Chapter 8

25.4K 676 74
                                    

7 Years Later...

Adrianna

"Tita, I'll be fine. I'm old enough to look after myself." Sabi ko sa Tita ko. Nandito na kami sa Pilipinas. Umuwi na ako dahil tumatanda na si Mama. Ayokong mag-stay pa kami doon. Mas prepare kong tumira sa sarili kong bayan. Gusto kong dito gamitin ang pinag-aralan ko.

Nag-aral ako ng Nursing at nakapasa ng board exam. Mas pinili kong maglingkod dito sa sarili kong bayan kaysa sa ibang bansa kahit malaki ang sahod. Nakahanap ako ng trabaho sa tulong ng kaibigan kong si Mike na ngayon ay isa ng ganap na Doktor. Hindi inaasahang magkita kami sa isang mall. 

Ang laki ng ipinagbago ng kaibigan ko. Naging matured at still single pa rin. Ayon sa kanya wala kasi siyang oras sa pakikipag-date dahil sa pag-aaral ng Doctor. Hanggang ngayon kahit ganap na siyang doctor ay may kinukuha pa siyang ilang units para sa master's degree niya sa pagdo-doktor. Aabutin pa siya ng ilang taon sa pag-aaral. Isa siyang surgeon sa isang pribadong hospital. Minsan nagpa-part time siya sa Philippine General Hospital. Kung saan ako nagwo-work.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Naging magkaibigan kami. Alam niyang lahat ng nangyari sa akin. Hindi na daw niya ako nakita noong graduation dahil sinadya kong hindi na um-attend. Kaya nanghinayang siya na sana daw natanong niya ang address ko. Nagising ako sa malalim kong iniisip ng magsalita si Mama.

"Malayo ang pupuntahan niyong medical mission, anak. Balita ko maraming rebelde doon," nag-aalalang sabi ni Mama sa akin. 

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Ma, may mga kasama po kaming mga sundalo. Sila po ang magiging security habang naroon kami. Magiging safe po kami," pagpapanatag ko kila Mama at Tita. Ipinagpatuloy kong muli ang pag-aayos ng mga damit na dadalhin ko.

"Adrianna, Mindanao ang pupuntahan niyo hindi naman dito lang sa Maynila. Alam mo naman may lugar doon na nagkakagulo. Sana hindi ka na lang nag-volunteer na sumama, anak at baka mapunta pa kayo sa magulong lugar," huminto ako sa pag-aayos ko ng gamit. 

Lumapit ako kay Mama at yumakap sa kanya. " Mama, hindi naman kami pupunta sa mismong lugar na nagkakabarilan. Sa may city po kami pupunta," paniniguro ko sa kaniya.

"Ano pa ba magagawa ko? Basta ingatan mo sarili mo doon. Kapag hindi mo na kaya, tumawag ka lang at kami mismo ang susundo sa iyo," tumango ako.

Inilabas ko na ang maleta dahil maaga kaming aalis bukas para sa flight namin sa Zamboanga City. Lumabas muna ako sa silid upang magtimpla ng gatas. Nag-open ako ng FB ko. Gumawa ulit ako pero limitado lang ang nilalagay kong picture. All about sa work lang naman ang nilalagay ko doon. Nagulat ako ng may nag-add sa aking Isaac Dela Costa. Biglang tumahip ng mabilis ang dibdib ko. Kaano-ano ni Jacob ito? Nagdadalawang-isip ako kung i-oopen ko. I choose to ignore it. Even after seven years, his effects on me hasn't changed. Painful and terrifying.

Bakit naman katatakutan ang ganoong klaseng lalaki? Dapat sa mga kagaya niya ay  ibinabaon sa limot. But all I'm doing is deceiving myself. Despite what he'd done to me, I still have feelings for him.

"Mommy?" napalingon ako sa pintuan ng kusina. 

Nakatayo sa tabi ng pintuan si Drianne pupungas pungas. Tumayo ako sa upuan para lapitan ang anak . Lumuhod ako para magpantay kami. 

