Sabado ngayon at wala akong ganang lumabas ng bahay. Nanlalata at tinatamad ako. Inatake kase ako ng sakit ko kagabe. Ewan. Ngayon na lang ulit nangyare yun.
"Xian, anak?" Tawag ni mama sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Bakit po? Bukas yang pinto ma." Sagot ko naman sa kanya. Pumasok sya sa kwarto ko at nakita ko ang mata nya. Bakas dun ang pag-aalala nya.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, anak?" Tanong nya at bakas pa din sa mata nya ang pag-aalala.
"Ayos na 'ko ma." Sagot ko na lang para kumalma sya. Nakita kong medyo nawala ang pag-aalala sa mga mata nya.
"Good to hear." Sabi ni mama at niyakap ako. May bigla namang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tinignan 'yun ni mama at si Jake ang iniluwa ng pintuan.
"Tita, I heard about Xian's condition kay Kuya Saviel. Okay na po ba sya?" Tanong ni Jake kay mama. Bakas din sa mata nya ang pag-aalala.
"Okay na 'ko, Jake." Ako na ang sumagot sa kanya.
"Thank God." Sabi nya. Lumapit sya sakin at niyakap ako. Iniwan na kame ni mama at isinara ang pinto.
"Ano bang nangyare sayo kagabe?" Nag-aalala pa din sya.
"Okay na 'ko, Jake. Nothing to worry."
"Pero may nangyare sayo kagabe."
"Pero okay na 'ko ngayon."
"But still... Inatake ka pa din. Kagabe ka na lang ulit inatake."
"Don't worry, Jake. I'm fine. Everything's fine. "
"Everything's fine? Hinde. Hindi ayos. Makikita kitang nandyan sa higaan mo at may nakalagay na oxygen sa'yo, tapos everything's fine?"
Tinanggal ko ang oxygen na nakalagay sakin at nagsalita. "Ayan? Okay na? I'm fine." Pero bawat pagsasalita ko, hinahabol ko ang hininga ko.
Nagmamadaling ibinalik ni Jake ang dextrose ko sakin. Pagkatapos nung ay nagsalubong ang kilay nya. "ANO BA, XIAN! PAPATAYIN MO BA TALAGA SARILI MO?" Sigaw nya. Buti na lang at sound proof itong kwarto ko. Kung hindi, pinasok na kame ni mama dito.
"Calm down, Jake. I was just kidding."
"That's not a good joke!"
"It's fun."
"Xianel, please?"
"Fine. Fine."
Naupo sya sa tabi ko. He run his fingers to my hair. He cares for me. He really does. Pag nawala sya, wala na din yung taong magc-care sakin ng sobra. Oo. Nagc-care sakin pamilya ko. Pero iba yung pagc-care sakin ng bestfriend ko.
"Jake, sorry." Sabi ko kay Jake at tumingin sa kanya.
"For what?" Tanong nya at hinawakan ang ulo ko at nilagay yun sa balikat nya.
"For everything."
"Anong everything?"
"Sa pang-aaway sayo. Sa lahat ng masamang nagawa ko sa'yo. Kase Jake, alam mo, ang dami kong nagawang mali sayo. Pero eto. Nandito ka pa din sa tabi ko. Kahit anong gawin kong palo sayo, wala. Di mo pinapansin. Sorry, Jake."
"Shh. Wala yun. We're bestfriends. Wala sakin 'yun."
Ilang sandaling naging tahimik ang kwarto. At sa sandaling katahimikan na yun, nakatulog ako sa tabi ng bestfriend ko.
