Chapter Fourteen (FINAL CHAPTER)-

529 7 4
                                    

Palubog na naman ang araw ngunit nanatiling lang roon sa balcony si Adrien, nakatanaw sa malayo. Pinagmamasdan ang paglubong araw. Napabuga siya, pakiramdam niya ay namatay na ang lahat ng kanyang pag-asa sa buhay. Awang-awa siya sa kanyang sarili ngunit miske ang pagiyak ay hindi narin niya magawa. Miske iyon, wala narin siyang ganang gawin.

Tila ba wala ng katapusan ang kanyang mga pinagdaraanang hirap sa buhay. Pagod na pagod na siya sa ganoon. Nais na niyang matapos na ang lahat, pero paano? Wala na siyang makitang maaari niyang kapitan.

He wanted to scream to do some crazy stuff but even that, he couldn't find the energy to do so. Ilang araw na siyang hindi kumakain at palaging hirap makatulog. Madalas, nakatulala lamang siya sa kisame ng kanyang silid, walang kahit anong laman ang isip. Iyon lang ang maituturing niyang 'pahinga' niya sa mga nakalipas na araw.

In the morning, his pain will come back to him again like bullet, shot through his chest. He just cried silently, tearlessly.

"Merry Christmas, pare. Happy New Year narin. Pinasok ko na sa loob yung mga regalo mo." Kilala niya ang nagsalita. It was Adrien's best friend, Aston.

Ni wala ang dating mapangasar na wangis ng kanyang kaibigan sa tuwing magkikita silang dalawa. Marahil dahil nakikita nito ngayon kung gaano siya ka-down. Aston didn't even ask him why the hell he looked as miserably as that, like he usually would. Tinabihan lamang siya nito, ipinaramdam ang pakikisimpatya sa kanya. Tinapik siya nito sa kanyang balikat.

"Nasaan ang regalo ko?" Sabi ni Aston, parang bata. Adrien felt his friend was just tring to be cheerful, though, he was still being careful.

Ni hindi na niya napansing lumipas na pala ang ang pasko nang ganoon nalang. Kung hindi pa siguro dumating ang kanyang kaibigan, hindi rin niya mamamalayang magpapalit narin ng taon. Paano nga ay isang linggo siyang nakakulong lang sa kanyang condo at doon lang sa balcony na iyon niya natatanaw ang mga nangyayari labas.

Well, what what was there left fore him anyway? Wala na naman siyang dahilan pa para muling luamabas ng kanyang unit. Doon nalang siya, pilit na pasasayahin ang sariling alalahanin ang lahat.

There, he could only see her happy, healthy like she used to be. Just like the way she requested him to remember her. He knew he was self-pitying again and yet, he didn't care. Nais niyang ibigay iyon sa kanyang sarili, kahit kaunting panahon pa.

Simula nang bumalik siya mula Germany ay halos hindi na siya nasinagan ng araw. He was just there inside his cage, crying from the inside from day through night. Mistulang ayaw tumigil nang kanyang puso na umiyak kung hindi pa siya napagod at pagkatapos ay makakatulog nalang.

Sa loob ng mga panahong iyon ay ni wala siyang kinausap ni isa, miske sino man sa kanyang pamilya o kaibigan. He just basically shut everyone out. Again. Just like the first time. Maging ang telecommunication devices niya ay pinagtatatapon niyang lahat. He just wanted to be alone with Serena's memory.

Nagbuntong-hininga si Adrien. Ano pa ba ang saysay na nabubuhay siya ngayon gayung maging siya ay wala nang ganang magpatuloy pa? But he has to, he promised Serena that.

Umiling siya sa kanyang sarili. Ayaw na niyang maramdaman iyon, ang pagiisa at labis na lumbay. But again, did he have any choice but to feel that way?

"Why don't you get up? Tara, mag-ayos tayo ng sarili." Mahinahong sabi ni Aston sa kanya maya-maya. Inalalayan siya nito upang makatayo ngunit sinuway niya ito.

"Just leave, Aston. Please." Hinang-hinang sabi ni Adrien at saka tinalikuran ito at pumasok na sa loob.

Magta-tatlong araw narin simula nang huli siyang kumain nang maayos. Paano ay noong isang araw lang ay napagtaasan niya ng boses ang kanyang Mama at sinabing huwag na itong pupuntang muli sa kanyang unit itatrato siya nito nang ganoon. Ayaw niyang tinitignan siya nito sa ganoong paraan, na parang awang-awa sa kanya kahit pa hindi nito sabihin iyon nang direkta.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon