IN DANGER
Christine's POV
Lahat ng bagay dapat binibigyan ng pagkakataon. Gaya namin ni Mark buong akala ko hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya pero eto ako ngayon kinakain ang mga sarili kong salita. Hahay totoo nga ang sinasabi ng mga matatanda na 'Huwag magsalita ng tapos' hahahaha... hindi ko naman inaakala na magiging ganito kalalim ang nararamdan ko para sa kanya.
Sana ganito na lang palagi yung halos wala ka ng pinoproblema pero alam ko naa hanggang sana lang.
"Hi besh." Sabi ko kay Stacy na ngayon ay nakaupo sa isang bench sa basketball court namin. Tumango lang siya.
"Abah... pinapunta mo lang ako dito para sa tango mo?" Iritang tanong ko sa kanya.
Pero agad naman siyang umiling. Hala ka napipi na siguro tung kasama ko.
"Aayyy.. napipi lang bes?" Tanong ko ulit sa kanya sabay upo sa tabi niya.
Maya-maya pa huminga siya ng pagkalalim-lalim at tumayo siya tsaka niya ko hinarap at ...
"Tin, hindi na ko maapapaligoy-ligoy pa." Panimula niya na nagpakaba sa akin.
Eh paano ba naman ang seryo-seryoso ng mukha niya nakakatakot. Nang dahil sa takot napatango ako ng wala sa oras.
"Diba sabi ko sayo na huwag na huwag kang mahuhulog sa pinsan ko?" Inis na sabi niya.
[Chapter 4: Wish]Napatayo ako.
"Eh hindi ko naman akalain na seryoso ka nun eh." Sabi ko sa kanya.
Bigla niya namang sinambunutan ang sarili niya na naikagulat ko. Bigla siyang umiyak kaya niyakap ko siya.
"Besh... sabihin mo sakin kung anong problema mo." Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa akin at tinatapik yung likod niya.
Agad siyang umiling at mahinang kumalas sa yakap.
"Besh... anong gagawin ko mapapahamak ka." Mahikbi-hikbi niyang sabi sakin.
A-ano raw ?
A-ako mapaphamak?
P-paano?
B-bakit?"B-besh... ano ba yang pinagsasabi mo? M-may sakit ka ba?" Mautal-utal kong sabi sa kanya.
Umiling na naman siya ulit.
"Tin may pupuntahan pa pala ako." Nagmamadali niyang sabi sabay kuha sa bag niya sabay alis.
Anyare dun?
At totoo bang mapapahamak ako?
Wait...Why, how,when?
Aaaaaiiisshh... ano ba yan.Aalis na sana ako ng biglang tumunog yung phone ko.
From: 09*********
PUMUNTA KA SA BAKANTENG LOTE MALAPIT SA INYO.
Mark xxxoAno daw? Ba't naman ako papupuntahin dun?
Eh malapit ng mag-gabi ah.At hindi naman kay Mark tong number na toh eh. Ay baka nag-palit siya ng number.
Pag-katapos niyang mag text ay agad akong pumunta dito sa bakanteng lote baka importante ang sasabihin niya. Pero pag-dating ko walang katao-tao hanggang sa may maramdamn akong papalapit sa akin mula sa likod pero bago pa ko makaharap sa kanya ay agad na niyang tinakpan ang bibig ko at naramdaman kong nanghihihna ako.
Eto na ba ang sinasabi ni Stacy na mapapahamak ako?
___
BINABASA MO ANG
Valiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1)
Teen FictionValiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1) In a world full of lost people, I am one of them trying to find my roots. How will I conquer all when they know you are my weakness. I am Christine Marie Mendoza, lost and hoping to be found. Started: J...