Chapter 28

24.1K 567 27
                                    

Jacob

NASA silid kami ngayon kasama namin ang kambal kaya hindi ako maka-diskarte sa asawa ko. Ang higpit magbantay ng dalawa sa kanilang ina daig pa ang guwardiya civil sa Munti.

Ang sama pa ng tingin nila sa akin kapag lumalapit ako sa ina nila. Bawat galaw ko nakatingin na sila para bang may pagbabanta. Grabe ang genes ko naging triple. Mas masahol pa sa'kin.

"Sweetheart ,patulugin mo na sila lalabas lang muna ako't magpapahangin,"  paalam ko sa asawa ko. Mamaya na lang aataki kapag tulog na ang dalawang bantay.

"Padededihin ko pa itong dalawa." 

Gumapang si Jack papunta sa ina nito at sumubsob sa dibdib. Inilabas ni Dria ang isa nitong dibdib. Nagpapadede pala si Dria sa dibdib nito. Habang ang isa abala sa pagkalikot sa laruan, nakanguso pa habang binabaklas ang kotseng laruan. Wala na itong gulong gusto niya yatang wasakin.

Tinawagan ko sa facetime ang pinsan kong si Alexandro. Umaga na sa Pilipinas sigurado nasa opisina na ang pinsan. Lumabas sa screen ko ang mukha ni Alexandro ang lalaking walang pahinga ariba ng ariba.

"Napatawag ka kumusta naman?" sabi nito habang may binabasang papeles na nasa lamesa nito.

"Ayos naman kaso may problema?" napakamot ako sa ulo ko.

"Anong problema?" napahinto sa pagsusulat si Alexandro. Napatitig siya sa akin.

"Hindi ako makaporma sa asawa ko. Bantay sarado ng dalawang guwardiya civil," sabi ko.

Tumawa si Alexandro sa kabilang linya. "Tangina!  Ayos ang mga anak mo, ah? Manang-manang sa iyo! Patulugin mo muna bago ka umariba," suhestiyon nito. 

Iyon naman ang balak ko. 

Nagpaalam na rin ang pinsan ko dahil lalabas ng presinto. Bumalik na ako sa loob ng silid namin. Nagulat ako dahil hindi pa tulog ang dalawa, pero ang asawa ko ay nakatulog na. 

"Why are you still awake?" tanong ko sa dalawa. Napatingin sila sa akin.

Umupo ako sa tabi ng kambal. Gumapang si Jack papunta sa kandungan ko.

"Dyaji," sumubsob ito sa dibdib ko.

Hinaplos ko ang manipis niyang buhok saka ko hinalikan ko ang kanyang ulo. 

"I love you, baby," sabi ko kay Jack. Napabaling ang tingin ko kay Coby. Lumabi ito na parang iiyak. Mukhang nagseselos yata ang isa. Mana talaga sa'kin.

"Come here, baby," tinawag ko si Coby. Gumapang rin ito pumunta sa kandungan ko. Pareho ko silang niyakap.

"Sleep na kayo mga anak matutulog na si Daddy." Sabi ko sa dalawa. 

Pinahiga ko na sila sa gitna namin ni Dria. Binigyan ko sila ng tig isang bote ng gatas upang pampatulog nila. Habang dumedede ang dalawa tinatapik ko naman ang puwet nilang dalawa.

Habang nakahiga nakatunghay lang ako sa kanya.

Nakapanghihinayang ang  panahon na hindi ko sila nakasama. Kung hindi lang dahil sa ginawa ni Haley sana hindi kami nagkalayo ng mag-iina ko. Babawiin ko ang mga panahong hindi ko sila nakasama.

Hinagkan ko ang mga pisngi nila nang makatulog na ang dalawa. 

Nagpasya muna akong 'di matulog, tatawagan ko ang pinsan kong si Alexandro. Aalamin ko ang tungkol sa kaso na inihain namin kay Haley. Kailangang mahuli na ang babaeng iyon. Malaki na ang kasalanan niya sa mag-ina ko lalo na sa akin. Dalawang beses na niya akong ginago.

Nag-ring ang phone ng pinsan ko.

"Bro!" bati nito.

"Kumusta na pala ang kaso? Nakalimutan kong itanong sa iyo kanina," 

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon