Chapter 30

24.2K 509 45
                                    

Jacob

Nagpapasalamat ako dahil hindi na mailap ang kambal sa akin. Unlike before, I can now carry them. I remember the last time hinampas niya ako sa mukha ng tinapay  at biglang umiyak. Para tuloy may ginawa akong krimen sa kanya. Si Jack naman ay hindi naman  nanghahampas, lagi itong nakayakap sa akin. Pero kapag yumayakap na ako sa ina nila nag-iiba na ang ugali. Nagiging maldito na rin. Napaka-possessive ng mga anak ko pagdating sa Mommy nila.







Namasyal kaming dalawa ni Adrianna kasama ng kambal. Bonding time naming mag-asawa. Wala si Drianne dahil na kay  Mommy. Bonding time naman ng mag-lola tuwing weekends.








"Sweetheart, doon na lang tayo kumain sa favorite natin restaurant." Sabi ko habang naglalakad kami at naghahanap ng makakainan. 







"Okay, gutom na rin ako at masakit na ang paa ko." Reklamo ni Dria. 








Naawa ako sa hitsura nito. Mabigat na rin ang kambal kaya kinuha ko sa kanya ang isa pang kambal. Magrereklamo pa sana ito pero hindi ko na hinayaang makapagsalita pa. Dumiretso na ako sa paglalakad. 








Pumasok kami sa favorite naming restaurant. Sinalubong agad kami ng babaeng receptionist. Tinanong niya kami kung may reservation kami. Umiling ako.








"Table for four," sabi ko. Nakatitig lang ang babae sa akin at tila ba natulala sa akin.








"Djaji" tawag sa akin ni Jack. Nakaturo ang daliri nito sa Mommy niya. Nakasimangot ang asawa ko. Todo pa-cute naman kasi ang babae na nasa harapan ko.

BARAKO SERIES: #3 Obsession (Jacob Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon