Chapter Eleven-

193 3 0
                                    

Napatunayan ni Adrien sa sarili kung ganoo parin niya kamahal si Serena. Katunayan ay pilit niyang inaalala ang pagkakataong hindi niya iyon naramdaman pagkat wala siyang matandaan na nakalimot ang kanyang puso na gawin iyon ni minsan.

Yes, his heart used to be covered with hatred and resentment but all of that completed melted away when said she loved him again. Hindi siya maaaring magkamali dahil naramdaman niyang totoo ang sinasabi sa kanyang iyon ng babae.

He believed her not because he just chose to but he truly felt it. Katunayan ay malaki ang pagdududa niya kung sinasabi lang ni Serena ang bagay na iyon dahil lang sa tinutulungan niya ito ngayon pero kilala niya ito, hindi ito manggagamit para lang sa sariling interes nito. She was never like that.

Maya-maya ang babae sa kanyang tabi at nagmulat ng mata. Gumising ito at sinalubong siya ng may ngiti sa labi. It instantly sent warmth through his heart. Iyon ang pangarap niya noon pa man, ang magising sa araw-araw na ito ang katabi niya.

"Good morning, handsome." Sabi ni Serena sabay halik sa kanyang labi at sumiksik ito sa kanya. Inakap niya ito nang mahigpit.

"You hungry? I'll cook for you." Sabi ni Adrien.

"No, just stay here. I'll ravish you once I'm famished. Ganito muna tayo." Pagpigil sa kanyang tumayo ni Serena at nagiging pilya na naman ito. Paano tila sinasadya nitong diininan ang parte ng kanyang katawan na siyang nagri-react ngayon habang nakaakap sa kanya nang ganoon. Napuno ng kanyang halakhak ang buong silid. He missed her naughtiness, too. Hiling niya ay sana palagi nalang silang ganoon.

Alam niyang kaunti nalang at maibabalik na niya nang tuluyan ang sarili sa dati, na masaya at hindi na binabalot ng galit ang puso. He really hoped that that was the start for them.

ADRIEN and Serena were laughing all day, walking around the mall holding each other's hands. Para silang nagliligawan ulit na dalawa at parehas kilig na kilig sa ginawa ng bawat isa.

After they watched the film, they went on grocery shopping. Paano ay napansin ng dalaga na walang kalaman-laman ang ref ni Adrien kaya't nahiya ang binata nagdesisiyong mamili kasama nito.

Wala paring kompletong plano si Adrien kung itutuloy pa ba niya ang pagbenta ng kanyang condo. Ang totoo ay pinagiisipan niyang huwag na muna. Ang sigurado lang siya ngayon ay nagiging masaya na naman ang kanyang puso. Nais lamang niyang pagbigyan ang sarili kahit pa may isang bahagi ng kanyang sarili ang nangangamba parin.

Sa tingin niya ay hindi maiiwasan iyon. Pagkatapos ng pinagdaan nilang dalawa ni Serena sa kanilang relasyon, normal lang siguro na makaramdam siya ng ganoon.

"Baby what do you want, this one or this one?" Tanong ni Serena at itinaas nito ang dalawang uri ng karneng hawak-hawak.

"I want the chicken. Medyo napapabayaan ko ang sarili ko lately, tumataba na naman ako." Nakangiti niyang balik kay Serena. Napakunot naman ang noo nito at sabay napalabi.

"You were never fat, hon. Masyado ka lang talagang conscious. Infact, you're the hottest guy I've ever met." Ibinaba ng dalaga ang hawak at sabay ipinulupot nito ang mga braso sa kanyang leeg at walang pakundanangang hinalikan siya nito na tila ba hindi ininda kahit may iba pang nakakakita sa kanila.

"Binubola mo na naman ako." Sabi niya. Gusto man niyang sakyan ang sinasabi nito, sa sarili niya ay alam niya ang totoo. Magpahanggang ngayon, hindi parin ganoon kalaki ang kumpyansa niya sa sarili pagdating sa pisikal na aspeto dahil sa naging obese siya noon.

"Sorry if ever I made you feel uncomfortable." Pag-amo sa kanya ni Serena nang mapansin nitong natahimik siya bigla.

"No, it wasn't that. Hindi naman kasi ako ang pinaka-confident na tao na makikilala mo."

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon