Chapter One-

543 7 0
                                    

It was Adrien's twenty-fourth birthday. Ganoon pa man ay hindi niya magawang magselebra. Paano niya magagawa iyon kung iyon din and death anniversary ng Lola Pining niya. Naiiyak na naman siya sa tuwing maaalala ang lola niya. Ito lamang ang kakampi niya sa lahat simula mamatay ang isposo nitong si Lolo Herminigildo.

He was twenty-one back then when she died. Ang hiling lang niya noon mula sa lola niya ay isang galong ice cream para sa birthday niya. Kahit pa magmukhang isip-bata pa siya para sa iba ay walang pakialam si Adrien. Gustong-gusto lang talaga niyang nagpapa-baby kapag ang abuela na niya ang kausap. Sa tuwing ito kasi ang kausap niya, tila ba walang kahit anong makakatibag ng kanyang self confidence dahil hangang-hanga ito sa kanya at pinagmamalaki pa siya nito sa lahat sa tuwina. Lamang ay bigla ito binawian ng buhay.

Three days before his birthday, he went to his aunt to go to a concert with her. Nakiusap ito kay Adrien upang samahan niya dahil wala itong makakasama. Parang naglalambing narin pagkat minsan lang ito umuwi mula sa ibang bansa. Siyempre pa ay pinagbigyan niya ang tiyahin. Sinamahan nga niya ito sa konsiyerto at doon narin siya naglipas ng isa pang araw sa bahay ng mga ito dahil nagbilin ang tiyahin nito na ayusin niya ang naglolokong laptop nito. Hindi siya nakatanggi pagkat mabait naman ito sa kanya. Isa ang tiyahin niyang iyon sa dahilan kung bakit bumabalik pa siya sa bahay ng pamilya ng kanyang ina. Wala naman kasi itong ipakitang masama sa kanya kahit kailan.

Nang pauwi na siya nang araw na iyon ay nakita rin niya si Lola Nenita. Tila wala itong ekpresyon nang makita siya. Gayun pa man ay nagmano siya dito, maging kay Lolo Edwardo at umalis na. Masayang siyang nagbalik sa bahay ng ama at sabik na nagmano kay Lola Pining. Nagkwento siya rito kung anong nangyari sa konsiyertong pinuntahan. Natutuwa naman ang matandang makita siyang masaya. Ang sabi pa nito ay sana raw ay palagi siyang ngingiti ng ganoon pagkat dati daw ay laging nakabusangot ang pagmumuka niya na parang inapi siya ng mundo. Iyon naman talaga ang nangyari sa paningin ni Adrien ngunit hindi na lamang siya kumibo.

Lola Pining was smiling in a weird way, as Adrien remembered. Tila ba may iniinda na, umaga palang na iyon. Iyon pala ay iyon na ang huling gabing makakasama niya ang lola niya.

Kinabukasan habang nananghalian ay biglang nanikip ang dibdib nito habang nasa hapag silang pamilya. Nahinto ang pagbibiruan nila Adrien at ng mga kapatid niya nang magsimula itong dumaing. Nagsimula nang mataranta ang lahat ay siya naman ay tila natuliro lamang doon at hindi malaman ang gagawin. Para siyang napako sa kanyang kinauupuan.

Agad na dinala ng ama ni Adrien si Lola Pining sa ospital kasama ang isa niyang kapatid at pinsan. Naiwan lamang silang dalawa ng bunso niyang kapatid sa bahay. He thought everything was gonna be fine. Tumawag kasi ang ama niya at stable na raw ang Lola niya nang mga bandang hapon. Maaari narin daw itong makalabas ng ospital bukas o sa makalawa. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon.

Ngunit kinagabihan ay naalimpungatan siya mula sa tuwag ng kanyang ama. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. He knew it before his father even utter the words. Wala na ang Lola Pining niya. Umiling si Adrien. Pakiramdam niya ay mamumugto na naman ang kanyang nga mata sa mga naaalala. Magpahanggang ngayon ay masyadong mabigat iyon para tanggapin niya sa kanyang loob. Sa dami ng panahon, bakit sa araw pa mismo ng birthday niya binawian ng buhay ang lolang mahal na mahal siya? Sa palagay ni Adrien, kailan man ay hindi na muli siya magiging masaya sa kanyang kaarawan.

PAGKATAPOS NA pagkatapos ng misa para sa kanyang Lola Pining kinabukasan ay agad pumunta si Adrien sa mall kung saan usapan nilang magkikita ng kanyang pinsang si Ranell. Ranell was a male model and Adrien went to that to support him. Iyon ang unang pagrampa ng pinsan sa publiko kaya't hindi niya palalampasin ang pagkakataon na iyon. Kung sakaling magkakalat ito roon, naroroon siya upang kunan ang mga pangyayari at ikalat iyon sa iba. Napailing si Adrien, natatawa sa kalokohang iniisip.

From Down Here (Adrien's Love) edited version (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon