Chapter Thirteen-

246 6 0
                                    

Kung anong kasayahan ang naramdaman ni Adrien nang sa wakas ay nahanap na niya ang perpektong singsing para kay Serena. Mahigit dalawang linggo narin nang magsimula siyang maghanap ng singsing para dito. Ngayon, ang problema na lamang ay kung paano siya magpu-propose at kung tatanggapin ba ng dalaga ang kanyang proposal.

Adrien didn't want his proposal to be too fancy though. Thus, he wanted it to be epic. Nais niyang sa pagpu-propose na kanyang gagawin ay maramdaman ni Serena kung ano talaga ang nararamdaman niya para dito.

Adrien called his girlfriend. Ayon dito ay nasa meeting lang ito at uuwin agad. Sinabihan niyang magmadali ito at doon nalang sila magtagpo sa kanilang condo pagkat may importante siyang sasabihin dito. Agad naman itong um-oo sa kanya at sinabing antayin siya roon pagkat malapit narin matapos ang meeting nito. Nang ibaba ni Adrien ang telepono, halos hindi na niya maitago ang kasabikan na nadarama. Walang kaalam-alam si Serena na aayain na niya itong magpakasal mamaya.

~•~•~•~•~•~

Hindi mapakali si Serena kanina pa. Marahil dahil sa hindi niyan maipaliwanag ang kanyang pagkasabik ngayon. Ang totoo ay nasasabik siyang umuwi pagkat nararamdaman niyang may planong surpresa para sa kanya si Adrien. She wondered what Adrien got for her. Kung ano man iyon ay excited na siyang malaman. Hindi pa man, kilig na kilig na naman siya.

Alam niyang malabong ayain siya nitong magpakasal sa ngayon pagkat may pinagdaraanan parin ito at issue sa pamilya nito. Pero alam niyang hindi magtatagal ay maaayos rin ang lahat ng iyon. Kilala niya si Adrien, malambot ang puso nito. Hindi nito matitiis ng matagal ang lola nito. At isa pa ay ito rin ang unang tumanggi nang siya ang nag-aya rito noon. Kahit pa sabihing sa pabirong paraan lamang niya sinabi iyon dito ay naging seryoso naman ang tugon sa kanya ng binata: na hindi pa iyon ang tamang panahon.

Napabuga si Serena. Batid niyang kung ano man isusurpresa sa kanya ni Adrien ay hindi iyon ang totoong makakapagpasaya sa kanya. Nais lang naman niyang mapakasalanan na siya ng lalaki pagkat pakiramdam niya ay dalawang taon na ang nasayang nilang hindi magkasama. Gusto niyang makabawi rito at pagsilbihan ito bilang may bahay nito. She sighed. A girl could only dream. Kahit man lang sa kanyang imagination ay hinayaan nalang niya ang sariling mag-ilusyon na magpu-propose nga sa kanya ang kanyang boyfriend mamaya.

Humahagikgik siyang magisa sa isiping iyon. Ilusyonada na nga yata talaga siya. Ang sabi lang naman ni Adrien sa kanya kanina ay kakausapin siya nito, na miske ang surpresa na kanyang iniisip ay malaboy. Bakit ba, minsan kailangan niya ring libangin ang kanyang sarili dahil palagi nalang siyang pagod dala ng kanyang trabaho. She owe herself that.

Makalipas ang dalampu't limang minuto ay narating na niya ang kanilang condo. Hindi maipaliwanag ni Serena ngunit tila biglang dinaga ang kanyang dibdib nang marating niya ang mismong tapat ng pintuan ng unit nila.

Bigla ay pawang napangko siya sa kanyang kinatatayuan, hindi niya maikilos ang mga binti para makapasok. She tried controlling her breathing, calming herself before going in. Pinakiramdaman muna niya ang pintuan, she knew that moment, something was waiting for her there. Sa huling beses ay huminga muna ulit siya nang malalim at tsaka siya pumasok.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ngunit tila wala ang surpresang kanyang inaasahan roon bagkos ay lubos na katahimikan ang sumalubong sa kanya. Ang akala ni Serena ay wala nman pala talagang surpresang nag-aantay sa kanya ngunit ang sulat na nakita niya sa side table ng sofa ang bumuhay sa kanyang loob.

Ang sabi sa sulat ay agad siyang tunguin ang rooftop na siya namang ginawa niya. Ngiting-ngiti si Serena at halos takbuhin niya paakyat ang rooftop. Agad niya iyong narating. Naroroon si Adrien at inilaan nito ang kamay nito at agad naman niyang kinuha at magkahawak-kamay na tinungo ang sentro ng buong rooftop.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon