Chapter Twelve

16 1 0
                                    


====Carol POV's

Nakahiga ako ngayon sa kama ko't nag babasa ng isang napaka kapal na English book na tinatapos ko. About sa Testimony ng isang babaeng nalugmok dahil sa isang kriming hindi naman nito ginawa ngunit siya ang dinidiin dahil sa estado ng kanyang buhay . Not related sa school pero pinag kina interesan ko, kasi bawat salitang binitawan ay malaman at malulutong na mapupulutan ng aral at upang mapamulat ang taong sa  pera humihiga't ginagamit bilang maging makapangyarihan sa lahat.

Napatigil ako ng biglang nag vibrate ang phone​ ko.
Pag tingin ko naka register sa pangalan ni Zydene ang tumatawag. Ano kaya kailangan nito sa akin?
Kaya sinagot ko...

[ ...Nasaan ka ngayon, may ginagawa ka ba? ]

" Nandito lang sa kwarto ko nag babasa. "

[ Meyrong pa fireworks sa park ngayon, gusto mo bang sumama? Maaga pa naman. ]

"Bakit wala ka bang nadaling baby kanina?" Oo nga at ako napag deskitahan.

[ Syempre meyron... ]

"Eh di sila ayain mo. " Hindi ko man lang ito pinatapos sa gusto niyang sabihin.

[ Nagseselos ka? ]

"At bakit na man tayo ba, bf kita?"
Selos, ako?! Parang di naman.

[ Oo, di mo ba alam na bf kita? ]
At kailan nangyari? Pagsumama sayo boyfriend na agad?

[ Best space Friend kita! ]
Mabuti na iyong malinaw.

" Aauh.. okay, Sasama ako if wala pang 1 minute  nasa bahay kana."

[ Parang malabo naman iyon! ]
Hahaha malabo talaga.

"Eh di , hindi ako sasama."

[ Fine. ]

"Your time starts now." Ang sarap isiping nagmamadali si Zydene. Ano kaya itsura nito pagdumating.

[ Dumungaw ka sa bintana mo! ]

"Ha?" Wala pang 5 second ha, si splash ba siya. Kaya hinawi ko ang cortain na nasa bintana ko at, walang hiya nag wave- wave ito, kanina pa pala siya ready.

"Ang daya mo!" Pinakitaan ko ito ng kamao pero ngumiti Lang ito.

[ Halika na. ]

"Oo na magbibihis lang ako!"

=====

Nakaupo na kami ngayon ni Zydene dito sa park sa damuhan at nasa left side ko ito. Nag simple plane pink shirt Lang ako at mini skirt na black Lang sout ko, bagay naman siguro?

Ang dami ngayong tao dito sa park.
Ano kaya meyron sa mga  tao dito sa amin, tuwing may araw tulog ,
pag gabe ang daming taong na mamasyal lalo na ang mga love birds na nasa palibot namin naka upo.

Still Be YoursWhere stories live. Discover now