Chapter Six-

177 5 0
                                    


Hindi malaman ni Serena kung ano ang magiging reaksiyon niya sa ginawang iksena ni Adrien kanina. Sa unang pagkakataon kasi ay ipinakita nitong marunong rin pala itong magselos. Lamang ay wala naman sa lugar at tila lumabis pa.

Sa totoo lang ay nabigla siya sa ginawa nito. Ngayon ay hiyang-hiya tuloy siya sa mga kasama niya kanina na pumunta upang suportahan siya sa screening na iyon. Masaya siya dapat ngayon pagkat opisyal na siyang pasok sa apatnapu't limang kandidata para sa pageant na sinalihan. But Adrien had to spoil everything for her. Bigla tuloy siyang nawalan ng gana.

Mamshie Mita was calling her. Hindi niya nagawang sagutin ang telepono pagkat alam niyang pagsasabihan siya nito tungkol sa nangyari. Kung bakit pa kasi sa dami ng oras ay doon pa naisipan magselos ng nobyo niya? And all of the people there, he decided to be specifically rude to Mike. The son of one of the major sponsors of the said pageant.

Naiinis talaga siya sa nobyo ngunit wala siyang magawa kung hindi mapaiyak nalang sa passenger side habang ipinagmamaneho siya nito pauwi. Dapat pala ay hindi na niya sinama pa ito roon.

"Serena please, just hear me out." Pagsusumamo nito sa kanya.

"No. You've done enough. Wag ka muna sigurong magpakita sakin." Sa labis na sama ng loob kanina, ni hindi niya napansing naroon na pala sila sa parking lot ng kanyang condo. Agad na bumaba na si Serena sa sasakyan ni Adrien. Wala siyang balak magpapigil rito kaya't patakbo niyang tinungo ang elevator.

NAPAPIKIT na lamang si Serena nang muling tumawag ang kanyang manager. Hindi niya malaman kung sasagutin niya ba ito o ano. Sa huli, sinagot na niya rin ang telepono. Bahala na kung pagalitan siya nito.

Hindi naman siya pinagalitan ni Mamshie Mita ngunit pinagsabihan siya nito. Sa unang pagkakataon simula nang makilala niya ito ay doon lamang siya kinausap nito nang seryoso. Hiyang-hiya raw ito sa mga organizers ng pageant pagkat kakilala nito ang mga tao roon.

Nasapo ni Serena ang noo at paulit-ulit na humingi ng pasensiya dito. Baka ito pa ang maging dahilan para matanggal siya sa sinalihang pageant. Nababahala si Serena. Wala sa loob na naisubo nito ang kuko upang kagat-kagatin. Bagay na doon lang niya ginawa muli dahil sobrang nai-stress na siya.

Upang makabawi sa nangyari, ang ibig ni Mamshie Mita na isali siya sa isang runway show na gaganapin rin nang gabing iyon. Siyempre, agad rin siyang pumayag kahit pa hindi pa niya nalalaman kung anong meron sa naturang show.

Hanggang sa ilahad ni Mamshie Mita ang detalye noon. Si Mike, ang may-ari lingerie company na pagrarampahan niya mamaya ay naroroon rin. Ito rin ang anak ng isa sa mga sponsors ng pageant na sinalihan na siyang pinagselosan naman ni Adrien. Napapikit siya, hindi na niya malaman ang gagawin.

Ibig niyang bawiin ang napagpasyahan, ngunit kung gagawin niya iyon, paano ang pangarap niyang sumali sa pageant na iyon? Kahit na nagtatampo siya sa ginawang iyon ni Adrien, mahalaga parin sa kanya ang approval nito.

Selena shook her head later on. She had to focus. Hindi naman siguro mamasamain ni Adrien na magpasya siya ayon sa kagustuhan niya. In the first place, hindi naman sila mapupunta sa sitwasyong iyon kung hindi dahil sa ginawa ng nobyo niyang iksena.

~•~•~•~•~

Alam naman ni Adrien na siya ang may kasalanan sa nangyari at napahiya talaga si Serena dahil doon. He was sorry but Serena didn't accept his apology. Ni hindi nito pinapansin ang mga tawag niya. Pinuntahan niya ito ngunit kahit saan ay hindi niya ito mahagilap. Hanggang sa lapitan niya ang kaibigan nito na si Maggie, ito nalang ang pagasa niya ngayon.

Noong una ay ayaw magsalita nito kung nasaan pumunta si Serena, nagmamaang-maangan ito. Mabuti na lamang at nasa wallet niya ang picture ni Aston noong bata pa ito. Pinuslit niya ito nang minsang tumambay siya sa silid ng kaibigan, hindi niya alam na magagamit rin pala niya ang litrato ng kaibigan ngayon.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon