Chapter One

47.7K 796 15
                                    

CHAPTER ONE

Jacob

"Dria!" tawag ko sa kanya. Nainis ako ng makita kong may kausap siyang lalaki. Sa tingin ko may gusto ang ugok na iyon kay Dria. Lalaki ako kaya alam ko ang mga tinging pinupukol niya kay Dria na hindi ko gusto. Lumapit ako sa kanila. My forehead creased.

"Puwede ba, Cob, tigilan mo na ako! Halika ka na Toper," hinawakan ni Dria sa kamay ang ugok na lalaki. Nag-init ang mga mata ko sa nakita kong paghawak ni Dria sa lalaki. Walang ibang hahawak sa pagmamay-ari ko na! Ako lang dapat walang ibang lalaki! Hinablot ko ang kamay ni Dria at inilayo sa lalaki.

"You!" Dinuro ko ang lalaki na takot na takot na ngayon. "Umalis ka na dito! Baka bangasan ko 'yang pagmumukha mong pangit! Wawasakin ko 'yan kapag hindi ka pa umalis kang gago ka!" galit na sigaw ko sa lalaki. Takot na takot sa banta ko sa kanya ang lalaki. Bigla itong kumaripas ng takbo. Hinarap ko si Dria na nagpupumiglas sa hawak ko. Nang makawala ito sinampal niya ako. Napabaling ang mukha ko. Pero wala lang sa akin kahit sampalin niya pa ako or sapakin niya pa. Matigas yata mukha ko. Napangisi lang ako sa ginawa niya.

"Cob, please naman leave me alone. Nakakasakit ka na! Nakakasakal na! Wala naman tayong relasyon pero kung bakuran mo ako para tayong may relasyon! Tapos sinasaktan mo pa ang mga taong napapalapit sa akin! Wala naman silang ginagawang masama sa iyo! Sumusobra ka na Cob!" sabi nito. Nagtagis ang bagang ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. Pilit namang inaalis ni Dria iyon. Subalit mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"I told you don't you ever talk to anyone else especially men! You violated my command!" galit na galit ako sa mga lalaking napapalapit at umaaligid kay Dria. Gustong gusto kong durugin ang mga mukha nila. Kailangan ko sigurong higpitan pa ang pagbabantay sa kanya. Kung kailangan kumuha ako ng magbabantay kapag wala ako. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dria. Matalim niya akong tiningnan.

"Bitiwan mo muna ang braso ko. Hindi naman ako tatakbo." Pakiusap niya. Binitawan ko ang kamay niya. Naglakad ito palayo sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong ko. Napalingon ito sa akin.

"Uuwi na ano pa ba!" sigaw nito sa akin. Namumula na ang maganda nitong mukha dahil sa sobrang inis sa akin. Kapag ganoon nasisiyahan akong nakikita siyang naiinis.

"Ihahatid na kita pero daan muna tayo sa bahay. Doon ka na lang kumain. Hinahanap ka ni Mama." sabi ko. Wala na itong nagawa. Ako naman ang nasusunod sa amin. Habang naglalakad hawak ko ang kamay niya. Nakasimangot na ang mukha niya ng marating namin ang bahay.

"Mama! Naka-ready na ba ang food?" sigaw ko kay Mama. Sumulpot ito sa sala galing ng kusina.

"O, dumating na pala kayo. Halina kayo nakahain na. 'Buti naman kasama mo itong si Dria."Hinila ni Mama si Dria papuntang komedor. Inasikaso ni Mama si Dria. Natutuwa naman ako dahil parang anak na ang turing ni Mama kay Dria. Wala kasing anak na babae sila ni Daddy. Nag-iisa lang akong anak kaya sabik siya na magkababae.

"Thank you, Tita!" nakangiting sabi ni Dria. Natutuwa ako dahil maganang kumain si Dria sa kabila ng pagkainis niya sa akin. Wala naman akong pakialam kung maasar siya sa ginagawa ko sa kanya. She is my everything. Pinapangako kong siya lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon