Chapter 23

23.9K 592 54
                                    

Adrianna

HABANG binabagtas namin ni Mike ang kahabaan ng Alabang road napansin kong may sumusunod sa aming isang van na kulay itim. Pinagsawalang bahala ko lang dahil baka naman iisa lang ang way namin kaya nakasunod hanggang ngayon.






"Mike, napansin mo ba ang van na itim? Kanina pa nakasunod sa atin." Napasulyap si Mike sa rearview mirror.






"Oo, kanina ko pa nga napapansin. Dria, hold on," sabi ni Mike.






Iniliko ni Mike sa kabilang side ng highway. Umiba kami ng daan. Nagshort cut kami patungo sa bahay namin. 







"Mike, mukhang sumusunod talaga sa atin." Nagsimula na akong kabahan. Nag-vibrate ang cell phone ko. 







Tumatawag si Jacob. Sinagot ko ang tawag niya. "Sweetheart, nasaan ka na? Kanina pa nagtatanong ang anak natin." tanong nito sa akin.







"Pasensya na Cob, dumaan pa kasi kami ng mall. May binili kasi kami. Malapit na sa.." naputol ang sinasabi ko ng may nabasag, bandang likuran ng kotse ni Mike. Napatili ako ng makarinig kami ng putok ng baril. Napayuko ako. Narinig kong tinatawag ako ni Jacob.






"Sweetheart!" sigaw nito sa kabilang linya.






Hindi namin namalayan ni Mike na nasa likod na namin ang van na itim. Binangga niya ang likod ng kotse kaya nagpagewang-gewang kami. Nataranta si Mike sa pagda-drive nang paputukan muli ang sasakyan namin.  Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mababangga kami sa isang malaking puno.





BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon