24

473 19 0
                                    

A MOTHER'S LOVE


Christine's POV

Apat na araw. Apat na araw na akong hindi pumapasok sa school. Hindi kk kasi masikmura ang mga nakikita at nangyayari ko noong araw na yun. Nung araw na sinaktan ako ni Mark.

Hindi ko pa siya ntatanong kung BAKIT? PAANO? KAILAN? niya balak pa akong lokohin?!

Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi ko kahit alam king hindi ito tumitigil sa pag-agos.Sa ilang araw na pagkukulong ko miski kumain ay hindi na sumasagi sa isip ko.

*TOK*TOK* (sound effect yan ng pinto😂)

Agad namang niluwa ng pintuan ang nanay ko-- adoptive nanay ko.

She smiled at me na napagpa-ilang sa akin. Sa buing buhay kong nakatira dito ngayon niya pa ko nginitian.

Umopo siya sa gilid ng kama ko at sinenyasang lumapit sa kanya kaya lumapit ako.

"Po?" Sabi ko sa kanya at lumapit.

Hinaplos niya buhok ko at hinawakan niya kamay ko.

"Anak sorry..." panimula niya.

Hinawakan ko yung kamay niya at tiningnan siya sa mata at nginitian.

"Okay lang po..." sabi ko habang pinpigilan ang mga luha ko.

Hindi ko ma-explain kung ano ang nararamdaman ko.

Umiling-iling siya at nagsimulang umiyak.

"Sorry anak. Hindi ko kasi matanggap noon na nawala ang anak ko ng dahil sayo." Sabi niya naikagulat ko.

"P-po?" Napiyok na ang boses ko.

"Labing-siyam ng taon ang nakalilipas... ng susugurin na sana ako sa hospital dahil manganganak nako. Pero..." panimula niya.

"... hindi pa kami nakarating sa hospital ay nadigrasya kami. Nabangga ang taxi na sinasakyan namin ng isang SUV at ng isang Dum truck dahil malakas din ang ulan noong araw na iyon. Dinugo ako. Tatawagin ko na sana ang tatay mo dahil hindi ko na kaya ng makita kung rupok na rupok ang SUV na nakabangga namin. May isang babaeng naka-office suit ang tumilapon galing sa SUV na dugoan. Nilapitan siya ng tatay mo. At ipinasaklolo niya ang isang sanggol na hindi masyadong napurohan dahil hawak-hawak siya ng kanya ama para protektahan siya. Sinabi niya ring kami na ang bahala sa sanggol dahil nag-hihingalo na siya..." dagdag pa niya.

Kung kanina umiiyak ako ng dahil kay Mark ngayon ay umiiyak ako dahil sa kuwento ni nanay sa akin.

"... kinuha ng tatay mo ang sanggol. Pagkatapos nun nahimatay na ako. Nagising na lang akong nasa hospital na ako. Hinanap ko ang anak ko. Pero dahil kritikal na ang lagay ko pinapili ang itay mo kung sino ang mabubuhay, ako ba o ang anak ko." Sabi niya habang umiiyak.

"Hindi ko matanggap. Dahil kung sana inuna akong tinulunga ng tatay mo edi sana buhay pa ngayon ang anak ko." Dagdag pa niya.

"Nagalit ako sayo. Bagay na pinagsisihan ko. Ang dami mong sinakprisyo anak... kung hindi dahil sayo wala na ako ngayon, wala na siguro kami ng tatay mo..." sabi niya habang pinupunasan ang luha niya.

"Sorry po..." yan na lang ang nasabi ko. All this time ako pala talaga ang may dahil kung bakit galit si nanay sa akin.

Umiling-iling siya.

"Ako dapat ang nagsasabi niyan. At salamat din anak." Sabi niya at niyakap ako.

Ilang segundo pa ay kumalas na kami sa yakap.

"Anak ilang araw ka ng hindi kumakain... anong problema?" Tanong niya.

"Nay... ang sakit. Ang sakit, sakit sabi niya mahal niya ko. Pero bakit ganon? Sinasaktan niya ko." Nangangaragal kong sabi.

"Minsan talaga anak, kung sino pa ang naiisip nating huling magpapakasakit sa atin siya pang una't-unang gagawin yun. May mga bagay talaga na pinagtagpo lang pero hjndi itinadhana." Sabi niya at humagolhul ako at napayakap sa kanya.

"Nay... ang sakit, sakit. Hindi ko na yata kaya." Sabi ko.

"Shhhh... huwag mong sabihin yan. Nandito lang ako--kami ng tatay mo, aagapay sayo at sasamahan ka sa lahat ng laban mo." Sabi niya at napahigpit ang yakap ko sa kanya.

"Salamat nay salamat." Sabi ko.

"Basta anak tandaan mo, walang problemang nasosolba kung tatakasan lang." Sabi niya.

"Opo nay. Mahal ko po kayo." Sabi ko.

"Mahal din kita anak." Sabi niya at hinela ako na parang bata tsaka nakatulog.

Haharapin kita ng walang pag-alinlangan Mark kahit masakit.

-

____

Valiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon