Chapter 2

32.9K 644 13
                                    

Senior high na kami ni Jacob. We're officially in a relationship. Kahit naiinis ako sa ugali niya na sobrang seloso at sobrang higpit minahal ko naman siya. I love his flaws. Minahal ko kung ano ang kahinaan nito. Wala naman perpektong tao, lahat may mga nagagawang mali. Ang mahalaga ako lang ang babaeng minamahal niya bukod kay Tita Marian.

"Hi, sweetheart" napalingon ako. Napangiti ako ng makita ko ang boyfriend kong si Jacob. Lumapit ito at hinapit niya ako para gawaran ng halik sa lips ko.

Napaurong ako at nalukot ang ilong ko ng maaamoy ko siya.

Amoy pawis.

"Pasensya na sweetheart nag-practice kasi kami sa karate. Alam mo naman next month na ang competition I need to win para naman maipagmalaki mo ang pogi mong asawa" binelatan ko siya.

"Asawa ka diyan! Ang lantod mo Cob! Baka may makarinig sabihin pang ang laswa natin" napanguso ako. Baka kasi mapaaway na naman ako. May mga babae kasing inaaway ako sa school. Kung ano-ano ang sinasabi sa akin. Kesyo daw wasak na daw ako, wala na daw akong puri at kung ano-ano pa. Malaswa daw ako nakikipaghalikan daw ako in public. Kahit naman ganoon, hindi ko pa sinusuko ang bataan. Iginagalang pa rin naman ako ni Jacob. Hindi pa kami nakararating sa ganoong senaryo. Kaya ang mga taong mapanghusga baka sila ang gumagawa na ng ganoon sa sarili nila. Kaya lang minsan nauubos na ang pasensya ko kaya pinapatulan ko na.

"Oo naman proud pa rin naman ako sa iyo kahit matalo ka. Ikaw ang champion para sa akin." yumakap ako sa kanya kahit pawisan na siya.

*****

NAPADAAN ako sa mga nag-uumpukang mga estudyante sa may harapan ng canteen. Wala akong naging malapit na kaibigan dito sa school dahil na din kay Jacob. Bantay sarado ako sa lahat ng lumalapit sa akin. Pinagbawalan niya akong magkaroon ng kaibigan, kahit babae pa iyon, ayaw niya din na may kasama ako. Kung may magtatangka man na lapitan ako para makipagkaibigan sinisinghalan na niya kaagad. Kaya mag-isa lang ako palagi, wala akong pamimiliang tao na puwedeng kasama kung hindi si Jacob lang.

Narinig ko ang isang estudyante na nagsabi na

"Guys nandiyan na siya" kahit pabulong lang iyon narinig ko naman.

"Oh, nandito na pala ang malantod ng taon." humalukipkip pa siya sa harapan ko. Siya ang numero unong nambubully sa akin. Siya si Haley Araneta. Anak siya ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas.

Hindi ko naman sila pinapakialaman pero kung maka bully sa akin wagas. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kanyang masama. Ganoon na lamang niya ako ihamak at ipahiya sa mga tao. Siguro may gusto siya kay Jacob at nagseselos dahil ako ang nagustuhan ni Jacob hindi siya. Mas lalo nila akong inaapi ng malaman nilang kami na ni Jacob.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Well, well kahit itaas mo ang kilay mo hindi mawawala ang kalandian mo sa katawan. At hindi din mawawala sa paningin ng ibang tao kung anong klase kang babae. " gustong gusto ko ng sampalin ang babaeng ito. Ayoko lang magkagulo at dapat hindi ko pinapatulan ang mga patutsada nila. Ayokong ihalintulad ang sarili ko sa kanila.

Tinalikuran ko ang mga ito at umalis sa lugar na iyon. Hindi naman ako bato, nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. Kahit wala naman katotohanan ang lahat ng mga bintang nila. Pero sobrang sakit lang. Hindi kasi ako ang tipo ng babae na palaban. Ayoko kasi ng gulo.

"Hey, sweetheart" tawag sa akin ni Jacob. Lalapit sana siya para bigyan ako ng halik sa labi. Umiwas ako. Napakunot ang noo niya sa ginawa kong pag-iwas.

"Huwag dito Cob marami ang nakakakita." napabuntong hininga ako.

"Ano naman masama you are my girlfriend, so I have the right to kiss you." salubong na ang kilay niya kaya malamang naiinis na ito.

"Tell me sweetheart, sinong nang-away sa iyo? I will punish them with my bare hands!" galit na sabi nito kaya natakot ako. Alam kong walang sinisino si Jacob kahit babae pa iyon. Sasaktan niya ang mga iyon.

"W-walang nang-away sa akin. Hindi lang talaga ako sanay na hinahalikan mo ako in public," napayuko ako. Pinagpawisan na ang mga palad ko. Para wala na siyang masabi. I tip toed to kiss him and hugged him. Naramdaman ko ang kamay nito sa may baywang ko.

"Kung may mam-bu-bully sa iyo sabihin mo lang. Mananagot sila sa akin." Aniya saka hinagkan ang aking noo. I nodded in reply.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon