana kitang tulungan ngunit.., Sigurado namang pagagalitan Lang ako nila Papa pagbinanggit kita!"
"Huwag na, eh noong nakita nga tayo ng Papa mo parang dragon siyang umuusok ang ilong!" sabi nito na nagdahilan ng pagtawa naming dalawa na Gina gaya ko pa ang mukha ni Papa ng nagalit sa amin.
"Ito nalang may plano ako, ano kaya kung ituturo ko na lang sayo ang mga natutunan ko sa school!"
"Talaga, oo gustong-gusto ko iyon.. promise makikinig ako sa una kong checher."
"Haha, Teeeaacher! Teeeaaa hindi cheee...!"
"Teacher!"
"Ayun Ang galing mo!" sabay handmoves na code namin.
" Ubusin na natin to." at kinain na nga namin ang chocolate na dala ko."Yhan." sabi ko ng biglang tumahimik Ang paligid dahil kumakain kami ng chocolate.
"Mmm?"
"Ang baho mo!" hahaha... Amoy pawis at araw talaga. Promise!
"Talaga?"
YOU ARE READING
Still Be Yours
RandomLet's join the victim CAROLcoaster life. Carol Ming is a Filipino- Chinese College Student. Who waiting someone who have a BIG PART to her past chapter life.