Chapter 26

23.7K 650 67
                                    

Jacob

HALOS gumuho ang mundo ko nang makita ang gamit na nakuha sa bangkay ng dalawang tao. Hindi nila ako maawat ng magwala ako sa morge. Halos sumabog ang puso ko sa sakit.


Hindi ako makapaniwala ang mag-ina ko ang dalawang bangkay na iyon.


Magbabayad kung sino man ang taong gumawa nito. Kulang pa ang buhay nila sa ginawa sa asawa at mga anak ko.


"Anak," Ani Mommy. Napayakap na lang ako kay Mommy habang humahagulgol.



"Mommy, wala na sila iniwan na nila ako," hinaplos n'ya ang likod ko. Napakasakit na wala na sila at hindi ko na sila makikita pa.



2 years later

Nakatitig lang ako sa puntod ng mag-ina ko. Sa dalawang taon walang palya ang pagdalaw ko sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-moved on sa nangyari sa kanilang pagkawala.


"Sweetheart, I really miss you so much." Hinaplos ko ang ibabaw ng lapida ng mag-ina ko. Bumalong masagang luha ko sa mga mata. Napakahirap tanggapin wala na sila.



Pinahid ko ang luha ko at tumayo.



"I will be back tomorrow, sweetheart." Ani ko.


Nag-ring ang cell phone ko. Dinukot ko sa bulsa ng pantalon ko.



Alexandro calling...



"Bro, I need you to come here in my office. ASAP!" Magsasalita pa sana ako nang ibaba na nito ang tawag.



Ano kayang importanteng sasabihin n'ya?



Sinulyapan kong muli ang puntod ng mag-ina ko bago umalis.





"Tumawag ang doktor ni Mike. He's awake now," sabi nito. Nabuhayan ako ng loob ng marinig ang magandang balita. Siya lang ang makakapagsabi sa nangyari.kung sino ang may gawa sa pagkamatay ng mag-ina ko.


Dalawang taong coma si Mike. Muntik na ngang mawala si Mike nang may nagtangkang alisin ang oxygen nito, 'buti na lang may nakapasok na Nurse at nakitang nakaalis ang oxygen nito.



"Puntahan na natin hindi dapat tayo nag-aaksaya ng panahon. We need to know who killed them," sabi ko.



Habang nasa sasakyan hindi ko maiwasang isipin ang alaala ng mag-ina ko. Palagi kong sinisisi ang sarili ko na sana hindi ako umalis noong mga panahon na iyo . Hindi sana mangyayari ang pagkamatay nila. Sana buhay pa sila hanggang ngayon.



"Bro, magiging maayos rin ang lahat, magkakaroon na nang hustiya ang pagkamatay ng mag-iina mo," tinapik n'ya ang balikat ko.


Narating namin ang ospital dumiretso kaagad kami sa silid ni Mike. Sinaluduhan ang pinsan ko ng mga pulis na nakabantay.



Huminga muna ako ng malalim bago kami pumasok sa loob. Nakaupo si Doctor Mike habang nakasandal sa headboard. Pinapakain s'ya nang isang may edad na babae.




"Good morning po sa inyo," bati ni Alexandro sa kanila. Napatingin sa gawi namin si Mike. Ngumiti ito sa akin, tango naman ang tinugon ko.



"Can we talk to you Mike?" tanong ni Alexandro. Tumango ito.



Umalis ang may edad na babae upang makapag-usap kami. Umupo si Alexandro sa inupuan ng matandang babae. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa gilid at nakahalukipkip.



BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon