Prologue-

907 8 0
                                    

"Ano ba, bata ka?! Tumigil ka na ngang kakaiyak diyan. Wala ka talagang katinuan!" Asik ni Lola Nenita sa kanyang apong si Adrien. Isang buwan na simula nang mamatay ang lolo ni Adrien sa ama na si Lolo Herminigildo ay ngayon lang ito umiyak.

Back then, he did not feel like crying. He was beyond sad when he got the news about his grandfather but he could not just let himself cry. He has no right, he thought. Kasalanan niya kung bakit namatay ang kanyang abuelo.

Lolo Herminigildo, his grandfather loved him so dearly. He knew that. Kung bakit ba kasi nagawa niya itong sagutin, dahilan para sumpungin ito ng sakit nito na siyang kalaunan na naging dahilan ng pagkamatay nito. Ngayon, iyak na lamang siya nang iyak. Marahil tama nga ang sinasabi ni Lola Nenita sa kanya ngayon, na masama siyang bata at dahil sa kanya nawala nang maaga ang kanyang lolo.

He cried even harder. Sising-sisi siya sa nagawa sa matanda. Kung hindi sana siya nagselos sa ibinigay na atensyon ni Lolo Herminigildo sa kanyang pinsan na kararating lang mula sa ibang bansa, hindi sana siya sasagot nang ganoon dito at hindi sana ito iinom ng ganoon kinagabihan, dahilan para maospital ito kinabukasan. Hindi alam ni Adrien kung kaya pa niyang patawarin pa ang sarili.

Dahil sa labis na lungkot, nais ni Adrien na parusahan ang sarili sa kasamaang nagawa. Nasa ikaapat na baitang pa lamang siya sa elementarya nang matutunan niyang lihim na lumiban sa mga klase niya. Para ano pang kung maga-aral siya, wala na naman ang lolo niya na ipagmamalaki siya sa kahit sinong kamag-anakan nito. Wala nang matutuwa sa kanyang mga pagsusumikap.

Ngunit isang linggo ang lumipas nang madiskubre ng mga magulang ni Adrien na hindi siya pumapasok sa iskwela. Ni hindi siya nito pinagalitan ngunit hindi rin maitatangging dismayado ang mga ito sa nagawa niya. Inaasan ni Adrien na magagalit ang nga ito sa kanya, na sa sobrang katigasan ng ulo niya ay handa siya sakaling pagbuhatan na siya ng mga ito ng kamay o kaya naman ay paparusahan. Dapat lamang iyon sa suwail na batang gaya niya.

Ngunit walang ganoon na nangyari. Sa halip, inakap lamang siya ng kanyang ama at sinabing maghanda na. Ililipat siya nito ng iskwela, doon malapit sa bahay ng mga magulang ng kanyang ina kung saan na siya titira. Hindi naman pala siya nagkamali sa kanyang akala, ano pa bang parusa ang mas titindi pa roon?

Hiwalay na ang nga magulang ni Adrien, lamang ay sibil ang mga ito sa isa't-isa. Sa opinyon ng kanyang ama, hindi makakabuti kay Adrien kung sa bahay pa siya nito titira. Patuloy lang raw nitong maaalala ang namatay na abuelo sa tuwina at hindi makakapag-focus sa iskwela kagaya na lamang ng nangyayari.

Wala na ngang nagawa si Adrien kung hindi ang lumipat sa poder ng ina. He was actually excited that he found a new home there, knowing his grandparents there was still young and healthy. Na hindi gaya ni Lolo Herminigildo, ay maaga siyang iiwan ng mga ito. He was hopeful, that they would love him the way lolo Herminigildo did but boy, he was wrong.

Lolo Edwardo was not strict but he was cold. Sa tuwing lalapitan niya ito ay nangangamba siyang makagawa ng kahit anong kamalian pagkat baka pagalitan siya nito. Lola Nenita on the other hand was the scolder one.

Wala naman siyang naaalalang nagawa rito para ikagalit nito nang ganoon sa kanya. Para kasing may sama ng loob sa kanya ang matanda para sa tuwing makikita siya nito, kung hindi pupunahin ay ipapahiya siya nito sa mga kamag-anakan nito tuwing may pagkakataon.

Labis ang sama ng loob ni Adrien dahil doon. Lalo tuloy niyang isinisi sa sarili ang pagkamatay ni Lolo Herminigildo. Kung hindi sana siya naging salbahe, hindi na siya sana kinailangan pang tumira sa bahay ng mga magulang ng kanyang ina.

"WALA KA TALAGANG sinabi. Nakakahiya ka." Sabi ni Lola Nenita kay Adrien nang makita nito ang report card niya.

Labis na bumaba ang grado niya dahil narin siguro ay nawalan na nga talaga siya ng ganang mag-aral pa. Bakit pa siya mag-aaksaya ng panahon kung sa kahit ano namang gawin niya ay wala naman doon ang magiging tama sa paningin ni Lola Nenita.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon