Chapter 24

24.8K 609 36
                                    

Warning: SPG ALERT!

Jacob

DINALA ko agad sa pinakamalapit na ospital si Dria. Nagpapabalik-balik ako sa paglalakad habang hinihintay ang doktor na sumusuri kay Dria. Sobrang takot ko nang makita ko ang dugo sa tagiliran ni Dria. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.






"Bro,kumusta si Dria?" tanong ng pinsan kong si kuya Alexandro nang dumating sa ospital. Umupo ako.






"I don't know hindi pa lumalabas ang doktor," he tapped my shoulder.





"Don't worry she'll be fine. By the way tinawagan ko ang Mama ni Dria papunta na siya dito. Iniwan muna nila si Drianne sa Mommy mo."





Magkasabay pa kaming napatingin sa pinto ng operating roon nang bumukas 'yon. Lumabas ang doktor. Tumayo kami ng pinsan ko. Lumapit ako sa doktor.





"How is she, Dok?"





"She's in stable now. Naalis na namin ang bala sa tagiliran niya. Nawala namang tinamaan ibang organs niya," napatingin sa akin ang Doktor saka bumuntonghininga, "but kailangan natin muna siyang obserbahan. She's pregnant." 





Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang buntis si Dria.





"She is a week pregnant. Don't worry the baby is fine," wika ng doktor at umalis rin agad.






"Bro, congrats! Lupit ng kargada mo. Naka-shoot ka pa sa lagay na 'yan. Akala ko war pa kayo ni Dria. Nag-giyerahan na pala kayo," wika ng pinsan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako dahil magkakaanak na ulit kami ni Dria. Umaasa akong magiging okay ang pinagbubuntis niya.






Pinuntahan ko siya ng mailipat sa recovery room si Dria. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinagkan iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko nailigtas si Dria.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon