Chapter 3

25.7K 596 12
                                    

Adrianna

"Dria!"

Narinig ko ang galit na boses ni Jacob. Pangalan ko palang iyon alam mong inis na siya.

Napalingon ako,kita ko ang pagsulubong ng kanyang mga kilay. Ang kanyang mga labi ay nag-isang linya dahil sa inis. Ganoon kasi kapag galit na si Jacob.

Malalim akong nagbuntong-hininga bago ko siya lapitan. Nang makalapit ako sa kinatatayuan niya ay agad niyang hinablot ang isa kong braso.

"C-cob nasasaktan ako." Napangiwi ako sa sakit.

Sinubukan kong hilahin ang braso ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya. Feeling ko gusto niyang pigain ang braso ko.

"What is this?" Tanong niya at ipinakita ang sobre na hawak niya. He suddenly released me dahil sa sobrang lakas ng pagkakabitaw niya sa akin ay napaupo ako sa semento.

Itinapon niya sa harapan ko ang larawan. Napapikit pa ako nang tumama sa mukha ko ang ilang picture. Ilang saglit pa ay nagmulat ako ng mga mata. Napatitig ako sa mga larawang nagkalat na nasa harapan ko.

Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang isang larawan na malapit sa aking harapan.

Gulat ang naging reaksyon ko sa nakita sa larawan. May lalaki akong kasama na tila naghahalikan kami. Naalala ko ang lalaking kausap ko. Siya 'yung nagtanong sa akin kunh saan ba makikita ang address na hinahanap niya.

Ang galing naman nag-edit kung sino man iyon. Kung titingnan kasi para kaming naghahalikan.

Hindi totoo ang mga ito. It's a fake! I can't do that!

"H-Hindi totoo ang nasa larawan. Nagtatanong lang sa akin ang lalaki. Paanong naghahalikan kami diyan? Believe me, Jacob, you know me, I can't do that." Paliwanag ko.
Nangilid ang mga luha ko.

Bakit naniniwala siya sa mga larawang na puwedeng i-edit. Alam niyang hindi ko magagawa ang nasa larawan. Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan?

He clenched his jaw and stared at me as if he wanted to swallow me whole. I stood up and approached him. But he removed my hand holding his arm. Nagulat ako sa ginawa niya. So naniniwala siya sa larawang in-edit lang.

"Cob, hindi ko gagawin sa 'yo 'yan Nagtanong lang ang lalaki sa akin. Walang halikan na naganap. Saan ba galing ang mga larawan na iyan?" Pagtanggi ko sa paratang niya.

I winced as he hold my jaw. His eyes were burning with anger.

"Walang ibang makakahawak sa iyo kung hindi ako lang! Magmula sa araw na ito hindi ka na puwedeng lumabas na hindi mo ako kasama! Do you understand?" Kahit masama ang loob ko sa pagbibintang niya sa akin tumango ako.

Binitawan niya ako saka tumalikod  at iniwan niya ako. My eyes watered while looking at him leaving. I caressed my jaw and I wiped my tears from my cheeks.

Nang mapatingin ako sa may bandang canteen nakita ko ang grupo ni Haley na nagtatawanan habang nakatingin sa akin.

Alam ko na kung sino  ay may kagagawan nito. Walang iba kundi si Haley. Bakit niya ginagawa sa akin ito?

Pinagpagpag ko ang palda ko na nadumihan.

Nagpasya akong hindi na muna pumasok sa huling subject dahil sobrang sama ng loob ko sa ginawa sa akin ni Jacob. He's unbelievable mas naniniwala pa siya sa larawan na pawang kasinungalingan lamang.

He believes in me before, but this time he believes in lies.

Kahit sobrang sama ng loob ko pinilit kong maging maayos nang nakauwi ng bahay. Ayokong magtaning si  Mama sa hitsura ko.

"Oh, anak, bakit maaga ka yata umuwi ngayon?" Tanong ni Mama nang makauwi ako sa bahay. Lumapit ako para hagkan ang kanyang pisngi.

"Masama po ang pakiramdam ko, Ma. Kaya nagpasya na lang akong umuwi at hindi na pumasok sa last subject ko.  Magpapahinga lang muna ako, Ma."

"Ganoon ba? Mas maigi nga na umuwi ka na lang. Sige magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita mamaya kapag kakain na. Gusto mo bang uminom ng gamot? Ano bang masakit sa iyo?" Napayakap ako sa kanya. Masakit ang puso ko. Gusto ko sanang sabihin pero nahihiya ako. Ayokong idamay pa si Mama sa gusot namin ni Jacob.

"Para po kasi akong nanghihina, siguro dahil marami kaming activity nitong nakaraang araw. Ipapahinga ko lang po ito, Ma. Baka mamaya maayos na pakiramdam ko." Sabi ko na lang. Ayokong nag-aalala si Mama sa akin.

"Sige." Sabi ni Mama. Kumawala ako sa pagkakayakap at pumasok na ako sa silid ko. Inalis ko lang ang sapatos at humiga na.

Sobrang sama ng loob ko kay Jacob. Sinaktan niya ako dahil lang sa walang katotohanang larawan. Tumunog ang cell phone ko. Tiningnan  ko kung sino ang tumatawag.

Jacob.

Hinayaan ko lang na mag-ring. Wala akong ganang kausapin siya.

Sobrang sama ng loob ko sa ginawa niya. Hinusgahan na niya ako ng walang katotohanan. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Dahil sa sama ng loob nakatulugan ko na ang pag-iyak ng tahimik.

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Mukha ni Jacob ang bumungad sa inaantok ko pang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. tinalikuran ko siya. Masama ang loob ko sa kanya.

" Kanina pa ako tumatawag sa phone mo, hindi mo sinasagot. Hinintay kita sa isang subject natin pero hindi ka pumasok. Tinawagan ko si Tita sinabi niyang umuwi ka ng maaga dahil masama ang pakiramdam mo."  nangilid na naman ang mga luha ko. Hindi ko makalimutan ang ginawa niyang pananakit sa akin kanina.

"Okay na ako puwede ka ng umuwi" Sabi ko. Napatayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

Kumunot ang noo nito at parang naiinis sa inasal ko.

"I came here because I was worried about you. Then ipagtatabuyan mo lang ako? You're unbelievable!" nainis ako sa sinabi niya. Ako pa talaga ang unbelievable?

"Hindi ko sinabing puntahan mo ako. Please leave. Ayoko munang makipag-usap sa iyo," may diin ang bawat salita ko. Naiinis ako sa kanya dahil parang ako pa ang may mali sa aming dalawa. Matagal niya akong tinitigan bago lumabas ng silid ko. Napaupo na lamang ako sa kama habang lumuluha. He is so unfair. Hindi man lang nag-sorry sa ginawa niya sa akin.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon