Chapter Ten-

195 6 0
                                    

Adrien decided to let go of everything he couldn't control. Napagpasyahan niyang walang mangyayari kung mabubuhay parin siya sa sakit na idinulot sa kanya ng nangyari noon. Napagtanto niyang ni minsan ay wala naman iyong naidulot sa kanyang maganda kaya't siya na ang unang gagawa ng paraan upang makawala mula roon.

Dalawang taon siyang nilamon ng kanyang sama ng loob at sa tingin niya ay tama na iyon. Kailangan na niyang mag-move on mula roon nang tuluyan. And this time, he was really going to do that.

Sisimulan niya iyon sa pag-alis sa gusaling iyon kung saan madalas niyang nakikita ang dating kasintahan. Naisip niyang buksan ang puso upang patawarin rin ito at lisan ang lugar kung saan ito malapit pagkat wala na siyang makitang dahilan para ipagpatuloy niya pa ang pagmamasid rito, maging ang galit niya pararito. Wala na siyang gagawing hakbang para makaganti dito, gaya ng kanyang unang plano.

All he wanted nor was to have peace his mind. Hindi niya iyon magagawa kung ipagpapatuloy parin niya ang pagmamasid sa dalaga na parang stalker. All of a sudden, he was just being to retired from all of that. Pagod na pagod na siya at nais niyang tumigil.

Everything that he did was no fun for him. Wala namang nangyari at tila mas lalo pang nadagdagan noon ang agony na kanyang nadarama. Lalo lang siyang napadog at ngayon, nais gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. He was gonna sell his unit now. Wala nang dahilan para manatili pa siya roon.

Siguro dahil narin sa kanyang mga abuelo na madalas siyang dalawin sa kanyang panaginip. Katunayan, kapag napapaginipan niya ang mga ito, palaging dismayado ang mga wangis ng mga ito bagaman wala namang sinasabi sa kanya dahil sa kanyang mga nagawa. Palagi siyang lumuluhang nagigising kapag ganoon.

Hanggang ngayon, malaki parin ang impluwensiya sa kanya ni Lola Pining at Lolo Herminigildo. Matagal nang wala ang mga ito ngunit hindi niya malilimutan ang mga aral na hatid ng mga ito sa buhay niya. Isa iyon sa mga nakapagpabago ng kanyang isipan at bitawan na ang lahat ng bagay na nakasakit sa kanya. Lamang ay nakalimutan niya ang mga aral na iyon at hinayaan ang sariling lamunin ng dipresyon ng nangyari sa kanya.

Sa totoo lang, sa ngayon ay walang kongkretong kapasyahan si Adrien sa kung anong mangyayari pagkatapos niyang umalis roon ngunit magaan ang kanyang pakiramdam sa ideyang iyon: na makakapagsimula ulit siya ng panibago.

Sa ngayon ay humahanap pa ng buyer ang kanyang broker. Sayang. Maganda pa naman ang lugar na nakuha niya para sa sarili, lamang ay ang dahilan ng pagbili niya niyonm ay hindi maganda. Hindi siya ,makakausad sa kanyang buhay kung mananatili siya roon.

ADRIEN just finished boxing the first a few of his things. Hangga't hindi pa nabebenta ang kanyang unit ay minabuti niyang magligpit na ng ilan sa kanyang gamit nang sa gayun ay hindi na siya mahirapan sakaling maisipan niyang humanap na ng ibang lugar na matitirahan.

He went to out to buy more boxes for his things when he happened to pass by the unit across his'. Napahinto siya doon habang nakatingin roon at huminga nang malalim. Hindi niya malaman kung kakatukin ba niya ang pintuan. Kung sakali man, ano naman ang sasabihin niya kung kakausapin niya ngayon si Serena?

Sa huli ay tuluyan siyang tumalikod siya upang pumasok na sa kanyang unit. Kahit nais niyang humingi ng tawad kay Serena sa ganiwa niyang pangingialam niya sa privacy rito, naiisip niyang ayaw na sana niyang malaman pa nito ang ginawa niyang iyon. Labis niyang ikinahihiya iyon.

Nagawa lang naman niya ang bagay na iyon dahil nais niyang mapalapit ulit sa dalaga, aminin man niya sa hindi. Marahil dahil nais magkaroon ng tsansang pamukhaan ito, na isumbat niya rito kung anong pagdurusa ang dinanas nang ipagtabuyan siya nito at pagtawanan ng mga taong nakakakita niyon.

"Adrien?" Tawag sa kanyan ni Serena. Adrien didn't have a choice but to turn around again. Magiging bastos siya kung hindi niya ito papansinin, baka kung ano pa ang isipin nito.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon