Chapter 4

24.9K 573 7
                                    

Jacob

DAHIL sa sama ng loob nagpasya akong magpakalasing. Pumunta ako sa isang kaibigan.

"Hey, man! Ano'ng atin bakit ka napasugod dito? Mukha yatang mainit ang ulo natin, ah." Sinamaan ko siya ng tingin. He knows me kapag naiinis kaya kong bangasan ang pagmumukha niya. Napataas ito ng dalawang kamay tanda na siya'y sumusuko.

"I need to drink." Inilabas nito ang mamahaling alak galing pa ng Italy. Tumaas ang sulok ng mga labi ko. Halos maubos namin ang isang bote at lasing na lasing na kaming dalawa ng kaibigan ko. Nagpasya na akong umuwi. 

Nang nasa highway na ako nagpasya akong matulog kila Dria. Malayo-layo pa ang bahay namin. Blurry na rin ang tingin ko sa kalsada at baka mabangga pa ako. 

"Cob, anong ginagawa mo dito? Malalim na ang gabi. Nakainom ka ba?" Bungad ni Dria nang pagbuksan niya ako ng gate nila. Namumungay ang mga mata kong napatingin sa kanya.  

"Hi, sweetheart ko." Bati ko sa kanya at inakbayan ko siya. Akmang hahalikan ko siya ng ilayo niya ang kanyang mukha sa akin. Ang sama ng mukha niya. Napahawak ako sa may gate nila nang makaramdam ng pagkahilo. Feeling ko masusuka ako. 

"Go home, Cob, lasing ka."  Pagpapauwi nito sa akin. Instead na pakinggan siya ay naglakad ako papasok ng kanilang bakuran at diretsong pumasok sa pintong bukas. 

Habang naglalakad muntik na akong matumba kung hindi maagap si Dria. Inalalayan niya ako. Umakbay ako sa balikat niya. 

"I want to stay here with you, sweetheart. I miss you." Ani ko. 

"Cob, umuwi ka na. Baka nag-aalala na si Tita sa iyo. Look at yourself you're so wasted. "Pagtataboy nito sa akin. Lumayo ako sa kanya at galit na hinarap siya. 

"I won't go home! That is final!" Hinawi ko siya at pumasok sa loob ng bahay nila. Wala na itong nagawa para pigilan ako.

Tuloy-tuloy akong pumasok sa silid ni Dria. I want to sleep. Inalis ko ang sapatos at hinagis sa kung saan. Nahiga at hindi na hinintay si Dria.

Adrianna 

HABANG nakatitig sa natutulog na si Jacob ay nakapamaywang ako. Napatingin ako sa damit nitong nakakalat sa sahig na basta na lang niyang inalis at tinapon sa sahig. Napailing na lamang ako.

Inayos ko ang pagkakahiga ni Jacob dahil parang mahuhulog na. Kahit may inis akong nararamdaman sa kanya na-miss ko ang presensya niya.  Ilang araw rin hindi ako nagpakita sa kanya at hindi ko kinausap. Nang maiayos ang pagkakahiga niya ay tumabi ako sa tabi niya.  Although amoy alak siya ay hindi ko na lang pinansin. Iniyakap ko sa baywang niya ang isa kong braso at saka ko siya hinagkan sa noo. Ipinikit ko na ang mga mata upang matulog na.

Nagising ako, may naramdaman humahalik sa noo ko. Bumungad sa akin ang bagong paligong si Jacob. Nakangiti at mataman nakatingin sa akin.

"Anong oras na?" una kong tanong sa kanya. Nagkusot ako ng mata at bumangon. Inayos ko ang buhok kong magulo.

"It's 6:00 am sweetheart. Nagluto na ako ng breakfast mo. Tinulungan ako ni Tita." nakangiti nitong sabi.

Botong boto sa kanya si Mommy. Kahit dito natutulog sa kuwarto ko ay malaki ang tiwala niya sa kanya.

"Ano naman ang niluto mo? Itlog?" natawa ako dahil iyon naman ang lagi niyang pinagmamalaki sa akin kapag pinagluluto niya ako ng almusal.

"No. I cooked egg with tomatoes and also I cooked bacon and hotdog. Nag-level up na ako sweetheart. I can cook many now," pagmamalaki niya sa akin. Napangiti ako. Na-appreciate ko ang pagiging maalaga sa akin ni Jacob. Huwag mo lang siyang lalabagin dahil ibang Jacob ang makikilala mo.

Niyakap ko siya at siniil ng halik sa labi.

****

"Hi." Bati ng isang matangkad na lalaki mas matangkad lamang si Jacob ng ilang inches. Familiar ang mukha niya parang nakita ki na siya. Nakasuot ng Jersey uniform.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nangunot ang noo ko nang mapansin kong sumasabay ang lalaki sa akin.

"Gusto ko sana malaman ang name mo, Miss." Pamimilit nito.

Hindi ako kumibo. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Please, I just want to know your name." Pagmamakaawa nito. Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko. Bigla kong inalis. Nag-aalala akong baka makita kami ni Jacob at mag-isip na naman ng masama.

Napabuntong-hininga ako. Ang kulit ng lalaking ito.

"Adrianna." sabi ko " I have to go." Nagmadali na akong naglakad para makalayo na sa lalaki.

"Salamat Ianna! By the way I'm Mike!" sigaw nito ng makalayo na ako. Napailing ako sa tinawag niya sa akin. Kung si Jacob Dria siya naman Ianna. Napangiti ako.

Nangunot ang noo ko nang makita ko si Jacob na kausap si Haley Araneta. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Parang close na yata ang dalawa. Samantalang dati sinusungitan niya ito.

Napahinto ako sa pagpasok sa room namin. Nagtago ako sa pader at sinilip kung anong ginagawa nila. Parang gusto kong bawiin ang tingin Nanlaki ang mata ko ng hawakan ni Haley ang panga ni Jacob at hinalikan niya ito sa labi. Ang masakit doon tumugon si Jacob.

Tumalikod na ako dahil hindi ko na kayang saksihan ang ginagawa nila. Napatakip ako sa bibig impit na napaiyak. Nagtatakbo ako.

Halos manlabo ang paningin dahil sa luha. Biglang may nabangga akong tao.

" Oh sorry Miss.." bumagsak ako sa semento.

Inalalayan ako ng taong nakabangga sa akin.

" Ianna?" napatingala ako. Si Mike pala ito.

" Salamat" akmang tatalikod na ako ng hawakan niya ang braso ko.

" Why are you crying?" Tanong na aniya.

May dinukot sa pantalon at ibinigay sa akin-his handkerchief. Kinuha ko iyon at pinahid sa pisngi ko.

Hindi ako kumibo.

" Ihahatid na kita, I think you're not okay" sabi nito.

Magtitiwala ba ako sa kanya? Baka magalit sa akin si Jacob.

Bakit ko iniisip kung ano iisipan niya. Siya itong may ginagawang milagro.

Sa huli pumayag ako sa alok niya.

Pagkasakay ng sasakyan ni Mike napatingin ako sa bintana.  Nakita ko si Jacob nakatitig at tila ba galit na galit.

Iniwas ko nag tingin ko sa kanya. Bakit ako matatakot? Wala akong ginagawang masama. Sino ba siya para imanipula ang buhay ko. Walang ibang mag-uutos kung ano ang gusto kong gawin. 

Kailangan ko ng tapusin ang namamagitan sa amin. Ayoko na nasasakal na ako sa uri ng pagmamahal niya sa akin. Hindi na healthy.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon