Sinabi na nga ba ni Serena at sadyang napakatorpe nitong si Adrien. She just didn't realize that earlier. She was skeptical. Marahil dahil narin sa inakala niya noon na marami na itong ibang babaeng naka-date pagkat sadyang may itsura rin kasi ang lalaki, bagaman nuknukan ng suplado. Hindi niya akalaing totoo naman pala talaga ang kanyang hinala.
Adrien was really handsome but it seemed like, he has no idea about that. Masyado itong conscious lalo na sa tuwing kasama niya, ganoon din ang pagkilos nitong tila denumero ang bawat hakbang.
Minsan nga ay hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa kanyang hindi ito mahilig maglalalabas at palagi lamang itong nasa bahay kapag wala itong pasok sa opisina. Inakala niyang sa kabila ng pagiging 'unsociable' nito ay may buhay rin ito bukod sa career nito. Ang akala niya, kahit papaano ay lumalabas-labas rin ito kasama ng mga kaibigan nito. Ang mas hindi niya inakala ay marunong itong mag-mix ng inumin.
The drink was good but it was not about that. Bigla ay nagduda siya sa naging pagkilos ng binata. Para kasi itong nagpapasikat sa kanya na hindi niya malaman bagaman halatang nininerbiyos ito ng kaunti. Maybe he was into her as she was into him, she thought. Napangiti siya sa kanyang sarili. Parang nais niyang tudyuin ito at biglang paaminin. For sure she would know if she ask him. Even if he try to deny it, she would know. Biglang pinasok ng kapilyahan ang kanyang isip. There was only one way to find out if what she was thinking was true. So she made the first move.
Nang hawakan niya ito sa kamay at tila naiba ang pagkilos nito at mistulang nawala ang 'coolness' na ipinapakita nito sa kanya kanina at biglang nataranta. Halatang hindi iyon inaasahan ni Adrien para maturete ito nang ganoon.
Dahil doon ay lalong sinumpong ng kapilyahan si Serena. That was the confirmation that she was waiting. No girlfriend since birth nga ang lalaking ito. Nilapitan niya ito nang nilapitan dahilan upang lalo itong ikaturete iyon, hanggang sa napasandal ito sa pader. She cornered him and he has no place to go now. Wala na itong kawala sa kanya.
Lalo lumapad ang kanyang pilyang ngiti sa itsura ng binata. Ang cute ni Adrien, pulang-pula na ang mukha nito ngunit tila mas lalo pa niya itong nais tudyuin. She couldn't help it, masyadong cute si Adrien at dahil doon ay nais niya itong halikan ng mga oras na iyon. So she did it, she kissed him. Hindi lang niya inaasahang ganoong katinding intensidad ang mararamdaman niya nang maghiwalay na ang mga labi nila.
Maybe because of Adrien's innocence that made that kiss so special for her. Pakiramdam niya ay ispesyal siyang babae para makatanggap ng unang halik ni Adrien mula mismo dito. Nais kiligin ni Serena at asarin pa ang binata ngunit nakita niyang lalong pumula ang mukha nito lalong hindi rin ito napakali dahil sa ginawa niya. Bahagya siyang nakunsensiya dahil doon. Lalo tuloy naging hindi komportable ang sitwasyon para sa binata. She too, was getting uncomfortable there as well. Walang tuloy silang naging imikan na dalawa.
Ang akala ni Serena ay matatapos nalang nang ganoon ang gabi nila, na ihahatid lang siya nito sa condo niya at magpapaalam nalang nang hindi man lang nagsasalita tungkol sa nangyari sa kanila kanina. Iyon na ang inaasahan niyang mangyayari pagkat kilala niya ito. May pagkamahiyain ang lalaki at madalas, kung hindi pa siya ang unang magsalita at mangulit rito ay talaga namang wala siyang maaasahan ritong kahit anong response, hanggang sa matapos nalang ang araw nilang dalawang magkasama. Napabuga siya.How shen wanted to roll her eyes at him. Isa iyon sa pinakaiinisan niyang traits ng lalaki. Ngunit aminin man niya sa hindi, ang ugali ring iyon ay nakakadagdag sa appeal nito na siyang nagustuhan niya sa binata. It made him a little mysterious for her. Hmph! Mabuti nalang ay cute ito!
Ngunit nabigla si Serena at hindi inasahan ang sumunod na sinabi ni Adrien sa kanya. After they kissed.
Muli ay gustong matawa nang malakas ni Serena. Si Adrien lang ang tanging lalaking nakilala niyang magtatanong pa tungkol sa bagay na iyon. Sometimes she thought, "was he really for real?". Hindi siya makapaniwalang may ganoon pa palang lalaki. For that, she was liking him even more. Napa-fascinate siya sa ugali nitong iyon. Her sweet Adrien, she sighed. Sinabi na nga ba niya. The moment she saw him again, she knew he was special and she was right. Kaya nga't sinagot agad niya ito at hindi na nagpakipot pa. at pagkatapos noon ay inihatid na siya nito.
BINABASA MO ANG
From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)
General FictionFor true love was all he ever needed.