She's 6 years old. Siya ang naging dahilan ko para ipagpatuloy ang buhay. Noong time na pumunta ako sa US nalaman kong buntis ako. Sobrang down ako noon dahil napakabata ko pa na maging isang ina. Pero sa tulong ni Tita Lota nalagpasan ko ang lahat ng iyon. 'Buti na lamang hindi nagalit si Mama sa akin ng nalaman niya ang situation ko. 'Buti na lamang napakiusapan ko siyang huwag sabihin kay Jacob ang kalagayan ko. Mag-isa kong itinaguyod ang anak ko. Ilang buwan pagkatapos kong manganak ay nag-aral ako ng Nursing. Nag-part time ako para matustusan ang pangangailangan ng anak ko at ng pag-aaral ko.

Hinaplos ko ang pisngi nitong namumula. Paano ko nga ba hindi makakalimutan si Jacob kung may isang taong nagpapaalala sa kanya? Ang anak ko.

"Baby, bakit bumangon ka? " I kiss her forehead.

"Mommy, are you going somewhere?" tanong niya sa akin. Napabuntonghininga ako. Nakita niya ang maleta kong nasa labas ng pintuan.

"May pupuntahan si Mommy about sa work, anak. Promise uuwi kaagad si Mommy. Tatawagan kita palagi, okay?" yumakap siya sa akin.  Mami-miss ko ang anak ko. Ngayon lang mangyayari na mawawalay ng ganoong katagal panahon. Binuhat ko siya at bumalik muli sa silid namin. Pinatulog ko muli dahil mukhang inaantok pa siya. Naalimpungatan lang siguro dahil hindi niya ako nakita sa kama namin.

Jacob

KINAUSAP ako ni General para sa medical mission na gagawin namin. May mga kasama kaming Non-Governmental Organization na mga doctor at mga Nurses. Ilang buwan din na ang pag-stay namin dito sa Mindanao. Nagkaroon ng paglusob ang mga Abu Sayaf sa bandang Jolo kaya kailangan ng karagdagang militar sa lugar. Nag-vibrate ang phone ko. Napabuntonghininga ako dahil tumatawag na naman si Haley. Ano ba ang kailangan ng babaeng ito?

"What do you want?" may inis sa tono ng boses ko. 

"I'm just checking you if you're okay." Sabi nito. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano ba kami at parang asawa ang role niya sa klase ng pagtatanong niya sa akin.

"Who are you to ask me if I am okay? You're not my wife nor my girlfriend." Sarcastic na sabi ko.

"Babe, I am your friend. I'm just concern with you. May pinagsamahan rin naman tayo. Remember.." kapal din ng mukha na sabihin niya iyon. Matagal na iyong nangyari bakit nag-eexpect pa siya na gagawin ko pa sa kanya. Parang gusto kong sakalin ang leeg nito at itapon sa kuta ng abu sayaf!

"Kung wala ka ng matinong sasabihin. I'm busy! Bye!" I ended up the call and then I blocked her number. Bitch!  Siya ang dahilan kung bakit nawala si Dria sa buhay ko. Bakit ko nga ba pinagkatiwalaan si Haley? Mukhang kailangan ko nang magpalit ng number dahil palagi na lang niya ako tinatawagan sa ibang number. Nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Isaac.

"What the fuck, Isaac! Ano na naman kailangan mong gago ka!" Inis na sagot ko. Tumawa sa kabilang linya ang pinsan kong walanghiya.

"I will end this fucking call kung wala kang matinong sasabihin. Tarantado!" Mura ko sa kanya. Mukha akong hindi kagalang-galang sa mga lumalabas sa bibig ko. Nakakainis naman kasi itong pinsan ko. Abnormal. Kagaya ng ibang pinsan ko, matataas ang rannggo pero kung umasta mga isip bata.

"Easy ka lang! Masyado kang HB!" ano'ng HB?

"I found her dude! Well, sa Facebook I add her pero hindi niya in-accept. Nakita niya sigurong Dela Costa kaya natakot. Dude, mas lalong gumanda si Dria ngayon. Super sexy. Gusto ko ngang ligawan kasi single pa ang status niya." Parang gusto kong pag-untugin itong si Isaac at Haley parehong pinapainit ang ulo ko. Nagtiim bagang ako. She'll return to me. It doesn't matter whether she likes it or not. Napangisi ako.

Dria, you'll be mine again.

Copyrigh©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon