Two Years Later...
Sa wakas ay maaari nang huminga nang maluwag si Adrien. Kahit papaano ay mapapanatag na ang kanyang kalooban.
Simula kasi nang umalis si Adrien sa dating pinagtatrabahuhan at nagsirili na ay ni minsan, hindi pa ito nakakapagbakasyon na para sa sarili nito. Kung mag-a-out of town man sila ng kanyang team ay para lang din sa trabaho at hindi para sa pagri-relax.
Adrien had to work harder than he ever did before. Kailangan dahil nagsisimula pa lamang ulit siya sa kanyang buhay.
Naging ayos lang iyon sa kanya at hindi na nagreklamo pa. Kung tutuusin ay naging mapalad pa siya. Naging mabilis ang pag-stable ng kanyang kompanya. Ngayon, kahit papaano ay hindi na siya maaligaga sa dami ng gawain dahil higit ng nabawasan ang mga iyon kesa noon.
Sa loob lamang ng mahigit isang taon ay may mga kliyente na siyang paulit-ulit na kumukuha ng kanya serbisyo at iniririkumenda pa siya ng mga ito sa mga kakilala ng mga ito dahilan upang dumami pang lalo ang kanyang mga kliyente
Dahil doon ay mas lalong sinipagan ni Adrien ang kanyang pagtatrabaho. Pinapalitan lamang niya ang mga naunang trabaho ng mas marami pang trabaho. Napaka-hands-on niyang boss.
Minsan ay umaabot pa nga sa puntong miske siya sa sarili ay ayaw na niyang huminto sa kakatrabaho kung hindi lamang siya makaramdam ng matinding pagod. He needed to busy. Hindi pwedeng maiwan siya ng walang ginagawa.
Magpahaggang ngayon kasi ay hindi parin niya pinagkakatiwalaan ang sarili na maalipin ng sariling isipin kahit isang saglit lang. The was the last thing he wanted. Kaya nga't ibinuhos niya halos lahat ng oras niya sa pagdi-develop ng mga bago at kapaki-pakinabang na mga cellphone applications.
That was why day and night, he was in front of his computer, doing what he does best, programming and developing. Sa ngayon ay isang maliit na software company pa lamang ang kanyang kompanya. He was not objecting to achieve something. He just wanted to have something to help himself get by.
He just wanted to survive on his own, without getting any help from anyone. Ang kumita lang ay sapat na sa kanya. Bonus na lamang ang mga dagdag na halagang nakukuha niya mula sa mga kliyente, dahilan upang makaipon na siya kahit papaano.
Hindi balak ni Adrien na kailanman kalabanin ang dating mentor na si Timothy Alfonso o ang kompanya nito pagkat malaki ang utang na loob niya rito. Kaya nga't kung may bagong ang ilalabas ng mga ito na produkto ay siya na ang nagbibigay daan para lang hindi sila magkasagupa ng mga ito. He just respected his old team that much.
Lamang ay kinailangan niyang bumukod sa mga ito kahit na nami-miss na niya ang mga dating kasamahan. Bukod kasi sa kaibigang si Aston, ang mga ito narin naging pamilya niya. Inalagaan siya ng mga ito noon, na para bang siya ang bunsong kapatid sa kanilang lahat. But he had to leave.
Not that he wanted that, he just need to gather himself up on his own. Hindi niya magagawang tumayo sa sarili niyang mga paa kung mananatili siyang kasama ang mga ito. That was why he left them all.
Adrien shutted everyone out. Ganoon katindi ang pagnanais niyang magsimula ng panibago. Even Aston, his best friend hadn't seen him in a long while now. Ayaw man niya ay maging ito ay kailangan din niyang iwasan.
Adrien had to do that for himself. Kung hindi... Hindi na niya alam. Baka nga tuluyan na siyang hindi matagpuan ang kanyang sarili.
Alam niyang kaduwagan para sa iba ang kanyang ginawang pagiwas sa lahat ngunit hindi na importante sa kanya kung ano pa ang sasabihin ng mga ito. Maybe it really was an escape route for him but, he didn't give a damn about other people's opinion anymore.
BINABASA MO ANG
From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)
General FictionFor true love was all he ever needed.