Hindi mapigilang hindi matawa ni Adrien dahil sa tuksuhan ng magkakapatid na Wallace. Nasa bahay siya ng mga ito dahil binibisita niya si Aston, ang kanyang bestfriend.
"Shelby, patis!" Sabi pa ni Kuya Bentley na nakakatandang kapatid ni Aston. Lalong natawa si Adrien. Kahit na sa tamang gulang na kasi ang mga ito, tila ay mga bata parin sa pagkukulitan. Napailing si Adrien. Sa tuwing pumupunta siya sa bahay ng mga ito ay doon lang siya nakakatawa ng ganoon. Mga kwela talaga ang mga ito at pawang palaging masasaya. Hindi tulad sa bahay na tinitirahan niya noon.
"O hijo, nandito ka pala." Nagmano si Adrien kay Tito Bart, ang ama ni Aston na kakarating lang mula sa trabaho. Idolo ito ni Adrien si Tito Bart dahil magaling itong inhinyero, bagay na gusto niyang maging noon. Lamang ay naiba lang ang landas na tinahak niya ngayon.
"Binibisita ko lang po si Aston, Tito. Kamusta po?" Pangungumusta niya dito.
"As usual, busy. Alam mo naman. Anyway, ikaw kamusta ka? Balita ko may nililigawan ka na. Aba, nagbibinata ka na yata ah." Nais mapakamot ng ulo niya si Adrien. He was twenty-four years for goodness sake! Kung itrato siya ni Tito Bart ay parang isa siyang munting bata.
Hindi niya alam na itsinismis na pala siya ni Aston sa mga magulang nito gayung ang sabi lang naman niya sa kaibigan ay masaya siya sa pakikipagkita kay Serena. Nais niyang mapailing, iba talaga kapag lumipad na ang balita.
"O hijo, you're here!" Iyon naman ay si Tita Rian, ang asawa ni Tito Bart at ina ni Aston. Kakarating lang din nito mula kung saan. Nagbeso ito sa kanya at nagmano naman siya dito.
"Babe." Bebeso rin sana si Tito Bart kay Tita Rian nang supalpalin nito ang mukha ng asawa. Marahil ay may hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya ganoon. Nais matawa ni Adrien. Kahit na ilang taon niya nang kakilala ang mga ito, hindi parin siya nasasanay sa mga ito. Unti mo pagtatampuhan ay pawang makulit parin ang dating.
"Hijo, mauna na muna ako sayo sa taas ah at medyo nahihilo ako. Ganito talaga ako lately, lalo na kapag nakakakita ng tukmol." Pagpapaalam ni Tita Rian sa kanya sabay baling kay Tito Bart na pinariringgan nito at pagkatapos ay pinanlakihan pa ito ng mata.
Muli ay nais na naman niyang matawa sa mga ito. Ang kukulit kasi ng mga magulang ni Aston. Hinabol pa ni Tito Bart si Tita Rian papaakyat sa itaas at narinig niyang tinawag nitong muli ang pangalan ng asawa ngunit hindi naman nito pinapansin ni Tita Rian. Napailing si Adrien at natatawang naupo na lamang doon upang anatayin ang kanyang kaibigan. Ang sabi ni Aston ay may tinatapos lamang ito sa silid nito kaya't minabuti niyang 'wag na lamang itong akyatin sa kwarto nito at doon na lamang antayin sa baba kasama ang mga kapatid nito na siyang nagkukulitan din.
Tatlumpung minuto pa ang lumipas, sa wakas ay lumabas na rin sa silid niya si Aston. Mabuti nalang ay bihis na ito nang lumabas. Ayon narin ditto, may pupuntahan silang dalawa ngayon.
"If I didn't know, I would actually think that you're addicted to porn now." Tukso ni Adrien sa kaibigan nang sa wakas ay bumaba na ito.
"Fuck you, bro. May tinatapos nga lang ako." Sinuntok siya nito sa braso gaya nang kinaugalian nila simula nang magkakilala silang dalawa. Isa iyon sa naging biruan nila mula noon.
"Mura ka nang mura, kapag narinig ka na naman ni Tito Bart." Paalala niya sa kaibigan.
Sa dami ng bagay na natutunan niya sa pamilya ng kaibigan, iyon na siguro ang rule na kailanman ay hindi niya makakalimutan. Ang pagbabawal ni Tito Bart sa pagmumura sa bahay na iyon. Iyon ang pinaka-absolute sa lahat.
"Saan ba tayo pupunta, ikaw 'tong nagaaya tapos ang tagal mong bumaba. Siguro may ginawa ka na namang kabulastugan diyan sa computer mo ano?" Tudyo niyang muli sa kaibigan. Sanay siya at kumportableng makipagasaran dito.
BINABASA MO ANG
From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)
General FictionFor true love was all he ever needed.