Chapter Eight-

187 7 0
                                    

Even though he was a little bit hesitant, Adrien was excited to use that software he created using the program that Timothy has given him. Kahapon ay ay buong araw siyang nagtrabaho at pinagpuyatan pa iyon magdamag matapos lamang niya agad ang naturang software.

Hindi siya nahirapan at wala pang ilang minuto ang inabot nang mahanap niya ang nais niyang makita. It was not hard for him to gather all the information that he needed, and that software made everything easy for him.

Pasasalamatan talaga niya nang sobra si Timothy kapag pinuntahan na niya ito. Kung hindi dahil dito, marahil ay hanggang ngayon ay namomroblema parin siya sa kung paano gagayahin ang naturang software na mayroon ito. Now, he felt relieved. Makikita na niya ang mga sagot sa katangunan na matagal ng bumabaganbag sa kanyang isipan.

~•~•~•~•~•~

Hindi mapakali si Serena ngunit pakiramdam niya ay tila may nagmamasid sa kanya. Hindi niya malamn ngunit bigla nalang niyang naramdaman ang bagay na iyon. She knew it might just be another paranoia of her.

Kahit na matagal simula nang manalo siya sa beauty pageant na sinalihan at irepresenta niya ang Pilipinas sa ibang bansa, hindi parin nawawala ang mga taong humahanga sa kanya. Sikat parin siya.

Hindi man siya nanalo at naging first place lang sa international pageant ay talagang pinagkakaguluhan parin siya kahit saan siya magpunta. Daig niya pa ang ibang mga artista sa kasikatan sa totoo lang pagkat kabi-kabila ang kanyang endorsements at guestings.

Siyempre pa, hinding-hindi niya maiiwan ang kanyang unang propesyon, ang pagmomodelo pagkat talagang noon pa man ay iyon na ang kanyang ini-enjoy na gawin. Lamang ay mas higit siyang nahihirapan ngayon kesa noon. Noon, kasi ay wala namang gaanong nakakakilala sa kanya ngayon ibang-iba na ngayon.

Kapag may event na kasama siya ay talagang dinudumog ng mga tao ang venue kaya't minabuti niyang maging maingat sa mga projects na tinatanggap. Okay lang sana yung kabi-kabilang pagpapa-autograph at pagpapa-picture ang hinihingi ng mga tagahanga niya sa kanya ngunit ang iba sa mga ito ay sumusobra na. Hindi iilang beses lang na may humawak sa kanyang pwetan, madalas pinalalampas lang niya ang mga pangha-harass na iyon. Ngunit tao lang din siya, napapagod sa ganoong pagtrato dahil nga sa isa na siyang "public figure" ngayon.

Tuwing gabi ay naiiyak na lamang siya kanyang silid nang magisa, walang kasama at walang mapagsumbungan. She was miserably missing a particular person. Sa mga panahong iyon ay nahihiling niya sana naroon ito, kayakap siya hanggang sa kanyang pagtulog.

Ngayon, hindi narin masyadong tumatanggap ng mga projects kung alam niyang maging ganoon ka-tight ang kanyang magiging security. Hindi na niya masyado pang binibigyan pansin pa ang puna ng mga tao sa kanya na masyado siyang maarte at napakarami laging bantay, ayon narin sa isang comment na nabasa niya sa social media.

She was still overwhelmed though, about the fact that people could do things just to see her. Kaya nga't labis ang kanya pasasalamat siya sa kanyang mga tagahanga.

She sighed. Sometimes she wondered, what if she never joined the pageant at all? Natupad nga ang pangarap niya ngunit nang makamit naman niya iyon, hindi naman naging katagalan ang sayang dulot niyon sa kanya. Na hindi pala talaga iyon ang talagang makakapagpasaya sa kanya. Naisip niyang marahil ay kagaya rin siya ng iba, walang kakuntentuhan sa buhay.

She called Mamshie Mita. Kesa ang kung anu-ano ang iniisip niya, tinanong nalang niya sa manager kung ano nang update sa condo na nais niyang lipatan dahil dito niya ipinaasikaso ang lahat.

Kahit papaano ay sumigla si Serena sa ibinalita sa kanya ng kanyang manager. Ang sabi nito ay makakalipat na siya sa makalawa roon pagkat naayos na nito ang kontranta ng kanyang bagong condo.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon