Chapter Five-

176 6 0
                                    

Tahimik lamang na bumaba ng sasakyan ni Adrien si Serena. Ni hindi rin ito nag-abala pang halikan siya kagaya nang nakaugalian nito. She was mad, he knew it. Ngunit anong magagawa niya kung alam niyang sa sarili niyang hindi parin siya sa handa?

Alam ni Adrien na malaki ang pagkukulang niya kay Serena sa aspetong pisikal. Modernong babae ito at kahit hindi sabihin nito ay alam niyang bilang babae at kasintahan niya, may pangangailangan itong kailangan niyang ibigay.

Gusto naman sana ni Adrien ngunit nakakahiya mang aminin hindi parin siya handa sa ganoon. Emosyonal man o pisikal. He never dealt with those kind of things before. He never had a girlfriend and he had no idea if he could do it properly without preparing for it. Well, used to fantasize women before. After all, he was just a boy and that was that. Gusto niya sana, kapag nakarating na sila ni Serena sa puntong iyon, nais niyang maging ispesyal iyon para sa kanilang dalawa.

Another problem was who was to ask for advice. Lumaki man siyang kasama ang ama ay hindi naging malapit ang loob niya rito. Yes, he was there to support him financially but he was just another stranger to him. At isa pa, nahihiya rin siya ritong magtanong. Baka makaabala pa siya sa trabaho nito tulad noon, nasabihan pa tuloy siya nito.

Sumasakit na ang ulo ni Adrien, wala na siyang maisip. He was panicking but he tried to calm himself down. Hindi na niya malaman ang gagawin. Hindi niya alam na darating siya sa point ng buhay niyang mai-stress siya sa bagay na ion. He called his friend, Aston. He didn't have a choice. Ito na lang ang naiisip niyang makakatulong sa kanya sa bagay na iyon kahit pa alam niyang isa rin itong matimtimang birhen kagaya niya.

Unlike him, Aston was surrounded by people who has experiences when it comes to that aspect of physicality. Baka may nakuha itong impormasyon tungkol 'doon mula' sa mga kapatid o ama nito.

"Hey, what's up?" Bungad ni Aston.

"Bro, I need your help." Natatarantang sabi ni Adrien.

"Wala akong pera." Walang-ganang tugon naman ng kaibigan niya.

"Hindi naman ako nangungutang ,eh. Bro please." Pakiusap niya dito.

"Alright, what is it about?" Tanong nito.

Sa totoo lang ay hindi malaman ni Adrien kung tutugon ba siya at hihingin ang tulong ng kaibigan nang mga oras na iyon. Para sa kanya ay maselang usapin ang topic na iyon ngunit wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang gawin ang lahat upang hindi tabangan sa kanya si Serena. Relasyon niya sa dalaga ang nakasalalay dito.

Isinalaysay ni Adrien ang lahat sa kaibigan maging ang suliranin sa kanyang isipan. Napapikit siya. Bahala na. Hindi naman siguro siya huhusgahan o pagtatawanan ni Aston. To Adrien's surprise, Aston didn't laugh at him. Katunayan ay mahinahong isinalaysay nito sa kanya ang dapat niyang gawin. Hindi niya inasahan ang ganoon mula sa kaibigan.

Nakinig nang maigi si Adrien at sinigurado niyang wala siyang makakalimutan sa mga ibinilin nito. Namamangha siya. Hindi niya akalain na may wisdom ang kaibigan pagdating sa ganoong bagay, na isa pala itong romantiko.

"Thank you, man. I owe one!" Sabi ni Adrien sa kaibigan.

"Whatever. Just remember, it's all about her. Huwag kang magmamadali." Iyon lang at ibinaba na ni Aston ang telepono. Mabilis naman ang pintig ng puso ni Adrien nang dahil sa kaba at excitement.

~•~•~•~•~•~

Hindi naman sa iniiwasan ni Serena si Adrien ngunit hindi niya maitatangging nagtatampo siya rito.She was really busy right now and could not afford to not focus. May screening para sa isang beauty pageant, hindi niya kayang baliwalain na lang ang pagkakataong iyon pagkat pangarap talaga niyang sumali doon mula pa nung bata siya.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon