Chapter 13

25.1K 584 38
                                    

Adrianna

MARAMING pasyente ang pumupunta araw-araw. Kaya hindi kami magkamayaw na mga volunteer sa pag-asikaso sa kanila. Nakakaawa ang kalagayan nila dahil kulang sa pasilidad ang ospital sa lugar nila. May maayos na ospital ngunit malayo naman sa lugar nila. Kaya ang iba lumalapit na lamang sa mga albularyo para magpagamot. 

Napansin ko na wala sa paligid si Major Jac. Sa tuwing nasa malapit ang lalaking iyon, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko kasi may gagawing masama sa akin. Naalala ko na naman ang ginawa niya kagabi. Hindi maalis sa akin ang pagpuyusan ng galit, napakabastos ng lalaking iyon.

"Ianna, tulungan mo nga ako rito. I-blood pressure mo si Manang." sabi ni Mike sa akin. Napatingin ako sa matanda. Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang blood pressure. Habang kinukuhanan ko ng blood pressure ang matanda. Patingin tingin siya sa paligid.

"May problema ho ba?" Tanong ko. Napangiti sa akin ang matanda.

"Wala naman. Nagpapasalamat ako't nakarating kayo sa lugar namin. Marami dito ang nangangailan ng libreng gamot at checkup." Sabi nito.

"Ayos lang ho iyon. Marami ho kaming tumutulong sa abot ng aming makakaya." Sabi ko. Medyo mataas ang kanyang BP. Baka napagod sa pagpunta rito malayo pa naman ang pinaggalingan niya.

"Salamat" pasasalamat niya sa akin.

"Medyo mataas ang blood pressure niyo, Nanay. Kailangan niyo munang magpahinga ng kaunti. Doon ho kayo pumunta para sa libreng gamot."  Itinuro ko ang Nurse na nagbibigay ng gamot. May isinulat ako sa papel at ibinigay sa matanda.

*****

" Mike sigurado ka ba na okay lang sumama sa matanda?" Tanong ko kay Mike. Gusto niya raw puntahan ang apo ng matanda na may sakit. Ako ang sinama niya. May agam-agam akong nararamdaman. Delikado kasi para sa amin ang lumabas ng tent ng walang kasamang sundalo.

" Okay lang naman tsaka kasama naman natin ang matanda. Hindi naman niya siguro tayo ipapahamak. Tutulungan lang naman natin ang apo niyang may sakit. Kawawa naman." napabuntong hininga ako.

 Ito ang ugali ni Mike mapagkawang gawa sa kapwa. Kahit hindi man lubos na kakilala tinutulungan niya pa rin.

Binaybay namin ang masukal na daan. Mukhang gubat na itong dinaraanan namin. Napalingon ako sa pinanggalingan namin hindi ko na makita ang kampo. Mas lalo akong kinabahan dahil palayo na kami ng palayo. Nagiging maputik na rin ang dinaraanan namin. Ang sapatos ko ay puro putik na parang hindi na mukhang sapatos.

Napahawak ako sa strap ng backpack ko. Dumoble ang kaba ko ng maisip kong baka may makasalubong kaming mga rebelde. Ayokong isipin ngunit hindi ko maiwasan.

Napatingala ako sa langit. Tirik na tirik ang sikat ng araw. Masakit na sa balat ang sinag nito. 'Buti na lang may mga puno sa paligid kaya malilim.

Napatingin ako sa relos kong pambisig. It's already 10:00 AM. My god 3 hours na kaming naglalakad ni Mike. Hindi ko na namamalayang ganoon na pala kami katagal naglalakad.

I feel exhausted isabay pa ang pagkalam ng sikmura ko. Ano nga lang ba ang kinakin ko kanina? Kape at tinapay lang.

"Mike, malayo pa ba tayo? Masakit na ang paa ko," reklamo ko. Feeling ko bibigay na ako.  Masakit na rin ang daliri ng mga paa ko. Baka nagkapaltos na sa sobrang layo nang nilalakad namin.

"Malapit na tayo" may itinuro ang matanda na isang lugar. Buti naman gusto ko ng maupo. My god ang sakit na talaga ng mga tuhod ko. Bakit ba kasi pumayag pa akong sumama kay Mike sana iba na lang ang isinama niya.

"Okay, ka lang ba, Ianna? Malapit na tayo konting tiis na lang," naisip ko kapag bumalik kami ganito rin kalayo ang lalakarin namin. My god baka gumapang na ako pabalik dahil sa layo.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon