Tapos nang mag-ayos si Serena habang si Adrien ay nasa banyo pa at naliligo. Papunta sila ngayon kina Lola Nenita at hindi maitatanggi ni Serena na nasasabik siyang magkaayos na ang mag-lola.
Siya man ay naging madistansiya sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ama na halos hindi na niya nakakausap nang maayos sa nakalipas na ilang taon. Kung makausap man niya ito minsan, madalas ay sasaglit lang din. Puro mabababaw lang na kamustahan ang nagaganap.
Ang kaibahan lamang sa sitwasyon nilang dalawa ni Adrien ay ang ama mismo ni Serena ang lumayo sa kanila noon na para bang nakakabigat sila sa buhay nito. Her father was nothing but a stranger her, technically speaking. Minor pa siya nang huling nakasama ito at pagkatapos noon ay puro madalang na tawag na lamang ang nagiging komunikasyon niya rito. Madalas pa ay napuputol pagkat palagi itong nagmamadali.
Serena shook her head. Hindi iyon ang tamang oras para magsentimiyento siya tungkol sa issue niya sa ama. Maybe she will talk to her father again in the near future. She just didn't know how and when again.
She was fixing her hair, trying to dress up as decently simple as she could. Nais niyang magustuhan siya ng Mama ni Adrien, maging ang mga tito at tita nito. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magpakilala sa mga ito noong huli. Nais niyang kahit papaano ay bigyan ang mga ito ng impresyon na huwag siyang ayawan. Maging ang impresyon sa kanya ni Lola Nenita, napakaimportanteng bagay para sa kanya.
Si Adrien narin mismo ang nagsabi na mamaya na siya ipapakilala nito sa kanyang pamilya sa side ng ina. Humingi rin ito ng tawad sa kanya dahil nga sa biglaan nilang pagalis at hindi na ito nagawa iyon noong huli.
Kinakabahan si Serena. Sa totoo lang ay hindi niya malaman kung anong nais niyang gawin sa kanyang buhok ngayon, kung itatali niya ba ito o hahayaang nakalugay na lamang. Hindi kasi matantiya ni Serena ang panahon. Madalas iinit ngunit minsan at biglang lalamig, kapag ganoon ay baka maging alon-alon na naman ang kanyang buhok. Ayaw niyang magmukhang bruha sa harap ng pamilya ni Adrien.
Ngunit sa huli ay napagpasyahan niyang itali na lamang iyon kaya't madali niyang hinanap ang kanyang suklay ngunit hindi naman niya iyon makita. Pumunta siya sa sala ngunit wala rin roon ang kanyang hinahanap.
Naisip niya, baka naiwan niya iyon sa opisina ni Adrien. Biglang namula ang kanyang pisngi nang maalala niyang ang nangyari sa silid na iyon. She and Adrien shared a steamy love making in that room, if she recalled it right. Nakangiting napapailing na lang siya, paano ay kinikilig na naman siya.
Dahan-dahan niyang pinasok ang opisina ng binata at tama nga siya, naroon ang suklay niya sa lamesa nito katabi ang itim na notebook na minsan na niyang nakitang sinusulatan ni Adrien. Inirirespeto niya ang privacy ng kanyang nobyo kaya't minsan lang siyang nakarating sa parting iyon ng bahay ngunit hindi maiwasang mapukaw ang kanyang kuryosidad dahil sa notebook na nakita.
Alam niyang baka ikagalit ni Adrien sakaling mahuli siya nito roon na pinakikialaman ang gamit nito ngunit para siyang panandaliang nawala sa sarili at tila nahipnotismong binuksan ang unang pahina ng notebook na iyon. She promised herself one page, just one page and she was done. Ngunit nang maumpisahan, tila ayaw na niyang tigilan ang pagbabasa.
The first entry was sixteen years ago. When Adrien was just ten but she felt the abandonment he felt back then, it was all written down there. Halatang bata ang nagsulat sa unang pahina na iyon ngunit hindi niyon maitatanggi ang sakit na nararamdaman ng may akda.
Inilathala ni Adrien roon kung gaano nito gustong sumunod sa Lolo Herminigildo nito sa kabilang buhay para lang makahingi ng tawad dito. Kakamatay lamang ng lolo nito at sinisisi ni Adrien ang sarili niya. May kung anong pagnanais sa puso ni Serena na hinihiling niya na sana nakilala na niya noon pa si Adrien. Na sana nadamayan niya ito nang mga oras na namimighati ito.
BINABASA MO ANG
From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)
General FictionFor true love was all he ever needed.