Patuloy lang pagdating ng mga mensahe ngunit hindi na kayang basahin pa ang mga iyon ni Adrien. Minsan na niyang pinakialaman ang privacy ni Serena at aaminin niyang hindi niya gusto ang pakiramdam na hatid niyon sa kanya.
He was walking back and forth and yet, he couldn't think of any idea what to do next. Naguguluhan siya kung itutuloy-tuloy niya ang pagkalap ng impormasyong maaari niyang gamitin sa hinaharap. Ewan niya, hindi na niya alam. Wala siyang kongkretong plano para kay Serena.
Ngunit biglang siyang napahinto sa kanyang pagiisip nang makarinig siya ng malakas na hiyaw mula sa labas dahilan upang mabahala siya at puntahan agad iyon. Sa katapat na unit nanggagaling ang tinig, bigla tuloy siyang kinabahan. Lalo siyang kinabahan nang iikot niya ang doorknob at matuklasang hindi iyon naka-lock. Muntik na siyang mapamura.
Nais niyang mainis at pagsabihan ang si Serena. Noon pa man ay ganito na ito, laging nakakalimutang mag-lock ng pintuan. Ngunit naalala niyang hindi na sila at wala na dapat siyang pakialam sa kung ano man ang gawin ng dalaga sa buhay nito. Ang tanging dahilan kung bakit siya naroroon ay nais na niyang wakasan ang nga agam-agam sa isipan niya.
Naulit uli ang matining na tili at agad tinungo ni Adrien ang loob ng unit ni Serena nang walang paa-paalam. Bahala na kung magalit man ito na pumasok siya roon nang walang pasabi. Nakita niyang nagtatatalon si Serena habang nakatungtong sa sofa nito at nakatingin sa ilalim ng lamesa. Sinundan niyan ang tingin nito. Kaya pala, may nakita itong ipis kaya't naghuhurumentado ang babae ngayon.
Agad niyang hinubad ang tsinelas upang patayin ang insekto. Sa isang banda ay nakahinga rin siya nang maluwag, ang akala niya ay may nangyari na sa dalaga na hindi maganda. Ang akala niya ay nalooban na ito.
Hindi napigilan ni Adrien na pagsabihan si Serena at halos masinghalan niya ito pagkatapos noon. Paano ay pinagalala siya nito. Natural ay natameme lang sa kanya ang dalaga, siyempre ay nahiya ito dahil totoo naman ang sinabi niyang nakakabulahaw na ito.
Naiinis siyang tinalikuran ito at iniwan niya ito doon. Wala itong pakundangan kung tutuusin. In the first place, dapat ay i-chineck muna nito o ng manager nito ang lugar bago ito lumipat roon. Muli ay pinigilan niya ang sariling balikan ito at pagsabihang muli.
Bukod sa nangyari, mas nababahal nagyon si Adrien dahil sa nakita niya ang tinutuluyan ng dalaga. Labis na maliit ang lugar at iisa lang bintana kumpara sa tinitirahan nitong condo noon sa Quezon City. Pakiramdam nga niya, sa sasandaling nagtungo siya doon ay parang hindi siya makahinga sa sikip ng lugar. Hindi tulad ng unit niya, palibhasa ay hindi natatakpan ng katapat na gusali at maaliwalas at maganda ang view. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kaunting awa para sa dalaga.
HINDI MALAMAN ni Adrien kung natatawa ba si Aston dahil sa talagang nakakatawa ang sinabi niya o iniinis siya nito sa paraan nito ng paghalakhak nito nang ganoon.
Pinuntahan niya si Timothy kanina upang pasalamatan ito at humingi narin ng tawad dahil sa biglaang pagdidesisyon niya noon na umalis sa kompanya nito. Maging sa dating mga kasamahan niya sa trabaho ay himingi rin siya ng tawad. Tinawanan lang siya ng mga ito pagkat matagal na raw tapos ang issue na iyon at pawang siya nalang ang hindi pa nakaka-move on. Napakamot siya sa kanyang ulo pagkat nahihiya parin siya sa mga ito. Saktong naroon rin ang bestfriend niyang si Aston at ngayon ay kasama niya sa isang cafe malapit malapit sa building nila Tim. The way Aston laughed, he thought it was a mock.
"Stop laughing, it wasn't funny." Pagsaway niya sa kaibigan.
"Hindi naman 'yang kwento mo yung nakakatawa. Ikaw. You're pathetic. You said you wanted move on, that's why you left us all of sudden. Then here you are again, obsessing yourself with her." Doon nahinto sa pagtawa si Aston at biglang nagseryoso ang istura. Napabuga ito at tinapik si Adrien sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)
General FictionFor true love was all he ever needed.