Chapter 19

25.9K 601 39
                                    

Jacob

Maaga akong nagpunta sa bahay nila Dria upang doon mag-almusal. Napakunot noo ako nang mapansin ko ang kotseng nakaparada sa harapan ng gate nila Dria. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kusina.

"Good morning, Tita," bati ko sa Mommy ni Dria. Humalik ako sa kanyang pisngi. 

"Ang aga mo naman yatang pumunta dito? Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa nga po,Tita," wika ko. Biglang tumunog ang tiyan ko. Natawa si Tita nang marinig ang malakas na tunog galing sa tiyan ko.

"Mukhang hindi pa nga. Halika may nakahaing pagkain sa lamesa," sinundan ko siya patungo sa dining area.

Nag-igting ang panga ko ng makita ang doktor na kinaiinisan ko.

Ano'ng ginagawa ng gagong ito dito? Mukhang nagkakasiyahan ang dalawa. I saw them laughing. 

"Dria, nandito si Jacob," ani ni Tita.

Napaangat ng tingin si Dria. 

"Ang aga mo naman yatang pumunta dito, Jacob." 

Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.

"Gusto kong ako muna ang mag-aalaga kay Drianne. Hindi ba may pasok ka ngayon?"

Balak ko talaga ako ang maghahatid at magsusundo sa anak ko, habang nasa bakasyon ako. Isang buwan ang leave ko sa trabaho. 

Hindi kumibo si Dria. 

"Magkakilala kayo ni Major Dela Costa?" tanong ng doktor kay Dria. Ako na ang sumagot ng akmang magsasalita si Dria.

"Yes, I know her. As a matter of fact Drianne is my daughter," seryoso akong nakatitig sa lalaki. His face was etched with surprise. Hindi ba siya makapaniwala?

"Oh, you're serious? I had no idea you were her father. "I'm glad she met you," sabi ng doktor.

Sinulyapan nito si Dria.

Gusto kong undayan ng suntok ang lalaki. May atraso pa nga ito sa akin. Hindi ko lang magawa dahil nasa harapan ko si Dria. Kung gagawin ko 'yon magkaroon na naman ako ng masamang impresyon sa kanya.

"Halika na Mike, baka ma-late tayo, traffic pa naman."

Tumayo si Dria pati na rin ang doktor.Inalalayan pa nga nito si Dria. Gusto kong sawayin subalit iniisip ko ang sasabihin ni Dria.

Lalapitan ko na sana sila ng dumating ang anak ko at si Tita. Nagkukusot pa ng mga mata ang anak ko. 

"Aalis na ba kayo?" tanong ni Tita sa dalawa.

"Oo, Ma, baka ma-traffic kami sa daan." Napangiti si Dria sa anak.

"Hi, anak, good morning." Hinagkan nito ang pisngi.

"Good morning, Mommy," bati nito sa ina.

"Hi, baby, good morning." Bati ni Mike sa anak. 

Lalapitan sana nito upang hagkan, sumingit ako kaagad. "Baby," tawag ko sa anak. Napatingin ito sa akin. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ako.

"Daddy!" inilahad nito ang dalawang kamay. Ibinigay sa akin ni Tita si Drianne.

Hinagkan ko ang buhok pati na ang pisngi nito.

"Good morning, baby. Ako muna ang maghahatid sa iyo sa school. Okay lang ba sa iyo, anak?" tumango siya sa sinabi ko.

"Bye, baby, papasok na kami ng Mommy mo," paalam ng gagong doktor.

"Major Dela Costa, mauuna na kami."

Tanging pagtango lang ang tinugon ko. Kanina pa ako naiinis sa pagmumukha niya. Hindi ako pinansin ni Dria hanggang sa lumabas na sila.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon